Kahit gusto ko mang sabihin kay fergus ang ginawa nya sakin ay hindi ko magawa dahil
Pinagbantaan nya akong ipapatanggal ang scholar ko kapag nalaman ni fergus ang ginawa nya.Ang sakit pala kapag hindi ka gusto ng magulang ng boyfriend mo.
Kung ano ano na nga lang ang ginawa kung dahilan para maniwala sakin si fergus na aksidente lang ang nangyari sakin.
Xby DNSUnlocker
Napabuntong hininga ako at inilagay ang gitara sa lagayan neto. Ngayon ko lang napansing umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang sariling luha at humiga sa kama.
Kanina ng makapasok ako dito sa bahay ay nakita ko ang mga totoo kung magulang.
Ang kinikilala kung magulang ay ang kapatid ng Totoo kung Mama.
✕✕
Powered by DNSUnlockerHindi naman ako galit sa kanila, siguro nagtatampo lang. Im 18 years old at ganon katagal ko silang hindi nakasama kaya hindi ako sanay sa presensya nila. Kung tama ang pagkakarinig at pagkakaintindi ko, sabi ni mom, may pinapatakbo daw syang isang Model Company sa paris kaya hindi raw ito nagkaroon ng oras para saakin.
Ipinaliwanag at ipinaintindi nya saakin ang lahat. Ang kinakasama nya ngayon ay hindi ang tunay kong tatay, nong tinanong ko naman sya, umiyak lamang to. Maraming pumasok na dahilan sa utak ko. Maaaring naghiwalay sila dahil hindi na nila mahal ang isat isa o baka naman ay wala na si itay, o di kaya naman ay bunga ako ng pagkakamali?
Xby DNSUnlocker
Kinabukasan maaga akong nagising, sa totoo lang ay hindi ako nakatulog nang maayos, Kakatapos ko lang mag ayos sa sarili nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok. "Sabi ko habang nag boblower ng buhok.
"Hija, May bisita ka.."Saad ni mama.(Ate ng real mom ko)
Napakunot ang noo ko saka inilagay sa lagayan ang hawak na blower. Si fergus ba?
"Sino ma?"Sabi ko at naglakad papunta sa dereksyon nya.
"Si Madame Hye. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo."Sabi nya.
Nagmamadaling bumaba ako at nakita ko syang nakatayo habang tumitingin tingin sa paligid. Meron syang kasamang magandang babae at ilang mga boyguards.
Dahil hindi naman kalakihan ang bahay namin, at may mga estranghero dito, pakiramdam ko napakasikip na nang paligid. Nasisikipan ako.
Pano nya nalamang dito ako nakatira? sinabi ba ni fergus?
"Magandang umaga po. Madame Hye."Bati ko kaya napalingon sya sa gawi ko pati narin ang kasama nyang babae.
"Maupo po muna kayo."Saad ko.
"Hindi na. Hindi rin naman kami mag tatagal."eleganteng wika nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang, lalo na at lumang damit ang suot ko kumpara sa mga suot nilang pang mayaman talaga, na tipong mga kilalang brand at mamahalin.
"Dideretsuhin na kita hija, Stay away from my son, matalino ka hija kaya ka napiling maging isang scholar sa paaralan namin, kaya sana magamit mo ang talinong mayroon ka sa mga ganitong sitwasyon."malamig na wika .
Napamaang akong tumingin sa kanya At agad na napahawak sa puso ko.
"Hindi po kayo ang magdidesisyon nyan madame."Matigas na sabi ko.
Napakagat ako sa labi ng kumikirot kirot ang puso ko. Wag please..Wag ngayon..
Ilang sandali itong walang imik at saka napabuntong hininga,"Magkano ba ang kailangan mo?"saka sya may kinuhang kung ano sa itim nitong bag namay tatak na Gucci. Isa iyong makapal na puting papel na pahaba. "Sapat na ba ang limang daang libo?O baka naman kulang pa? "
Binabayaran nya ba ako kapalit ng pakikipaghiwalay ko sa anak nya?
"Tita, Tama na.."Saad ng babaeng katabi nya.
Mabilis ang paghinga ko, Ganon ba ang tingin nya sakin?Mukhang pera?
"Oh i forgot to say that this pretty lady besides me is his fiancee.."Pagpapatuloy nya.
Ramdam na ramdam ko ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.
May fiancee na sya? Bat hindi nya sinabi?
Fergus.