Nagpagulong gulong ako sa kamang hinihigaan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Wala rin akong ibang makakapag abalahan dahil walang ibang pwedeng gawin rito kundi ang manuod ng tv.
Agad akong napalingon sa pintuan ng makarinig nang mahihinang katok mula roon. Pero agad rin akong nakaramdam ng pagkadismaya ng iba ang pumasok sa iniaasahan ko.
Lumingon ang dalaga sa gawi ko at bahagyang nginitian ako. Hindi ko sya ginantihan ng ngiti. Hindi ko feel. May roon syang dalang tray namay pagkain.Umayos ako sa pagkakaupo at pinanood sya.
"Ilang buwan ka nang nag tatrabaho kay fergus?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pag aayos nya sa pagkain.
Bahagya syang natigilan at bahagyang namula ng banggitin ko ang pangalan ni fergus. Napakunot ang noo ko nang makaramdam ng pagkairita sa ipinakita sakin ng babae. She like him.
"5 years na po akong nagtatrabaho kay sir fergus maam. " Mahinhing sabi nya.
Pinagtaasan ko sya ng kilay. Wow...did she just call fergus by his name? Sa pagkakaalam ko ako lang tumatawag sa kanya ng ganon.
Why do i sound like a jealous girlfriend?
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni fergus na hindi raw sya pumapayag na nakipaghiwalay sakin. Kaya hanggang ngayon ay kami parin.
"You like him? And for your impormation ummm what is your name, again?" Mataray na sabi ko.
Napairap ako sa kawalan sa tanong ko.Kahit hindi ko itanong ay alam ko na ang sagot. Gusto ko lang malalaman na gusto nya si fergus na nagmumula sa bunganga nya.
Bahagyang natigilan ang babae sa ginagawa at napalingon sa gawi ko namay naguguluhang ekspresyon sa mukha.
Palihim akong napangiwi sa itsura nya. She looks innocent, At sa estado naming dalawa, akong ang kontrabida.
"Alexa po maam..Wala naman pong masama kung magkagusto ako kay sir fergus." Mahinang sagot nya. Tumango tango ako kunyare ay interesado ako sa pangalan nya.
Well...fergus look a god. Maganda ang pangangatawan. Mayaman. At kung ano ano pa. Kung baga Every woman's dream.
Sino nga ba ang hindi magkagusto sa kanya?
"Okay, Alexa. Did fergus let you call him by his name?" sabi ko habang pilit na pinapakalma ang nagwawalang halimaw na pilit na kumawala sa loob ko. Bahagya syang ngumiti at inilagay ang parehong kamay sa likod nya.
"Yes, Maam Almira." Tila nahihiyang sabi pa neto.
Hindi ko na napigilan ang sarili at napaikot ang sariling mata sa pagkairita.
Huminga ako ng malalim at binigyan sya ng nakakainis na tingin. Nawala ang ngiti nya sa labi at napayuko at tinignan ang sahig na akala mo yon ang pinakamagandang bagay na nakita nya sa tanang buhay nya.
"I want you to stop calling him by his name alexa. Are we clear?"
Napaawang ang bibig nya at napaangat ang tingin sakin.
"Ayoko po maam." Matigas na sabi nya na para bang may ipinag lalaban.
Hindi ko na napigilan ang sarili at agad na humakbang palapit sa kanya.
"And why?" I said in unfriendly way.
My bitch side.
Ngumisi sya ng bahagya na tila ba may nakakatawa sa mukha ko na mas nagpainit ng ulo ko.
"Dahil gusto nya pong tawagin ko sya sa pangalan nya, Hindi naman po ikaw ang masusunod, sya po ang amo ko at hindi ikaw, Maam." Sagot nya.
Ngumisi ako ng bahagya.So lumabas rin ang tunay na kulay nya.
