"Saan ka pupunta? hindi pa time ah! "wika ni Joana, ilang silya ang layo ng upuan nya mula sa likurang bahagi, Tumingin ako sa kanya nang makahulugan. Hindi kasi official ang relasyon namin ni Sean. At tanging si Joana at ang dean lang ang nakakaalam, iyon ang pagkakaalam ko.Isang araw kasi ay pinapunta ako sa opisina nya, tinanong at pinaamin, hindi ko alam kung ano ang kinalaman non sa pag aaral ko rito, ipinaliwanag nya sakin ang lahat, ang sa kanya lang daw ay sana hindi madamay ang pag aaral ko lalo na at isa akong scholar sa paaralang ito.
Isang taon at kalahati na kaming may relasyon, At hindi yon alam nang nasa paligid namin dahil Ayaw kung ipaalam dahil masyado syang sikat at baka dumugin ako nang mga nagkakagusto sa kanya.
She rolled her eyes on me, like she's mocking me! Napangisi nalang ako at walang salitang umalis. Binaliwala ang tinginan at bulungang ginagawa ng mga kaklase ko.
Ilang minuto pa ang lumipas, dahil sa lawak ng buong University, at madadaanan ko pa ang soccer field bago ako tuluyang makarating sa gymnasium, Napabuga ako ng hangin, dahil kahit papaano ay nakakapagod maglakad papunta dito sa gym na kung saan kami palihim na nagkikita, ngunit kaagad akong napatigil nang makarinig nang unggol nang isang babae.
Aalis na sana ako nang marinig ko ang pangalan ni sean na inuunggol.
Sean?
Mabilis ang paghinga ko, hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto. Nanginig ang labi ko dahil sa inis at pagkabigong nararamdaman, i feel betrayed. Parang gusto kong umiyak at awayin ang babae, pero ayokong ipahiya ang sarili.
"Kaya mo ba ako pinapunta dito dahil gusto mong panoorin ko kayong magsex?"Malamig na sabi ko.
Mula sa ginagawa ay mabilis na napalingon saaking gawi ang dalawa, bakas ang gulat sa mukha nya.
"A-almira? A-anong ginagawa mo d-dito?"Nauutal na sabi nya at nagmamadaling isinuot ang pantalong nakababa.
"Mukhang nabitin ko ata kayo, ipagpatuloy niyo na."pagpapatuloy ko at isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya, ngunit pagmamakaawang tingin lang ang ibinalik nya saakin. Bago ako nagmamadaling umalis.
Naramdaman ko kaagad ang pamumuo ng luha ko sa mata. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang palad, isang marahas na kamay ang nagpatigil saakin sa paglalakad."A-almira.. please.."pagmamakaawa nya habang hinihigpitan ang pagkakahawak saakin ng sinubukan kong alisin ang kamay nya.
Matalim ang tinging ibinigay ko sanya at sapilitang tinanggal ang kanyang kamay sa braso ko.
"We already talked about it, Sean. Once is enough! Pero ang tanga tanga ko dahil umabot pa ng tatlong beses! Nangako ka, Sean! Nangako ka! "Naluluhang sabi ko.
Nakitaan ko nang takot ang mata niya ng mapansin ang pagkadismaya sa boses ko. Napasambunot sya sa sariling buhok at walang pag aalinlangang lumuhod sa harapan ko.
"I-im sorry please.."pumiyok na sabi nya.
Pero para akong nilamon nang galit dahil kung dati ay isang sorry lang napapatawad ko na sya pero parang iba ngayon.. Hindi ko sya kayang patawarin pa.
Ang sakit..
"T-tama na.. sawang sawa na ako.. Mas mabuti kong magbreak na talaga tayo, s-sean."Mahinang sabi ko at nagsimula nang umalis. Dahil kapag magtagal pa ako ng ilang minuto at naririnig ang ginagawa nyang pagmamakaawa ay baka muli ko syang mapatawad.
Sunod sunod na pumatak ang luha ko, mabuti nalang at walang pagala-galang mga estudyante, kung mayroon man, malalayo ang mga ito.
Paliko na sana ako sa isang corridor nang bigla akong bumangga sa isang matigas na bagay, bago pa man ako tuluyang bumagsak, mabilis nyang nahawakan ang braso ko.
Naluluhang tumingin ako don.
"I-ikaw pala, Mr. Transferee."