HALOS hindi ko magalaw ang pagkain na nasa harapan ko paano ba naman kasi bukod sa katabi ko si Renz nakahawak pa ito sa hita ko at panaka naka nitong pinipisil iyon habang ang isang kamay niya ginagamit sa pag kain.
“Why aren't you eating your food.” Napaangat ako ng tingin ng magsalita si daddy. Ibinaba nito ang kutsara niyang hawak at pinagsaklop ang kamay sa ibabaw ng lamesa. He look at me. “Look at you, ang payat mo na.” Dagdag pa nito.
Magsasalita na sana ako ng tumikhim si Renz.
I glanced at him he smiled wider. “Ayaw kasing magkakain dad, sinabi ko na kasi sa kanyang kumain siya ng marami eh.” Gusto ko itong palakpakan sa pagsisinungaling nito pero napaiwas ako ng tingin ng pukulin ako nito ng nakakamatay na tingin.
Nakita ko ang pagtingin sa akin ni daddy na parang kinakabisado ba kong nag sisinugaling ito nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng pisilin ni Renz ang hita ko kaya sunod sunod akong napatango.
“Right daddy.” I lied.
Pinilit kong ngumiti sa Daddy ko para pagtakpan siya.
Daddy nodded his head but not smiled. “Hmm, kamusta na naman ang kumpanya Renz?!” Tanong uli ni daddy na kay Renz na ang tingin nito.
Umupo ng tuwid si Renz bago tumingin kay daddy na nakangiti.
“Okay lang naman daddy.” Ani Renz.Daddy let out a breath. “I see.” He said as he shrugged.
Natapos ang salo-salo namin kasama ang salvestre family umuwi na rin ito kanina kasi may pupuntahan pa daw sila nandito ako sa veranda tinatanaw ko ang mga halaman dito gayun din ang mga bulaklak nakaka tanggal ng stress ang veranda namin kasi bukod sa mga puno may mga bulaklak pa dito na inaalagaan ni daddy kasi mahilig si mommy sa bulaklak kahit na minsan umaalis si daddy papunta sa ibang bansa para sa company namin d'on inaalagaan ito ng mga katulong lagi dinidiligan ito minsan pag nandito si daddy siya nag aalaga nito kasi naaalala niya si mommy sa mga bulaklak mahilig si mommy sa mga bulaklak naaalala ko pa ng maliit ako pag may mga natutuyong dahoh ang puno namin dito sa harden si mommy ang nagwawalis at nagdidilig noon.
Malalim akong napabuntong hininga hindi ko na mamalayan na may tumulong luha sa pisngi ko i miss her I miss my mother so much kung sana nandito si mommy may karamay ako may makikinig sakin pero wala na siya kinuha na sya ni Lord dirediretso ang luha kong dumadaloy sa pisngi ko bata pa ako ng kinuha ito ni lord dahil sa sakit sa buto.
“Ehem.”
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko ng may tumikhim sa likod ko nilingon ko ito at nakita ko si daddy na nakatingin din sa mga bulaklak sa likuran ko.
“I missed her too.” He said, malungkot ang mga mata nitong nskatingin doon.
Another tear's fell from my eye's.
Bumuntong hininga ito at lumapit sa tabi ko.
“Walang araw na hindi ko naiisip ang mommy mo. kaya hindi na ako nag asawa at umuuwi talaga ako sa mansion dahil..” Lumamlam ang mga mata nito. “Dahil, alam kong inaantay ako ng mommy mo dito sa bahay.” Malalim itong napabuntong hininga na parang pinipigilan ang sarili niya.
“Sobra akong nasaktan ng mamatay ang mommy mo. Alam kong alam mo 'yon, dahil ng mga panahon na iyon. nalulong ako sa alak at napabayaan ko ang kompanya.” Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bulaklak napabaling ang tingin nito sakin kinabahan ako ng tumingin sa bang's ko si daddy bumalik ang pagiging seryoso nito.
“Nakalimutan ko na ipinangako ko sa mommy mo na aalagaan kita,” He said. “At hindi ako papayag na may mananakit sa'yo.” Nagtatagis ang bagang nito habang nakatigin sa akin ng matiim.
BINABASA MO ANG
I'm His Martyr Wife (De Silva Series #2) Under Editing
General FictionR/18 Renz De Silva Story He's my husband and i love him but he never loved me. He already fell to someone else.... Someone else na gusto kong maging ako para mapansin nito. Pero lalong lumayo ang loob nito sa akin hanggang kailan kakayanin ng sugat...