PART 2

217 7 1
                                    

SANDY POV

" Sandy! Gising na bilis!" Sigaw ni Krisha sa labas ng kwarto ko habang kinakalabog ang pintuan.

Ang aga aga namang mambulabog nito.
Inaantok pa ko e.

Feeling ko namamaga yung mata ko kakaiyak.
Tiningnan ko muna yung phone ko kasi baka may text si Norwin na... nakikipagbalikan siya.

Tatanggapin ko siya.
Ay! Ang tanga ko no.

Kaso... wala. Buo na ata talaga ang desisyon niya.

" Oy! Bilis!"

" eto na! Saglit!" Saka ako tumayo para buksan ang pinto.

" Ha! Ha! Ha! Halika dito sa salas at ipapakilala ko sayo ang mga pwede mong maka'date! Paheram ng phone mo! Bilis!" Saka niya yun hinablot at tinangay niya ko sa salas.

" Asan si Noemi?"

" Present! Nagbanyo lang ako. Ang tagal niyo e. Ano? Game na ba?" Tanong niya saka nakisiksik ng upo saming tatlo.

Ako ang nasa gitna ngayon habang nakaupo sa sofa.

" Password mo sa FB! Bilis." Saka niya inabot sakin yung phone ko.
Ako naman ay inilagay ko tapos ibinalik ko sakanya.

" Ano ba yan? "

" Sikat na Application ngayon 'to sa Android. Tinder."

" Ano naman ang ganap niyan?" Tanong ko.

" Ihahanap ka ng Date! Ano pa ba!" Sigaw ni Krisha sakin.

" Ha? Diyos ko naman po, Inang. E baka naman kung sinong poncho pilato ang nandyan. Ayaw ko na! Tama na. Matutulog na lang ako."

" Friendship, madali lang 'to! Ikaw nga ang pipili dun sa guy na magugustuhan mo.
Ngayon, kung ayaw mo dun sa lalaking makikita mo, pwede mo siyang ireject, which is swipe mo lang sa left. Ngayon kapag gusto mo siya, swipe mo lang sa right pero kapag gustong gusto mo siya swipe mo lang sa taas, ibig sabihin nun...... SUPER LIKE! Tapos pag same kayo na naglike sa isa't isa pwede na kayong mag'chat. Ibig sabihin non, match kayo." Paliwanag sakin ni Noemi sa napakasayang paraan.

" Wag na lang kaya."

" Eto na. Wag ka ng umatras. May account ka na." sabi ni Krisha tapos ay ipinakita samin yung sinasabi niya.
" Shet! Ang gwapo ni Kuya oh. " dagdag niya.

" Wag naman yan! Kalbo. Manloloko daw kapag walang buhok" si Noemi tapos sya yung nagswipe nung screen sa left at nawala ung kalbo.

" Here. Long hair. Parang yung nasa meteor garden."

" Kanina kalbo? Ngayon long hair. Wag yan. Sabi ni Lola kapag long hair daw, malas sa buhay." Si Noemi na naman.

" Yung totoo? Ikaw yung naghahanap ng makakausap? "

" o Sige! I'll be quiet nalang." Sagot nito saka sumimangot.

Tumingin sakin si Krisha tapos umiling lang ako.
Naghanap kami ng naghanap.

May nilike kami pero hindi naman ako nilike.
Sabi pa nga ni Krisha, akala mo daw kung sinong gwapo at nireject ang kagandahan ko.
May naglike din naman sakin pero di ko bet.

Habang nasa ganoong paghahanap kami ay biglang may tumawag mula sa labasan.
Sinilip nila sa bintana yun, at nakita nilang si Limuel yun kaya binaba muna nila para papasukin.

Si Limuel ay co-teacher namin. Kaso, siya ang tinuturuan niya ay Grade 6 na. Kami kasi ni Noemi ay Kinder nagtuturo, habang si Krisha naman ay sa Grade 3.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon