Hindi malambot ang kamay nya, may pagkamagaspang iyon tanda na gumagawa sya nang gawaing bahay o nagtatrabaho na ito, kahit na ganoon, Ramdam ko ang init na nagmumula sa maliit nyang kamay sa kamay ko at masarap iyon sa pakiramdam.
Gusto ko pa sana itong hawakan ng matagal ngunit sya na mismo ang humila ng kamay nya palayo saakin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkadismaya, pinanood ko kung paano nya inilagay ang pareho nyang kamay sa damuhan mula sa likuran nya upang magbigay suporta ng bumangon ito sa pagkakahiga.
Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga hibla ng buhok nyang dahan dahang bumabagsak sa likuran nya ng tuluyang nakaupo.
"Hmm.. Pwede ba kitang tawaging fergus? Ang ganda kasing pakinggan. " mahinang sabi nya habang hindi nakatingin sakin. May sumibol na saya sa dibdib ko ng sabihin nyang maganda sa pandinig nya ang pangalan ko.
Kailangan kong pasalamatan si Mom and Dad dahil ito ang ibinigay nilang pangalan saakin.
Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil masyado akong namamangha sa nararamdaman ko ngayon. This is all new, at gusto kong makaramdam ng ganito hanggat nabubuhay pa ako.
"Fergus?"
Nabalik ako sa sarili nang banggitin nya ang pangalan ko, kaagad akong nakaramdam ng hiya at wala sa sariling napahawak sa batok dahil ramdam ko ang pagiinit ng aking katawan. Sounds great.
"Y-yeah.."ang tanging nasagot ko at mabilis na nagiwas ng tingin, inabala ko ang sarili sa bermuda grass na nakakalat sa kung saan. Bumunot ako at inihagis iyon para pakalmahin ang sarili.
She finally noticed me..
"Bakit ka nauutal?"
Para akong nabuhusan nang malamig na tubig nang itanong nya yon.
"Im nervous. "Walang pag aalinlangang pag aamin ko.
Hindi sya sumagot kaya nagsisimula na akong kabahan. Natakot ko ba sya? Mabilis akong napatingin sa gawi nya, sakto namang humangin at hindi sinasadyang maamoy ko ang matamis nitong pabango. Kaagad ring natigilan ng mapansing nakatingin ito saakin. Muling bumilis ang tibok ng puso ko, ayoko syang nakatingin saakin dahil nahihiya ako, ngunit gusto ko rin dahil nasaakin na ang atensyon nya na gusto kong makuha.
"Bakit naman?"Takang tanong nya. bahagyang nakakunot ang noo nya.
Napalunok ako nang mapansing malikot ang mga mata nya habang nakatingin saakin. Na para bang pinag aaralan niya ang bawat parte nang mukha, sa unang pagkakataon, ngayon lang ako na hindi nakontento sa itsura ko, baka kasi may hindi sya magustuhan at hindi na nya ako kakausapin.
Pity, reason.
"Because.."hindi ko itinuloy ang sasabihin dahil hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang nararamdam ko ngayon, hindi ko alam kong ano ang salitang gagamitin upang hindi ito matakot o layuan ako. Mas mabuting manahimik nalamang.
Narinig ko itong napabuga ng hangin na tila naiintindihan nya ang dahilan ng pananahimik ko. Ilang sandali itong walang imik habang nakatingin sa malayo, na para bang may mahalaga itong iniisip. Gusto kong magtanong kong ano ba ang iniisip nya, kung ano ba ang tingin nya saakin o kung ano ang nararamdaman nya, katulad ba ng nararamdaman ko?
"May girlfriend kana ba? Baka magalit iyon pag nakita tayo dito. "Saka sya nag palinga linga na para bang may hinahanap at walang babalang tumayo siya.
Agad akong tumayo.
"I dont have one..Never in my life."Saad ko kaya napalingon sya sakin. Bakas sa mukha nyang hindi ito naniniwala sa sinabi ko, maraming dahilan na kaagad na pumasok sa isip ko, gusto kong magpaliwanag at ipaintindi sa kanya na nagsasabi ako ng totoo ngunit kahit na isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.
"Hmm..Mayroon pa palang ganon?" nakataas na kilay na sabi nya at ngumiwi.
"Yeah.."
"Bakit? "mabilis na tanong nya na nagpagulat saakin.
"Dahil wala pang nakakakuha nang atensyon ko ikaw palang.."Saad ko sa seryosong boses.
Nakita ko syang natigilan at agad ding ngumiti.
"Ikaw, huh! Dumadamoves ka."Natatawang sabi nya.
Gusto ko mang itanong kong anong ibig sabihin nang sinabi nya ay hindi ko na ginawa dahil baka mawala ang ngiti nya sa labi.
"Sige na, Mauuna na ako. Nice to meet you!"Saka sya tumalikod at naglakad.
Kung hindi ka lilingon, Pipilitin kung itigil ang nararamdaman ko ngayon.
Kung lilingon ka sa gawi ko.
Lumingon ka please.
