Halos hindi ko maramdaman ang pangangawit ng labi ko, kahit na kanina pa ako nakangiti, napakasaya ng nararamdaman ko ngayon. Ito na ata ang pinakamasayang araw na ibinigay ng diyos saakin o sabihin na nating namin, I am finally married! Nakahawak ako sa medyo malaki kong tiyan habang nakasakay sa limousine na magdadala saakin sa airport, apat na buwan na ang dinadala ko. Hindi ko alam na kapag nagbubuntis ay magbabago at magbabago talaga ang hugis ng katawan mo, kasi ako, medyo tumaba, dahil siguro iyon sa palagihan kong pagkain.
Maya maya lang kasi ako kung gutumin, sabi naman ni mommy, normal lang daw iyon dahil may dinadala akong baby at kumakain daw ito. Hindi ko nga maiwasang kilabutan dahil tuwing iniisip ko na may buhay ng tao akong dinadala mismo sa aking tiyan.
Papunta akong airport ngayon, pagkatapos ay sasakay kami ng private jet patungong San Agustin na kung saan gaganapin ang main event ng kasal, naroon na sa airport si fergus at hinihintay ako. Dapat nga ay sabay kaming pumunta don dahil kakakasal lang namin kaso mahigpit na ipinagbawal ng pamilya ko at ng pamilya nya na magsabay kaming dalawa. Ewan ko ba don, mga matatanda talaga, mahilig sa mga pamahiin, dapat daw paghintayin ang mga lalake kapag bagong kasal para daw mas maging sabik ang asawa mo sayo.
Actually, isang linggo kaming hindi nagkita at kanina lang ulit ng ikakasal na kami.
Halos hindi nga ako mapakali noong nasa likuran na ako ng malaking pinto ng simbahan, gustong gusto ko na talaga itong makita, Kahit gadgets ay bawal! kaya naman ay nagtitiis nalang ako sa mga pictures nyang nasa cellphone ko, katulad ng napag usapan, maraming dumalong media, hindi na ako magtataka kong bukas na bukas mismo ay kalat na kalat na sa buong mundo ang kasalang naganap.
"Congratulations, Almira."wika ng isang malamig na tinig na nagpabalik sakin sa sarili. Mula sa bintana ay mabilis akong napatingin sa harapan ng sasakyan, nakababa na yong bintana na nagsisilbing harang sa pagitan ng driver at ng sumasakay.
Kahit hindi ko nakikita ang itsura ng driver, alam na alam ko kung kanino iyon nanggagaling. Nakaramdam ako ng kaba at takot na baka may gawin syang hindi maganda, lalo na at walang magliligtas saakin kung sakaling may gawin ito, wala si fergus at walang bodyguard na nagbabantay, mayroon ngang bodyguard, nasa kabilang sasakyan naman at nakasunod lang sa sinasakyan ko,
Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko at wala sa sariling kinuha ang phone na nakalagay sa hand bag ko at idinaial ang number ni fergus. Inilagay ko lang iyon sa gilid ng hita ko, nang makitang sinagot na nya ang tawag saka ako tumingin sa harapan.
"Sean."ang tangging nasabi ko. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko dahil sa kaba.
"Please, don't be scared. Almira, Wala akong gagawin, gusto lang kitang makausap sa huling pagkakataon." mahinahong sabi nya. "Matagal na talaga kitang gustong makausap, pero nahihirapan akong kumuha ng pagkakataon lalo na at nakaaligid sya sayo pati narin yong mga tauhan nya. "pagpapatuloy nya, pinilit nyang pasiglahin ang boses ngunit nabigo ito. Ramdam ko ang bawat pait ng salitang binitawan nya.
"Sean-"
"Please, almira. Don't talk, tuwing naririnig ko kasi ang b-boses mo mas nasasaktan lang ako..I-im sorry, sweety..Kahit ngayon lang, hayaan mo akong mag assume na girlfriend pa rin kita.."namamaos na sabi nya.
Mabilis na nanlabo ang mata ko dahil nasasaktan ako para sa kaya, hinihiling ko sa panginoong diyos na sana ay may taong magmamahal sa kanya at mamahalin nya rin ng mas higit pa sa nararamdaman nya sakin.
