8

17.4K 380 3
                                    

Napakagat labi ako At nag iwas nang tingin. Hindi naman ganito sakin si Sean dati..Kaya medyo naninibago ako.

"Ganyan kaba kalande, Huh, Almira?"

Napahinto ako sa paglalakad at matalim ang matang tumingin sa nagsalita.

"Oo, ano naman ngayon?"Nakangising sabi ko.

Nakita ko kung paano nya naikuyom ang parehong kamao sa naging sagot ko.

"Almira! "Sigaw nya sa pangalan ko."Tama na, bumalik ka na saakin.."pagpapatuloy nito.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Fergus .Na para bang doon kumukuha ng lakas ng loob. Kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao, may hangganan rin pala ang lahat, hindi ko naisip na dadating ang araw na wala na akong pakialam dahil tanging pagsisisi at galit na lang ang narararamdaman ko para sa kanya, biglang nawala ang pagmamahal.

"Well, Maghanap ka nalang nang iba, Sean. I dont need you, Anymore."pagpapatuloy ko ,saka maglalakad na sana ng agad ding napatigil nang may marahas na humila sakin kaya napabitaw ako sa kamay ni fergus at dahil hindi ko inaasahan ang ginawa nya at nawalan ako ng balanse kaya napasalampak ako sa sahig.

Bahagya akong natulala dahil hindi ko inaasahan ang ginawa nyang pag tulak sakin. Nanginginig ang pareho kung kamay na napatingin sa hita kong nagkaroon nang gasgas.

Naramdaman kung may humawak sa kamay ko at marahang itinayo.

"Pagsisisihan nya ang ginawa nya sayo, almira. I promise."marahang wika nya saakin ng tuluyan na akong makatayo, ramdam ko ang kamay nyang pumulupot sa bewang ko bilang suporta, sa totoo lang, nakakatayo pa naman ako at kaya ko pa ang sarili, gasgas lang naman at hindi bali ang natamo ko.

Napaangat ang ulo ko sa kanya nang sabihin nya yon. Nakakakilabot at nakakatakot ang paraan nang pananalita nya.

Ipinagsalikop nya ang pareho naming kamay ay walang emosyong tumingin kay Sean.

"She's mine now, so get gone and fuck off." tila walang takot na sabi nya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya dahil mas mahalaga saakin na makaalis dito dahil bilang lang sa daliri ang mga estudyanteng nakatambay sa mga ilalim ng mga puno. At ang lalayo pa ng mga yon! paano kung bigla silang magsuntukan? hindi ko sila kayang awatin! Natatakot ako dahil gumagawa ng eksena si sean.

Napakagat ako nang labi at hinila sya dahil kinakabahan ako baka may mang yaring hindi maganda. Lalo na at nanlilisik ang mga mata ni sean at mukhang wala sa sarili. Hindi ko itatanggi na gumagamit ito paminsan minsan ng ipinagbabawal na druga. Sinabi naman nya saakin ang tungkol don, noong una pinagsabihan ko sya ngunit nag away lang kami kaya naman ay hindi ko na ulit sya pinagsabihan. At sa tingin ko ay gumamit sya ngayon na mas lalong nagpabahala sakin.

"Lets go, Fergus. Please."Mahinang sabi ko. Tumingin sya sakin at pumungay ang mga mata nya na kaninang madilim.

"Yes, Almira. "mahinahong saad nya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak saking kamay.

"Sa tingin mo ba natatakot ako sayo?!"Pahabol na sigaw ni Sean.

Pero hindi na namin iyon binigyan nang pansin at ako na mismo ang humila sa kanya palayo roon. Walang nagsasalita samin nang makarating kami sa Clinic. Merong sumalubong na nurse pero agad ding napatigil nang makita ang kasama ko.

"Hi, Good afternoon, Mr.Hye."Nakangiting sabi neto.

Napangiwi ako at tinanggal ang pagkakahawak nang kamay nya sakin mabuti nalang at mabilis ko lang iyon natanggal at pumunta sa lagayan nang gamot. Baka matagalan pa yong nurse kasi nagpapacute pa.

"Let me cure you."Bulong nya. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko mula sa likuran.

"H-ha?Ahh..Sige.."Sagot ko nalang at nagmamadaling umupo sa sofa. Kinilabutan ako don ah!

Naglakad sya papunta sakin at lumuhod para pumantay sakin.

"Um, Mr.Hye. Ako nalang ang gagawa nyan."Singgit nang nurse At hahawakan sana ako nang bigla syang nagsalita.

"Dont touch her Or else i'll get you fired."May pagbabantang sabi nya at iniangat nang konte ang suot kung palda. Marahan nyang iniangat ang coat na suot kaya dumungaw ang kulay itim nitong relo. Mukhang original ang suot nya..

Natatarantang humingi ng tawag ang kawawang nurse at mabilis na naglakad palayo.

Pakiramdam ko ay nag iinit ang buo kung mukha. Nagsimula na syang lagyan ng ointment ang mga gasgas ko. Seryoso ang mukha nya habang ginagawa nya yon, kung titignang mabuti, makinis at malinis ang mukha nya, halatang alagang alaga. Mayroon itong makapal na kilay at mahabang mga pilikmata. May matangos na ilong at may katamtamang pula na labi.

"S-salamat."Nahihiyang sabi ko. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari at dadating araw na to. May nawala, may dumating. Ganon talaga ang buhay.

"Huwag mo silang hahayaang hawakan ka, Almira."Walang emosyong sabi nya nang matapos ito sa ginagawa, naglagay sya nang alcohol sa kamay nya, ngunit laking gulat ko ng inihaplos nya iyon sa braso kong namumula dahil iyon sa ginawa kanina ni Sean, iyong pwersahang nya akong hinila.

Hindi ko alam kong bakit nya iyon ginawa. Kulang nalang ay ibuhos nya sa buong braso ko ang lahat ng laman ng alcohol!

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon