SANDY POV
Nagising ako nang sobrang sakit ang ulo ko. Para siyang binibiyak ng palakol at nang kung ano pa. Sobrang sakit.
Hindi na talaga ko iinom kahit kailan! Bakit ba kasi naisipan kong uminom e. Huhu.
Siguro'y dahil na rin sa pakikisama kaya napa'oo ako.First time kong uminom ng alak kagabi, tapos siya pa yung kasama ko. Nakakahiya tuloy! Baka mamaya kung ano ano ang pinagsasasabi ko kagabi.
Teka... alalahanin mo nga, Sandy! Alalahanin mo!
Nag-isip ako, pero wala talaga kong maalala. Ang tanging alam ko lang yung umiinom kami, tapos ka'kwentuhan ko si Wena tungkol kay Ash, tapos... wala na kong matandaan!Diyos ko! Sana wala akong ginawang katangahan kagabi.
Sana. Sana talaga'y wala.Pero... anong oras na ba? Bakit wala na si Ash sa tabi ko?
Hay. Alas Nuebe na pala. Teka nga't makabangon na.Nang maligpit ko ang hinigaan ko ay nakasalubong ko si Nanay Grace pagbaba ko.
" O? Kamusta ka na? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang nagtitimpla ng kape.
" Medyo nahihilo lang po, pero okay naman po ako." Sagot ko saka ako dumukdok sa lamesa.
Nahihilo talaga ko." Bakit kasi nakipagsabayan kayo sa inuman? Ayan tuloy. " pangaral niya pa.
" Nadala lang ho ng sitwasyon, Nay. Pasensya na ho kung naistorbo ko po kayo at napahirapan kagabi."
" Naku! Wag ka saking humingi ng paumanhin, Iha. Kay Ash. Siya ang nag-alaga sayo at nagbitbit sayo dito pauwi. "
Na'touch naman ako sa narinig ko. Pero, agad kong binawi 'yong pakiramdam na yun, dahil sa pumasok sa isip ko. Bawal palang ma'attach.Di ko nalang muna sasabihin kung bakit, dahil wala pa namang confirmation kung mayroon pa ba? O wala na talaga
Basta! Set a side muna ang lahat.
Pero... mahal ko na talaga siya. At di ko na kayang mawala pa siya.Napatingin ako sa suot kong damit.
Teka? Hindi ito yung suot ko kagabi ha?
Don't tell me...Literal na nanlaki ang mata ko sa naisip ko.
Nagawa yun ni Ash?! My God!" Nay? Si Ash din po ba ang nagpalit ng damit ko?" Nangangambang tanong ko tapos nangiti siya saka uminom ng kape.
" Ako ang napalit ng damit mo, Sandy. Nang gawin ko yun ay lumabas siya ng kwarto niyo at nagpunta siya sa kapatid niyang tulog na. Kaya wala kang dapat ipag-alala."
Nakahinga naman ako ng maayos. Akala ko nakita na niya lahat sakin. Akala ko'y sinamantala niya yung kahinaan ko nung gabing iyon para masilipan ako.Huhu. Pero, buti nalang at hindi.
" Malaki ang respeto sayo ng batang iyon kaya alam kong hindi siya gagawa ng ano mang aksyon na magiging masama sa paningin mo. Saglit nga, Hindi mo pa ba nararamdaman?"
May paghampas pang tanong niya sakin." Ang alin po?" Medyo pilit ang ngiting sabi ko dahil nagpa'procesa pa yung sinabi niya.
Parang hindi ako teacher dahil ang slow slow ko lagi.
" Siya. Sayo. Hindi mo pa nararamdaman?"
Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya kaya umiling nalang ako.
" Buksan mo kasi yan" sabay turo niya sa puso ko.
" Para makita nito ( turo sa mata ko ) ang gustong makita nito ( Turo niya ulit sa puso ko. ) "Napaisip ako. Malalim na pag-iisip.
Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Kuha ko na. Pero, nag'woworry pa rin talaga ko e. Lalo na dun sa message na nabasa ko sa phone niya.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...