24

15.5K 389 12
                                    


"A-ano!Bitiwan mo ko! " sigaw ko habang pilit na hinihila ang parehong kamay sa pagkakahawak nya.

Pero hindi ko manlang magawang maigalaw ang parehong kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa pareho kong kamay. Para iyong bakal sa  tigas. Yong tipong Sa tuwing iginagalaw ko iyon ay ako pa ang nasasaktan.

Hinihila nya ako pabalik roon sa penthouse nya.

"Shut up Almira. " Maotoridad na utos nya.

"Ano ba! Nasasaktan ako! " Reklamo ko. Mas pinapabigat ko ang sarili para mahirapan sya sa paghila sakin pero parang wala lang sa kanya yon.

Hindi nya ako pinakinggan hanggang sa makapasok kami sa pinto ay padabog nya akong ipinasok sa loob saka nya mabilis na isinirado ang pinto.

Napaupo ako sa sahig habang hinihimas ang namumulang palapulsuhan.

Matatalim ang mata kong tinignan sya samantalang sya naman ay prenteng tumayo sa harapan ko habang nakapamewang.

Walang emosyong tinignan nya ako, At dahil nakaupo ako at nakatayo sya ay paibaba ang tingin nya sakin.

"Go back to your room. " Mariing utos nya.

"No." Im not your pet para utos utusan, pag papatuloy ko sa isip

Dumilim ang ekspresyon ng mukha nya at pumantay sakin saka tinignan ako mula ulo hanggang paa saka nakangising ibinalika ang mata sakin. Napatingin ako sa sarili ng makaramdam ng pagkailang. Kinagat ko ang sariling labi ng mapansin iyon.

Nakasuot lang ako ng white tee shirt at walang saplot sa baba kundi ang Lacey panty na kulay black na sya pa mismo ang nagbigay sakin kahapon.

Mukha akong tanga kong magtatakbo ako sa kalsada ng ganon ang itsura. Baka marape pa ako.

"Go back to your room now. Almira." mas mariing pagkakasabi nya. His eyes darkened with lust as he look in my bare thigh.

I glared at him at saka napatingin sa pintuang nakasarado. Makakatakas rin ako dito. Padabog akong tumayo saka inirapan syang naglakad papunta sa kwarto nya.

Nang makaakyat ako sa ikalawang palapag  ay lumingon ako sa gawing baba at saka napagtantong nakatingin parin sya sa gawi ko.

Parang nag aantay na makapasok ako sa kulungan ko. Inirapan ko sya at pabagsak na isinirado ang pinto saka inilock yon. Naiinis na pinagtatanggal ko ang sariling mga picture na nakadikit sa ding ding at pinagpupunit iyon.

Wag lang syang papasok rito. Baka masampal ko sya katulad ng ginawa nya sakin.

Napasambunot ako sa sarili. Nakakainis. hindi pwedeng ganon ganonin nya ako na parang walang nangyari samin.

"I hate you! " Sigaw ko saka pinagtatapon ang mga unan sa malayo saka ginulo ang bed sheet.

Hinihingal akong umupo sa sulok ng kwarto at tumingin sa paligid ko, Ang gulo na neto...

Isinubsob ko ang sariling mukha sa tuhod ko at napaiyak. Ang sama ng pakiramdam ko.

Alam nya ba ang dinanas ko para lang mabuhay? Halos mamatay ako. 

Niloko nya ako...

Ano ba almira. Nakaraan na yon .Saway ko sa sarili.

Pinunasan ko ang sariling mukha at napatingin sa bintanang kitang kita ang mga naglalakihang mga building. Tumayo ako at pinulot ang mga unang nakakalat at ibinalik sa kama at inayos ang pagkakalagay non.

Napadaing ako ng parang may matalim akong naapakan.

"Kainis. " Bulong ko ng may naapakang piraso ng bubog ng pinggan. Sa inis ko ay inihagis ko ulit ang hawak kong unan at napasalampak sa sahig.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon