29

13.6K 260 8
                                        

Napabaling ako sa kabilang bahagi ng kama na kung nasaan ang Maliit na Alarm clock. Halos mapabuga ako ng hangin nang makita kung anong oras na. It's 11:21 Pm, pero dilat na dilat parin ang mga mata ko. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at dumaretso sa closet para kumuha nang jacket. Itinali ko rin ang mahaba kung buhok at kinuha ko din ang wallet pati narin ang personal phone ko.

Ilang oras na akong nakatitig sa kisame pero hindi manlang ako dinalaw ng antok. Kaya naman ay nagpasya akong mag lakad lakad muna. Binuksan ko ang pinto at nagpalingon lingon sa paligid. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Honey at walang babalang binuksan yon.

I rolled my eyes ng mapansing wala pa ang pinsan ko. Magpapaalam sana ako na magpapahangin lang ako sandali. At dahil wala sya ay agad kung isinuot ang rubber shoes pati narin ang hood ng jacket saka tuluyang lumabas sa condo.

Mas pinili ko ang maglakad nalang sa hagdan kesa sa elevator dahil makakatulong rin ito para magpapawis kahit papano, lalo na at matagal tagal na rin akong hindi nag g-gym.

Sa bawat paghakbang ko pababa ay umiilaw ang bawat dinadaanan ko. At sa tuwing malapit na ako sa susunod na palapag ay sya ring pag patay ng ilaw ng nadaanan ko na. Nakakatok kung may roon kang malikot na imahenasyon at dahil hindi naman ako ganon at kinasanayan ko na rin naman at dahil ganon ang building namin sa paris. Napatingin ako sa malaking Numerong nakalagay sa dingding na may nakalagay na 9. Ibig sabihin ay mahaba haba pa ang bababaan ko .

Tahimik ang paligid at ang paghinga ko lang ang naririnig ko kasabay nang mga yapak na ginagawa nang sapatos ko. Halos mapakunot ang noo ko nang mapansing umiilaw rin ang bawat palapag na pinanggalingan ko kanina. Ilang sandali akong tumigil sa paglalakad at tumingala sa itaas. Dahil sa pagtingala ko ay may nakita akong nakadungaw na ulo mula sa railings ng 10th floor. Mabilis na pumumintig ang nananahimik kung puso dahil sa pagkagulat nang mag tama ang mata namin. Mabilis akong nag iwas nang paningin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi katulad kanina ay mas binilisan ko ang paglalakad ko ngayon.

Iniisip ko palang na naligaw na kaluluwa ang nakadungaw na yon ay kinikilabutan na ako.

Seriously Almira? Hindi ba puwedeng nagkataon lang? Tinatakot mo lang ang sarili mo.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nya. At kahit na ganon ay alam kung hindi yon babae para tawagin kung white lady. Napailing ako sa mga pinag iisip ko. Ano bang tawag sa mga White lady na lalaki? White Man?

Nakahinga ako nang maluwang nang makalabas ako ng Condomium. Mabilis na sumalubong sakin ang malamig na ihip ng hangin. Kahit na may suot akong jacket ay ramdam ko parin ang malamig na simoy ng hangin. Inilagay ko ang pareho kung kamay sa harapang bahagi ng jacket na kung nasaan ang bulsa neto. Pasimple akong nagpalinga linga, kinakabahan na baka may paparazzi akong makita. Lalo na at kalat na ang balitang nasa pilipinas ako. Nang mapansing wala naman ay nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa pinakamalapit na star bucks na kung saan ako palaging nagkakape sa tuwing may oras ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang makapasok ako sa loob ng cafe, mabuti nalang at 24 hours dito. Nakangiting bumati sakin ang nagseserve. Kung hindi ako nagkakamali ay sya yong palagi kong pinagbibilhan,.

Magsasalita sana sya upang batiin at tanungin ang order ko nang unahan ko sya.  

"Hey, Macky. Over time ka ata?"i said.

Napaawang ang bibig nya na para bang kinikilala nya ang boses ko. Tinanggal ko ang suot kong hood para makilala nya ako. Kung hindi pa sya palihim na siniko nang kasama nya ay hindi pa ito mababalik sa sarili.

Nang matauhan ay mabilis na nagkakulay ang magkabila nyang pisngi. Saka kunyaring inayos ang salaming suot.

"I-ikaw po pala Mis Almira Carlos, Ah opo, kailangan ko po kasi ng pera para sa -"hindi nya natuloy ang sasabihin nang may napagtanto,"Ahem..Ganon parin po ba ang order nyo?"Wika nya habang hindi makatingin nang maayos sa mga mata ko.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon