Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at ang dahang dahang pagbilis nang pintig ng aking puso habang humahakbang palapit sa puwesto ng babaeng nakatingin sa papel nito at hindi saakin. Sa unang pagkakataon, gusto kong punitin ang tinitignan inya sa pinakapinong-pino para maalis ang paningin nuya doon at mapunta sakin.
Mas mahalaga ba iyan kaysa saakin?
Naiirita ako dahil hindi nya ako binibigyan nang pansin o baka naman hindi nya lang alam na may bagong pasok na estudyante? o nagpapanggap lang ito o di kaya naman ay hindi lang sya interesado sa mga nangyayari sa paligid?
Huminto ako sa harapan nya. Pero ilang segundo na ang lumipas pero hindi nya parin ako tinitignan.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito, may sumilay na saya sa aking dibdib ng nagtagumpay akong makuha ang atensyon nya. Naramdaman ko rin ang pagdoble nang bilis ng tibok nang puso ko nang dahan dahang umangat ang ulo nya at nagtama ang mga mata namin.
Wala akong nababasang kahit na emosyon doon. Mabilis na May tumubong inis akong naramdaman. Wala ba syang nararamdaman katulad nang emosyong mayroon ako para sa kanya?
"May i seat here?" tanong ko at itinuro ang katabing bakante ng inuupuan nya.
Sinundan nya ng tingin ang itinuro ko, Hindi sya sumagot at tumango na lang at bumalik sa kanyang ginagawa. Kumunot ang nuo ko sa pagkadismayang marinig ang boses nya.
Napabuntong hininga akong umupo sa katabing silya at palihim na tumingin sa kanya.
------
Mula sa ginagawa ay hindi ko na napigilang mapatingin sa katabi, hindi kalayuan ang inuupuan nya saakin, may isang hakbang ang layo ng bawat silya, sa totoo lang ay mayroong nakaupo doon. Ngunit hindi ko nalang sinabi dahil naiilang akong sabihin ang totoo lalo na at nakatingin ang mga ilan kong mga kaklase sa gawi namin.
Gumagawa sya nang isang nakakairitang tunog na nakakapagdistract saakin sa pagsusulat nang kanta. Gamit ang hintuturo nya ay itinatapik nya iyon nang paulit ulit sa inuupuan nyang plastic chair.
Lumaki ang singkit nyang mata nang magtama ang mga paningin namin.
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nalang nagsalita, kahit sa totoo lang ay gustong gusto ko nang sabihin na naiirita ako sa ginagawa nya. Ngunit ayokong magbigay ng bad first impression lalo na at bago lang sya dito at sabihin pang binubully ko sya.
Nakita ko syang napalunok nang paulit ulit dahil gumagalaw ang adams apple nya, sya na rin ang kusang nag iwas ng tingin.
Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik ang mga gamit kung nakakalat. Hindi kasi nagtuturo ang Professor namin, dahil nangako sya na kapag lahat kami ay pumasa sa isang pagsusulit ay bibigyan nya kami nang isang araw na walang gagawin.
Kinuha ko ang phone ko sa suot kung palda nang maramdamang nagvibrate iyon. Its Sean, My so called boyfriend.
Agad kong binuksan ang message.
'Pumunta ka sa likod nang gym, now.'
Iyon lang ang nakalagay sa mensaheng binigay nya, ang weird dahil walang 'Cupcake' or 'Sweety' sa message nya. Palagi kasing maygaanon kapag nag titext sya sakin. Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo ng tuluyang matapos ginagawang pagliligpit.