9

16.8K 326 0
                                        

Nakayuko lang ako habang naglalakad kami pabalik sa room.

Habang naglalakad ay kapansin pansin ang mga tilian nang mga kababaihan. Pero ang ipinagtaka ko kung bakit kilalang kilala sya dito e kakapasok nya palang?

Inaamin kong gwapo ito at dagdagan pa ang natural na lamig at kaarogantihan ng presensya nya, Kaya imposibling wala pa syang naging karelasyon.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay nyang pumulupot sa bewang ko. Napaangat ang ulo ko sa kanya na nakatingin rin pala sakin.

"They're looking at you, Almira. "Nakangusong sabi nya.

"No, hindi saakin, kundi sayo. anyway you're acting like my boyfriend, Mr.Hye."Sabi ko naman. Napapansin ko kasing halos lahat sila tinatawag sya sa apelyedo nya.

"I-i want to be your boyfriend.."Halos pabulong na saad nya. Nakita ko kung paano pumula ang tainga kasama ang leeg.

Napapailing akong nag iwas nang tingin.

"Kakabreak ko lang kay Sean, Fergus. Para kasing hindi tama. At tsaka unfair masyado sayo."Seryosong saad ko.

Napatigil ako nang tumigil sya sa paglalakad.

"I dont care. All i want is you, Almira."

------------

Parang sirang plaka ang iniwang linya ni Fergus sakin hanggang sa makauwi ako nang bahay at iyon parin ang nasa isip ko.

Humiga ako sa kama nang matapos kung mag practice sa paggigitara nang bago kung kanta. Meron kasi kaming band performance sa sabado, doon sa bagong bar malapit sa Pinapasukan kung paaralan at meron din namang bayad yon, hindi nga lang kalakihan ang bayad dahil hinahati hati namin iyon para sa buong grupo.

Ipinikit ko ang mata hanggang sa lamunin na nang antok.

Kinabukasan ay Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto ko.

Bumangon ako at tumingin sa orasang nakasabit sa dingding. It's 6 in the morning, Mamaya pang alas nuebe Ang pasok ko.

"Anak, Gising na!"Sigaw ni mama mula sa labas.

Namumungay ang mata kung umalis sa kama at binuksan ang pinto. Ngunit kaagad na Napatingin ako sa dala dala nya.

"May nagpapabigay."Sabi nya at inabot ang isang bouquet red roses.

Kinuha ko yon at inamoy.

Jeez.I love roses..

"Sino po ma?"

"Gwapo anak e, Mukhang koreano. Sino ba yon, Fergus? Tama, yon nga!"Nakangiting sabi nya. May nanunuyang kislap ang mata nya habang tinitignan ako."Boyfriend mo ba yon? gusto ko sanang papasukin eh, kaso sya na mismo ang tumanggi."

Kumunot ang nuo ko.

Pano nya nalaman kung san ako nakatira?

Alam nya bang may ibig sabihin ang Red rose?

---------

Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto kung makausap si Fergus tungkol sa ganong bagay.Nang makarating ako sa mismong gate ay nakita ko si joana na kumakaway.

"May balita ako !"Sigaw nya nang makalapit ako.

"Anong balita?"Nagtatakang tanong ko at nag simulang naglakad.

"Tungkol sa boyfriend mo, "saka sya lumingon lingon sa paligid, ganon rin ang ginawa ko.

Napairap ako sa kawalan. Hindi ko pa pala nasabing break na kami ni Sean.

"Si Sean ba? Break na kami kahapon."Simpleng sagot ko.

"What? Bakit naman? sayang..ibabalita ko sana na nasa hospital sya ngayon."tila dismayadong sabi nya. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Anong drama nanaman ang ginawa nya? nilagnat ba kaya nagpahospital ?"Baliwalang sabi ko.

"Dios ko, hindi lagnat be . Mukhang napag tripan ata ng kapwa nya adik kaya ayon, bugbog sarado ,Nabali pa nga yong isa nyang kamay at hanggang ngayon ay hindi pa daw nagigising."Sabi nya habang kinukumpas ang parehong kamay sa ere habang nagsasalita.

Anong kabaliwan nanaman ang ginawa nya? hindi na bago sakin na napapaaway ito, kaya naman takot ang karamihan sa kanya dito sa university.

"Almira. "

Kaagad akong napatigil ng marinig ang pamilyar na tinig.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon