30

12.9K 261 11
                                        

Sa loob ng apat na minuto ay hindi ko na mabilang kong ilang beses na akong napapalingon sa walang imik na si fergus. Nakatuon lang ang walang emosyon nyang mukha sa kalsadang dinadaanan nang sasakyan nya.

Hindi ko alam ang sasabihin. Matapos ko kasi syang yakapin ay mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at walang tanong tanong na hinila papunta sa kotse nya. Gusto ko rin sanang magtanong kung saan nya ako dadalhin dahil alam kong hindi papunta sa condominium ni honey kami pupunta na kung saan ako pansamantalang nakatira.

Napabuntong hininga ako saka mahigpit na niyakap ang sarili. Gusto kung magtampo dahil nawala sya nang dalawang linggo nang hindi manlang nagparamdam sakin kahit isang beses, hindi rin ito nagpaalam na mawawala sya nang ganon katagal. Pag katapos nyang guluhin muli ang nananahimik kung puso at ang tahimik kong buhay.

At kung kilan handa na akong umamin na meron pa akong nararamdaman sa kanya at handa na akong pakasalan sya ay kung kilan naman ito nawala at hindi nagparamdam.

Napabuntong hininga ako sa pangalawang pagkakataon. Malapit na akong sumabog sa pagkairita nang hindi manlang nya ako pansinin. Nilingon ko sya nang maramdaman kong nakatingin sya sakin, Ilang sandali lang nagtama ang paningin namin bago nya iniiwas ang mata nya at ibinalik sa kalsada.

Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa inis na nararamdaman. Namimiss ko lang naman sya tapos ayaw pa akong pansinin. Nakakunot ang nuo ko nang tumunog ang pamilyar na ringtone nang personal phone ko. Napatingin ako doon at nakitang si Honey ang tumatawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

Napalingon ako sa katabi kong may matalim na matang nakating sa cellphone na nasa kamay ko.

"Don't answer the call."wika nya na gamit ang matigas na ingles na nag pakilabot sakin. Pinagmasdan ko sya kung paano nya ako balingan nang tingin bago ibinalik ang paningin sa kalsada."Or ill trow it away again. try me, almira."pagpapatuloy neto.

Napanguso ako saka pinatay ang tawag. Ilang sigundo lang nang patawin ko ay tumunog nanaman ito. Kaya naman ay nagpasya akong itxt nalang sya na huwag mag alala dahil ayos lang ako. Pero bago ko pa iyon maisend ay may kamay na humablot noon sa kamay ko.

"What the fuck, Fergus-"

"Stop cursing or you'll regret it."Pagbabanta neto. Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla syang magsalita at kasabay non ang pagbilis nang takbo nang kotse nya. napaawang ang bibig ko dahil sa hindi makapaniwalang sa inaakto nya. He annoyed. May ginawa ba ko? Dapat nga ako ang mainis sa kanya e.

"Tinatakot mo ba ako ha?"Naiiritang sabi ko saka ko sya malakas na hinampas sa balikat kaya naman ay gumewang ang sasakyan namin.

"Fuck-"Malutong na mura nya saka mabilis na inihinto ang sasakyan.

Hindi ko sya tinigilan at pinagpatuloy ko ang paghampas sa kanya gamit ang nananakit kung kamay. Naiiyak na ako sa inis at pagkairita.

"Tignan mo! ikaw pwedeng magmura tapos ako hindi pwede! Iuwi mo na nga ako, Naiinis ako sayo, alam mo ba yon! Ayoko na! Iuwi mo na ako! Total naman ayaw mo akong pansinin."Naluluhang sabi ko habang patuloy ko parin syang pinaghahampas hanggang sa napagod ang pareho kong kamay.

"Are you done, baby?"wika nang isang tinig. Malamyos iyon na para bang hinehele ka.Nag angat ako nang paningin at nagtama ang mata naming dalawa. Kumikislap ang mga mata nya na para bang may kahangahanga syang nakikita.

"I-im Done."Wala sa sariling sabi ko.S a di malamang dahilan ay gumaan ang dibdib ko. Na para bang nailabas ko na ang kanina ko pang pinipigilang inis.

"Good god, i really love it everytime you cry.."wika neto habang pinupunasan ang gilid nang mata ko gamit ang daliri nya. Napanguso ako nang unting unting lumapit ang katawan nya sakin at hinapit ang bewang ko papunta sa kanya at sa isang galaw lang nang kamay nya ay napaupo ako kandungan nya.

Napadaing ako nang maramdaman kong may matigas na tumutusok sa pang upo ko. Nagpanggap akong hindi ko yon naramdaman at iniyakap nalang ang pareho kong kamay sa leeg nya. Saka ko ipinatong ang ulo ko sa balikat nya. Naramdaman ko kung paano bumilis ang paghinga nya ,ang pagbilis nang tibok nang puso nya na nagpabilis rin nang pagtibok nang puso ko sa sayang nararamdaman. I love this position, pakiramdam ko ligtas ako sa bisig nya,.

Humigpit ang kapit nang pareho nyang kamay sa bewang ko."Did he touch you?"basag  nya sa katahimikan. Iminulat ko ang mata ."What?"naguguluhang tanong ko rito. 

"Your Ex."mahina ngunit madiing wika nya. Napakunot ang noo ko at hindi kaagad nakapagsalita. Narinig ko itong napabuga ng hangin na tila pinapakalma ang sarili.

"Im sorry for being selfish almira. This is me .Ayoko lang naman namay roon kang  kausap na ibang lalake bukod sakin. "mahinang simula nito"You lied, Honey ble Carlos is your cousin, alam mo ba kung gaano kasama ang pakiramdam ko noong sinabi mong boyfriend mo iyon at papakasalan pa? kahit pinsan mo man yan o dating kasintahan gusto ko sakin lang ang atensyon mo pag kasama mo ako, masama bang maging makasarili pagdating sayo?"tila nanghihinakit na wika neto. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit nyang hiningang tumatama sa leeg ko.

Alam na nya..

Walang sagot na lumabas mula sa bibig ko at pinakiramdaman nalang ang mabilis na pagtibok nang puso ko.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon