Nanonood ako ng TV habang hinihintay syang bumalik rito sa kwarto. Ang sabi nya sya raw ang gagawa ng panibago kong agahan\Tanghalian. Nanlalamig na kasi ang dinalang agahan nong babaeng naghatid non kaninang umaga.Nakakitig lang ako sa tv at walang pumapasok na mga salita sa utak ko. May isang babaeng nagsasalita sa tv pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Nakatingin lang ako roon. Sa madaling salita ay nakatulala.
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari samin kanina.
Nawala sya ng ilang araw tapos babalik sya na parang walang nangyari..
Gusto ko syang tanungin kong saan sya nanggaling pero hindi ko magawa dahil ano ba ako para sa kanya? Bakit nya nagawa sakin ang bagay na yon?
Hindi ba meron na syang asawa? Hindi pa ba sya nakuntento sa asawa nya at gusto pang dagdagan ng isa?
Ano yon, ako yong panira sa relasyon nilang dalawa?
Isa akong kabit...kahit kailan hindi ko naisip na mangyayari ang lahat ng ito. Paano kong hindi ako bumalik rito? Siguradong hindi to mangyayari.
May parte sakin na nagsisisi sa ginawa namin dahil may asawa na sya...Hindi ko alam kong meron nga talaga dahil wala pa naman akong ebidensya, pwera lang sa singsing na suot suot nya.
At ang kalahati naman ay ginusto ko, Mahal ko parin ba sya? Hinawakan ko ang bandang dibdib ko na kong nasaan ang puso ko. Napailing nalang ako sa naisip. Isang malaking kabaliwan kong ganon almira. Past is past.
You need to forget him.
How could i forget that jerk? Nakuha nya ang pinakaiingatan kong alahas sa loob ng ilang taon.
Kahit na ang mga naging boyfriend ko ay hindi ko magawang ibigay ang bagay na iyon. Dahil ibibigay ko lang iyon sa lalaking papakasalan ko.
Napabalikwas ako ng makaramdam ng mainit hiningang tumatama sa leeg ko. Napaangat ang ulo ko at sumalubing sakin ang labi nyang biglang dumpi sa labi ko. Halos kapusin ako ng hininga ng pakawalan nya ang labi ko.
Namumungay ang mata nyang nakatitig sakin na para bang pinagaaralan ang mukha ko.
"If you're with me. Wag kang mag isip ng kung sino sinong tao, Almira. I want full of your attention ." He said with threatened in his voice.
Napalunok ako ng paulit ulit. Saka wala sa sariling napatango.
Bahagya syang ngumiti at umayos sa pagkakatayo.Inilapag nya ang dalang tray sa harapang bahagi ko saka umupo sa gilid ko.
"Eat now, baby. You look so thin."
"Im not thin-" Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla nyang ilagay sa labi ko ang hintuturo nya.
"No more comment, just Eat."
Napanguso ako saka tumingin sa pagkaing inihanda nya. Kinuha ko yong tinidor at tinusok yong slice pork gamit yon at dinala sa bibig ko.
Masarap.
Actually hindi ako kumakain ng baboy dahil ayokong magkaroon ng taba ang hita ko. Nakakailang subo pa lang ako ng mapansin ang paninitig ng katabi ko sakin.
Bigla syang nawala sa isip ko...
Tumingin ako sa kanya.
"B-bakit?" Kinakabahang sabi ko.
"Do you like it?" Tanong nya gamit ang mababang boses. Bahagya akong tumango at nagpatuloy sa pagkain.
Kailan kaya ako makakabalik? Papaalisin na ba nya ako dito? Siguradong nag aalala na si Honey, Pinsan ko . Mamaya hinahanap na pala ako ng mga pulis.