Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses, ganoon na rin ang ginawa ni joana at sabay kaming napalingon kong saan iyon nanggaling, "Oh, Fergus."mahinang sabi ko at tuluyan na syang hinarap.
Naramdaman ko ang marahang pagkalabit saakin ng katabi. "Sinong fergus, be? Si Mr.Hye yan."Bulong nya.
Kumunot ang nuo ko.
"Alam ko. Pangalan nya yon e."Naguguluhang sabi ko at humarap ulit kay Mr.Hye daw.
"Mukhang may nakalimutan kang sabihin sakin, kailangan mong magkuwento mamaya."nakangising sabi nya at palipat lipat ng tingin saamin ni fergus. Umiling nalang sya at walang sabi sabing umalis at iwan ako.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalapit ito sa boyfriend nyang nakatayo sa may gilid habang nakatanaw sa papalapit na si joana, mabilis akong nag iwas ng tingin at tumingin sa kaharap."Good morning."bati ko sa kanya, medyo natigilan pa ako dahil napansin kong may cut at pasa ang gilid ng labi nya." Anong ...bat may pasa ka sa gilid ng labi?"nagtatakang tanong ko dito, hindi kaya basagulero rin ang isang to?
"Morning, almira. Pwede mo ba akong gamutin?"mahinang sabi nya at medyo napalabi ng sabihin nya yon.
"Base sa pasa mo, mukhang kanina o kagabi lang yan, bakit hindi mo ipinagamot?."Sabi ko at naunang naglakad.
Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko pero hindi ko na yon binigyan nang pansin dahil masarap rin naman sa pakiramdam lalo na at mainit at malambot ang kamay nya.
Wala namang masama dahil wala na kami ni Sean. Kahit galit ako sa kanya, may natitira parin naman akong kahit kakaunting awa para sa kanya.
Siguro bibisitahin ko nalang sya bukas?
Nakarating kami sa clinic, Pero walang nagbabantay. Pinaupo ko sya sa hospital bed at ako naman ay kinuha ang gamit na gagamitin. Biglang pumasok sa isipan ko ang ginawa nyang paggamot saakin dito kahapon.
Humarap ako sa kanya habang inaayos ang cotton na gagamitin.
"Almira, Im jealous."
Kaagad akong napatigil sa ginagawa .T-tama naman siguro ang narinig ko diba?
"B-bakit naman?"
"Dahil masyado kang malapit sa kanya..At naiinggit ako, Gusto ko sakin kalang mas mapalapit."walang hiya hiyang pag aamin nya.
Napakagat labi ako. Sino ba ang tinutukoy nya?
At bakit ang lakas nang pintig nang puso ko?!
Kinikilig ba ako?!
"S-sino ba yong tinutukoy mo, Ha? Naku fergus, Wag mo akong pinagtitripan, Babatukan kita."Pagbabanta ko.
Dadampian ko na sana nang bulak namay gamot ang labi nya nang hawakan nya ang kamay ko.
"Bakit? kapag ba sinabi ko kung sino ang taong iyon, iiwasan mo?"Nakangiting tanong nya At hinila ako palapit sa kanya.
Nasa pagitan nang dalawa nyang hita ang isa kung paa kaya hindi ako makagalaw.M-may gusto ba sya sakin? Pero imposible! kahapon lang kami nagkakilala!
Nabalik ako sa sarili ng maramdaman kong may malambot na bagay na dumampi sa labi ko.Kaagad na Napaawang ang bibig ko.
Napakagat labi syang napayoko.
"I-i want more, Please.."Mahinang sabi nya. Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa gulat sa ginawa nya. Isang sigundo lang ata ang itinagal ng labi nya sa labi ko. Ngunit sapat na iyon upang makaramdam ako ng kiliti at pagkabitin !
Inilapit ko ang sariling mukha sa kanya hanggang sa maglapat ulit ang mga labi namin.I kissed him. Marahan kong inihawak ang pareho kong kamay paikot sa batok nya, ramdam ko ang pagkagulat nya, ngunit ilang sandali lang ay pilit nyang sinasabayan ang ginagawa kong paghalik.
Ngayon ko lang napansin na hindi sya marunong humalik! Hindi ko naman itatangging kahit papano ay may alam ako sa paraan ng pakikipaghalikan. Si sean ang first boyfriend at first kiss ko, sya ang nagturo sakin kung paano humalik.
Hinihingal kong inilayo ang mukha ko sa kanya, namumungay ang mga mata nya habang nakatingin sa namamasa masa ko pang labi."Hindi ka marunong humalik."pang aasar ko sa kanya. Ngunit isang matamis na ngiti lang ang ibinigay nya saakin.
"Turuan mo ko..please.."namamaos na sabi nya at iniangat ang paningin saakin.
