Napakamot ako sa batok nang maramdaman ko ang bahagyang pagtayo ng balahibo ko doon nang mapatitig ako sa kulay abo nyang mga mata.
Parang may kakaiba sa kanya na gusto kung malaman.
Ang werdo talaga.
Nang makaramdam ako nang kaba ay agad akong nagpaalam sa kanya.
Sino ba ang maniniwala sa sinabi nyang hindi pa ito nagkakajowa? Sa paraan kung paano nya dalhin ang sarili ay mahahalata mong anak mayaman.
Anak mayaman rin naman si Sean kaya alam ko ang mga ganyan. May itsura, pera. Tapos walang gilfriend? Sinungaling. Imposibleng wala syang natitipuhang babae, kung mayroon man, ang lakas naman ng loob nyang tanggihan ang lalaking iyon.
Sa paraan ng pakikipag usap nya saakin, halatang playboy!
Nakakailang hakbang na ako palayo nang mapahinto ako at wala sa sariling napalingon doon.
Yayain ko nalang kaya siya na sabay na kami pumasok? Ngunit hindi kona siya natatanaw sa pwestong iniwan ko. Magsisimula na sana akong maglakad nang makita ko sya sa mismong harapan ko. Halos mapatili ako sa gulat.
"Lumingon ka."Nakangiting sabi nya.
Jeez! Ang bilis nya naman! Paano nya iyon nagawa? Baka naman may lahing Flash ang isang to.
"Nakakagulat ka naman! "Reklamo ko sa kanya,"Bat ang bilis mo? Nauna akong maglakad ah!."
Lumabi ito, "Nakasunod lang naman ako sayo."mahinang sagot nya.
"Huwag mo na uli iyong gagawin! baka atakihin ako sa puso."seryosong sabi ko habang ang isang kamay ay nakalagay sa dibdib, ramdam ko ang lakas ng pagpintig ng puso ko dahil sa gulat. Tumango lamang sya bilang sagot.
Napabuga ako ng hangin at Nilampasan ko sya at naglakad na ulit. Naramdaman kong tumabi sya sakin at nakisabay sa paglalakad ko.
Ilang sandaling katahimikan muna ang nagdaan bago ako nagsalita,"Ano naman kung lumingon ako?"Nagtatakang tanong ko at tumingin sa kanya na nakatingin rin pala sakin.
"Its nothing. "mabilis na sagot nya, Tumango tango ako at itinuon ang paningin sa daan.
Kahit papaano nakalimutan ko ang sakit na ginawa ni sean.
"Almira.."Napalingon ako sa kanya.
"Can i hold your hand? "mahinang sabi nya pero sapat na upang marinig ko.
Tama ba yong narinig ko?
"Paki ulit nga iyong sinabi mo."Sabi ko .
Nakita ko sya napalunok nang paulit ulit at tumitig sakin.
"C-can i hold your hand?"Nauutal na sabi nya.
Kumunot ang noo ko. Shit. Tama nga iyong narinig ko!
"B-bakit ?"Kinakabahang sabi ko.
"D-dahil masarap sa pakiramdam na magkadikit ang balat natin."
What the heck? Napakawerdo nga! Sino ang matinong lalake ang magrerequest ng ganito sa unang pagkilala? Naniniwala na talaga ako na playboy siya!
At bakit hindi ko kayang tumanggi?
"I-its okay if you dont want to-"Hindi ko na sya pinatapos pa at kusa kong inihawak ang kamay sa kamay niya.
Naramdaman kung ipinagsalikop nya ang pareho naming kamay At hinigpitan pa ang pagkakahawak niya.
Ang swerte naman nang magiging shota nya. Completed package na. Napangisi ako sa sarili ngunit kaagad natigilan nang mapansin ang tinginang ibinibigay saamin. Hihilain ko na sana ang kamay ko dahil may mga nakatingin ng mas hinigpitan nya ang pagkakahawak.
"Don't Please.."Pakiusap nya. Habang hindi nakatingin sakin.
