This is work of fiction, Names, Characters, businesses, Places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any recemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
DO NOT DISTIBUTE, PUBLISH, TRANSMIT, MODIFY, DISPLAY OR CREATE DERIVATIVE WORKS FROM OR EXPLOIT THE CONTENTS OF THIS STORY IN ANY WAY.
PLEASE OBTAIN PERMISSION.
ENJOY READING.
-------------------
Nananatili ang paningin ko sa labas ng sinasakyan kong kotse, nadadaanan namin ang mga punong maayos na nakahilera sa bawat gilid ng simentong daan, Di kalayuan ay natatanaw ko na ang paaralang pagmamay ari ng aking pamilya.
May nakikita akong mga estudyanteng naglalakad kasama ang mga kaibigan nila habang nagtatawanan. Mayroon ring mga naka upong mga iba ibang grupo sa malawak na field.
Ngunit sa dami ng mga taong naglalakad patungo sa iisang dereksyon, may nag bubukod tanging nakakuha ng aking atensyon.
"Manong Edgar, Paki bagalan ang pagmamaneho. "wika ko sa gitna ng katahimikan, bahagya akong nilingon ng di katandaan na lalaking nasa driver seat, naguguluhan ang nakaukit sa kanyang mukha.
"Masusunod, Young Master. "ang tangging nasagot nito at bahagyang binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa labas ng bintana, sa di malamang dahilan ay hindi ako mapakali. Dahan dahan kong ibinaba ang salaming nasa gilid ko.
Ramdam ko ang tinginang ibinibigay ng mga estudyante sa dereksyon ko.
Natatanaw ko lang ang likuran nito, hindi ko alam kong anong dahilan kong bakit hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya, may katangkaran ito at may kulay gatas na balat, Mayroon siyang mahabang kulay lupang buhok na umaabot hanggang baywang at mukhang natural lang iyon, gumagalaw at sumasabay ang bawat hibla ng buhok nya sa ginagawa nyang paghakbang.
Sa kabila niyang kamay ay mayroon siyang hawak na gitara.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi .
Mukhang wala ito sa sarili dahil hindi niya napapansin ang mga taong sinusundan ang bawat paghakbang na ginawa niya o napapansin at nararamdaman nito ngunit hinahayaan nalamang? mayroon ring napapahinto sa kanilang ginagawa para lang mag nakaw ng tingin.
Kung ganoon hindi lang ako ang nakakuha ng atensyon sa kanya? May parte sakin na hindi tanggap na ganoon, ramdam ko ang pamumuo ng kung anong emosyon sa dibdib ko.
At hindi ko iyon gusto.
Pigil ang paghingang nagawa ko ng tumapat sa gilid nya ang bintana na kung nasaan ako naka upo. Umayos ako ng pagkakaupo at nagpanggap na hindi ko ito tinitignan. Nang tuluyang lumampas ang sinasakyan kong kotse ay muli akong dumungaw upang tignan ang itsura nya.
Bahagya akong natigilan, Nakakaakit ang walang buhay nitong asul na asul na mga mata sa paningin ko.
~~~~
Napabuntong hininga ako nang makarating sa locker room. May nakikita akong ilang mga babaeng nagbibihis ng yuniporme nila, mukhang galing ang mga ito sa swimming practice. Sa Unibersidad na ito, magkaiba ang locker room ng babae at lalaki kaya naman ay prente kung mag sipag hubaran ang mga ito ng damit.
Binuksan ko ang sariling locker, at dahil pahaba ito ay nagagawa kong mailagay ang hawak kong gitara, kumuha rin ako ng librong gagamitin para sa klase ko mamaya. Napabuga ako ng hangin ng mapansin ang ilang panibagong papel na may ibat ibang kulay , ngunit mas nananaig ang kulay pulang mga papel .
Wala naman silang nakukuhang mga sagot mula sakin, bakit hindi sila nagsasawang magbigay ng ganito? paano kung malaman nanaman ni Sean ito? paniguradong mag aaway nanaman kami.
Bakit kasalanan ko bang nagkakagusto sila sakin?
Inayos ko ang pagkakahilera non at ipinatong sa mga naipon ko sa loob ng linggong to. Dadalhin ko nalang ang mga papel na to mamaya dahil masyado nang sumisikip ang loob ng locker.
Nang matapos sa ginagawa ay kaagad akong lumabas ng locker Room. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok sa una kong klase.
"Oh, Ba't parang binagsakan nang arinolang may ihi ang mukha mo?"Salubong nang bespren kung si Joana.
Umupo ako sa pwesto ko at inilabas ang notebook ko na kung saan ako nagsusulat nang kanta.
"Narinig ko kasing may kausap si Nanay kanina, A-ang sabi nong kausap nya, K-kukunin na daw nya ang anak nya kay nanay.. Pero ako lang naman ang anak ni nanay.."Di napigilang wika ko gamit ang nanginginig na boses. Napakurap kurap ako habang nakatitig sa notebook na nakapatong sa silya. Pilit na pinipigilan ang sarili na huwag bumigay at tuluyang mapaluha.
Naramdaman kong hinila niya ang isang silya at iniharap saakin at doon umupo.
"Para namang sinasabing.. Ampon ka?"Nagtatakang tanong nya.
Napalunok ako. Parang hindi ko ata gustong malaman. Umayos ako nang pagkaka upo ng mapansin ang kakapasok pa lang na Professor.
"We have transferred student, Everyone!"bungad nito dahilan kong bakit tumahimik ang klase.