"Im sorry for being useless boyfriend, sweety..K-kung mas inalagaan at iningatan sana kita noon nong tayo pa, at hindi ako nagloko, sana hanggang ngayon tayo pa, s-sana tayo ang ikinasal, at hindi kayo.."natatawang sabi nya." Y-you know what, that bastard is evil.. hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya, ang sira ulong yon ang dahilan kong bakit nadurog ang buto ng kamay ko! Sya ang dahilan kong bakit hindi ko magamit ng matino ang kanang kamay ko ng halos limang taon! yong sira ulong yon.."tila galit na sabi nya.
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ng marinig ang sinasabi nya, gusto kong magtanong kong ano ang ibig sabihin ng sinasabi nya, ngunit mas pinili ko nalang na manahimik dahil ayoko nang dagdagan ang hinanakit nya sakin.
The evil you were talking about is the person i love the most, sean.
Narinig ko itong malakas na napabuntong hininga na para bang pinapakalma nya ang sarili. Sya ang driver ng sinasakyan ko, nakasuot ito ng pang driver suit kaya hindi mo mahahalata kong sya ba talaga o hindi ang totoong nakatokang magmamaneho sakin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ito muling nagsalita,"Sweety, Almira..Ang pagmamahal ko para sayo ay hinding hindi mapapalitan, mananatili ka sa puso ko, ipinapangako ko yan, hinding hindi ko kakalimutan ang taon na pinagsaluhan natin noon, Sa huling pagkakataon, hinihiling ko na sa oras na magkita tayong dalawa ilang taon mula ngayon, maging magkaibigan tayong muli, almira, ngunit hindi ko hihilingin na maging masaya ka, kayo, nang gagong yon."mas mahinahong sabi nya.
Mapait akong napangiti dahil sa sinabi nya, Kung tama ang pagkakatanda ko, may mental illness sya, ayos lang sakin na huwag mong hilingin ang kaligayahan ko, ngunit hinihiling ko ang kaligayan mo, sean. Sana gumaling ka, at mamuhay ng masaya..
Wala sa sariling napatingin sa cellphone ko na hanggang ngayon ay umaandar parin ang oras tanda na nakikinig sya sa kabilang linya. Sana kalmado lang sya don..
Mabilis kong inialis ang paningin don ng maramdaman kong huminto ang sasakyan, mabilis akong napatingin sa harapan. Para akong binundol nang kaba ng makitang nakasilip na sya sa bintana na nagsisilbing harang sa loob ng kotse, malamig nya akong tinignan at pagkatapos ay bumaba sa tiyan kong medyo malaki. Nagtagal ang tingin nya don bago muling ibinalik sakin ang mata nyang kumikislap dahil sa luha.
"Good bye..Almira."nakangiting sabi nya at mabilis na binuksan ang pinto ng gilid nya at lumabas. May nakamotorbike na huminto mismo sa harapan ni sean, nakahelmet ang nagmamaneho ngunit mahahalataang babae ang nakasakay don, dahil kahit na nakasuot ng leather jacket, nakikita sa tindig ng katawan nito na babae sya, sumakay doon si sean pagkatapos maisuot ang helmet na ibinigay ng babae saka mabilis na pinaharurot palayo at sakto namang dumating ang mga bodyguard ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sarili, matagal nya sigurong pinalano ag lahat, kung muli man tayong magkikita, tatanggapin kita bilang kaibigan, Sean.
Kinuha ko ang phone na nakalapag lang sa inuupuan ko at inilagay sa tainga. Mabilis na nag init ang damdamin ko ng marinig ang mabibigat nitong paghinga."Fergus."mahinang sabi ko matapos ang ilang sigundo.
Muling umandar ang sasakyan, sa pagkakataong ito, ang isa sa bodyguard ko na ang nagmamaneho. May kasama na ito sa harapan, kapwa tagabantay ko. Kanina pa nila ako tinatanong kung ayos lang ba daw ako o may ginawa ba daw saking masama ang lalaking umalis. Ngiti at tango lang ang isinagot ko na nagpatahimik sa kanila.
"I will fucking kill him."madiin at tila puno ng kasiguraduhang sabi nya na nagpatigil sakin.
"Fergus!"pagbabanta ko sa kanya sa kabilang linya."Everythings alright, hindi nya ako hinawakan, kinausap lang..please, calm down, baby..malapit na ako sa airport, dapat gwapo ka, hindi nakasimangot, okay?"panlalambing ko sa kanya.
"What?! I am fucking jealous, Almira! N-no, Im not jealous, Im territorial! "
------
Again, Thank you for reading. End.