5

20.2K 389 2
                                        


Ilang sandali kaming nagkatitigan, kung tititigang mabuti ang kanyang mga mata ay mapapansing hindi itim ang kulay noon, kundi kulay abo. Simula pa lang ay alam ko nang may lahi rin ang isang ito. Sa paraan nang pananamit niya,  napakalinis niyang tignan. Ang kinis rin nang balat niya, at napakasingkit ng mata niya! Siguro, chinese,  japanese or korean ang isang ito.

Bahagyang nakaawang ang labi nya, bakas ang gulat. Napansin ko rin ang pamumula ng tainga nya.

Mabilis kong binawi ang braso kong hawak nya, bumaba ang tingin niya sa sariling kamay  pagkatapos sa braso kong marahan kong hinahaplos dahil ramdam ko roon ang sakit ng pagkakahawak nya kanina.

"Mauna na ako." naiilang na sabi ko, hindi lang dahil sa nawewerduhan ako sa kanya, kundi dahil sa nakita nya akong umiyak! Nahihiya ako! Ngumiti ako nang tipid at nilampasan ito.

Baka kung ano ang isipin niya. Baka isipin niya na ang pagkabanga naming dalawa ang dahilan kung bakit nababakasan ng luha ang mata ko.

"W-wait!"

Napatigil ako at tumingin sa braso kung muling hawak nya.

"I-im sorry, H-hindi ko sinasadyang mahawakan ka.."saka nya inalis ang pagkakahawak sakin.

Napangisi akong umiling iling. Gusto kong matawa sa itsura nya. kung kanina lang ay namumula ngayon naman ay namumutla! Akala mo may ginawang kasalanan.

"Sumunod ka sakin."Ang tangging nasabi ko at nagsimulang naglakad. Walang nagsasalita saming dalawa. Hanggang sa makarating ako sa tambayan ko, sa soccer field. Mahangin kasi dito at tahimik.

Umupo ako sa bermuda glass at nilingon sya. Dahil naka upo ako at nakatayo sya ay paibaba ang tingin nya sakin.

"May sasabihin ka diba?"tanong ko at walang pag aalinlangang humiga. Ipinatong ko ang ulo ko sa parehong kamay. Bakas kasi sa mukha nya ang pagtataka nang makitang lumuluha ako.

"Y-your Amazing.."Saad nya sa mahinang boses.

Amazing? Ang alin?

------

Nakita ko ang lahat, Noong umalis sya, ilang sigundo lang ang pinalipas ko bago ako tuluyang sumunod rito. Nakita ko ang lahat nang nangyari ngunit wala akong narinig sa naganap na usapan sa pagitan nila ng lalaking iyon dahil may kalayuan ang puwestong kinatatayuan ko.

May parte saakin na gustong durugin ng pinong pino ang lalaking iyon gamit ang kamao ko. Lalo na at nababakas ang pagmamakaawa sa mukha nya habang nakaluhod sa babaeng nakakuha ng aking atensyon simula palang. Sino ito? Bakit ang lakas ng loob nyang hawakan ang babaeng kinahuhumalingan ko?

Gusto kung akin lang sya, ang atensyon nito, ang lahat, Na tipong ako lang ang nakakakita at nakakahawak sa kanya.

At dahil sa kaba na baka makita nya ako, mabilis akong nagtago sa gilid ng corridor, ngunit hindi ako mapakali habang hinihintay itong dumaan, akala ko ay gumamit ito nang ibang daan kaya medyo natagalan, ngunit sakto namang tumama ang katawan nya saakin. Inaamin ko, nang tumama ang katawan nya sakin ay kaagad akong nakaramdam ng saya dahil nahawakan ito.

Umupo ako sa tabi nya nang hindi inaalis ang mga tingin sa kanya. Noong una, tutol ako sa naging desisyon ng aking ina na dito ako mag aral habang inaasikaso ang kompanyang iniwan ni Dad. Ngunit kaagad na nagbago ang pananaw ko, mukhang magiging paborito ko na ngayon.

Hope i am not dreaming..

Iniangat ko ang isa kung kamay at hahawakan ko sana ang mukha nya para makasiguradong totoo sya  nang bigla syang lumingon sa gawi ko kaya tumama ang kamay ko sa noo nya. Naramdaman ko ang pag iinit ng tainga ko dahil sa kahihiyang ginawa.

Para akong nakuryente nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Alam mo ang weird mo talaga. Kung gusto mong magpakilala sabihin mo lang. Mag papakilala naman ako e. Im Almira, Ikaw? "Tanong nya at nakipagshake hand sa kamay ko.

I want to touch her so badly.

"I-im, Fergus Hye."Pagpapakilala ko.

Binitawan nya ang kamay ko at bumangon sa pagkakahiga.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon