Dahil rest day namin ngayong friday ay naisipan kung bisitahin si Sean. Kumusta na kaya sya? Anong kalokohan nanaman ang ginawa non at nauwi sa hospital?
hindi naman ibig sabihin na galit ako sa kanya ay wala na akong paki, may pinag samahan kami kahit papano, kahit papano naman ay may natitira pa akong kaunting pagmamahal para sa kanya.
i care for him, thats all.
Nagsuot lang ako nang ripped jeans at tsaka blouse na puti at black na dollshoes.
Sinusuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri, Pababa na sana ako nang makarinig ako na parang may nag uusap sa kusina. Hindi ko na sana papansinin pero nabanggit nong kausap ni mama ang pangalan ko.
"Sa tingin ko, Wala akong karapatan na sabihin sa kanya ang totoo, Lucy. Ikaw ang Totoo nyang Magulang kaya ikaw ang may karapatan."Saad ni Mama.
Napalunok ako at sumandal sa dingding. Eto na yong kinakatakutan ko..
"Pero ikaw ang tinuturing nyang magulang. Ate, Natatakot ako. Paano kung hindi nya ako tanggapin?"Saad nang boses babae.
Mag k-kapatid sila?
"Maiintindihan ka nya-"
"M-ma..A-alis na po ako...may dadalawin lang.."Sabi ko at nagmamadaling lumabas nang bahay. Narinig ko ang pagtawag nila sakin pero hindi ko na yon binigyan ng pansin.
Napatili ako nang may humablot sa isa kung braso. Mabilis ang paghinga ko habang nakatingin sa may gawa, bahagyang nakaramdam ako nang pananakit sa puso. kaya naman ay napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang malalakas nitong pagpintig. Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Paano kung atakihin ako ng sakit ko? wag ngayon please..
"Why are you crying, Almira?"Saad nya.
Ilang sandali akong walang imik hanggang sa tuluyan na akong nakahinga ng maluwang, Napaawang ang bibig ko nang makita sya. Anong ginagawa nya dito?"A-almira? Are you okay?"Nag aalalang tanong nya ng hindi ako nakasagot.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng tipid.
"B-bat ka naman nandito? "pang iiba ko nang usapan, Tapos tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay ko nang mapansing nakapang business attire sya. like black coat, tie and slacks at kumikintab pa na itim na sapatos! halatang malinis na malinis!
"Galing ako sa kompanya ni Dad..Pauwi na sana ako ng maisip kitang dalawin.."Mahinang sabi nya.
Ngumiti ako ng malungkot. Para syang bituin sa langit, Mahirap abutin. Mayaman, Kilala ang angkan, Halos perfect na sya..At hindi sya bagay sakin. Isa lang akong scholar sa sarili nilang paaralan, Hindi mayaman, At wala akong ibang maibibigay sa kanya.
Nagtanong kasi ako kay joana, nagbabakasakaling may alam sya tungkol kay fergus. Hindi na ako nagtaka ng marami itong nalalaman, dahil isa syang social butterfly, kaya nyang makipagsabayan sa kapwa nya mayayaman, ganon na nga, kilalang angkan rin ang pamilya ni joana, kahit loka loka ang babaeng yon, shes down to earth.
At si fergus naman, He deserves someone better.
"A-almira?"
Nabalik ako sa ulirat ng tawagin nya ako. Binitiwan ko ang coat nyang kanina ko pa hawak. nahihiya dahil nagusot ko yon. Mukha syang nagulat at pagkatapos ay agad na hinawakan ang kamay ko.
"Sa tingin ko, kailangan na nating itigil to, fergus."walang pag aalinlangang Saad ko. mabilis akong Nag iwas nang tingin ng mapansin ko kong paano nya ako tignan.
Sinubukan kong hilain ang kamay kong hawak nya pero mas lalo lang nya iyong hinigpitan.
"No."Malamig na sabi nya.
Napakagat labi ako. Shit naman. Ang dami ko nang pinoproblema. Ang puso ko, Pati ang pamilya ko. Dadagdag pa ba sya?
"Fergus, You deserve better-"
"I said no, Hindi ako papayag."Mahinang sabi nya.
Baka nga hindi na ako magtagal sa mundo. Hanggat maaga pa At hindi pa ko tuluyang nagkakagusto sa kanya Kailangan ko ng umiwas.
"A-almira..please..Don't do this."Nauutal na sabi nya. Napakagat labi akong tumingin sa kanya.May namumuong luha sa mata nya..
Shit..Hindi ko kaya..
Agad ko syang niyakap ng mahigpit.
"I-im sorry..Kalimutan mo nalang ang sinabi ko, Fergus..May problema lang talaga ako.."Malambing na sabi ko.
Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin pabalik at ang pagpatong nang ulo nya sa balikat ko.
"Tutulungan kita sa problema mo, kaya wag kang makikipaghiwalay sakin..Almira..Don't say that again Or else i'll punish you.."May pagbabantang sabi nya.
