2

25.3K 490 4
                                    

Ako na mismo ang nagbukas nang pintong nasa gilid ko, bago pa man na tuluyang makaikot si Manong Edgar at pagbuksan ako. Mabilis akong Lumingon sa entrance nang gate at sakto namang pumasok ang babaeng nakakuha nang atensyon ko kanina. 

Hindi ko talaga alam kong bakit hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. marami na akong nakasalamuhang magagandang mga kababaihan, ngunit hindi ako nagkaroon ng interes kahit kanino man. Ngayon pa lang.

May ilan siyang nakakasabayan sa paglalakad ngunit angat ang itsura niya sa lahat.

"Mr.Hye?"

Pinutol ko ang pagkakatitig sa papalayong bulto ng babae at lumingon sa nagsalita.

Tumikhim ito, "She's Almira Carlos, Isa siyang Top ranker dito at scholar."Ang baretonong Saad ni tito. Ang Dean. Blangko ko itong tinignan, hindi ko alam kong ang tinitignan kong babae ang tinutukoy nya, dahil maraming nakakalat sa paligid.

Nakatanaw siya sa malayo, maaaring sa babaeng tinitignan ko o maaaring iba ang tinitignan nya.

May mga kulubot na ito sa mukha tanda na may edad na, siya ang nakakatandang kapatid ni Dad.

"What are you talking about?"takang tanong ko rito habang inaayos ang suot na black coat. Hindi ko inaalis ang paningin kay tito habang ginagawa iyon.

Ngumisi ito na para bang may nakakatawa sa sinabi ko, inilagay niya ang parehong kamay sa likuran nya,"You know what am talkin bout, Son. I am Hye and i know who you were lookin at. She's pretty and smart too. "nakakalokong sabi nya. Matalim ko itong tinignan ngunit malakas lamang itong tumawa dahilan kong bakit napapalingon ang mga napapadaang estudyante."Oh! By the way, Welcome back! " saka nya ako iginaya papasok sa loob ng Unibersidad. Tumango lang ako bilang tugon.

"Tito, gusto kong lumipat sa lahat ng klase na mayroon siya."wika ko sa kalagitnaan ng katahimikan ng paglalakad namin.

Narinig ko itong napabuntong hininga, "Magagawan ko ng paraan, ngunit Mag kaiba ang kurso niyong dalawa, Ijo."

Nagtiim bagang ako sa inis.

"I dont care."Saad ko at inunahan siyang maglakad papuntang office nya para kunin ang magiging panibagong schedule ko.

Ilang minuto lang ang itinagal ko roon, may ipinakilalang professor saakin si tito, ito raw ang mag hahatid sakin sa una kong klase na kung nasaan siya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip na simula ngayon ay madalas ko na itong makikita.

Sana nga lang ay magkapareho ang tinutukoy kong babae sa sinasabi ni tito.

Habang naglalakad ay salita lang ng salita ang professor, may mga sinaabi itong mga walang kuwenta para saakin, hinayaan ko nalang.

Ilang sandali pa ay huminto ang babaeng guro at naglakad papasok sa loob ng isang silid. Mabilis akong sumilip para makasiguradong narito ito, mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko siyang may kausap na babae.

I'll thank tito later.

Mabilis na nawala ang ngiti saaking labi ng mapansin ang ekspresyon ng kanyang mukha, Kahit malayo ay kitang kita ko ang lungkot sa kanyang asul na mata.

Bakit sya malungkot? Anong dahilan kong bakit nakakaramdam siya ng ganyang emosyon? kung maaari ko lamang itong lapitan at tanungin upang malaman ang dahilan gagawin ko.

Bigla akong nakaramdam nang kirot sa dibdib. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ang lakas nang epekto niya?

"Gusto ko nang pumasok."Saad ko sa professor na babaeng kakalabas lang ng silid.

Ngumiti siya nang matamis at inayos ang buhok.

"Of course! You may come in, Mr.Hye."

Naglakad ako papasok sa loob at kaagad na ang nakakairitang tilian nang mga babae ang narinig ko. Ang Lahat ay nakatingin sakin ngunit namumukod tangi lang siya ang hindi nakatingin. Hindi ko kailangan ng atensyon nila. Ang atensyon niya ang kailangan ko.

Nakatingin lang siya sa papel na nasa lamesa. Nagtiim bagang ako. Wala ba siyang pakialam sa paligid nya?

"Call him, Mr.Hye. Class."Saad nang guro.

Marami akong narinig na reklamo nang sabihin nya iyon.

"Maam, Bakit hindi sa pangalan nya?"Tanong nang isang babae.

"Because i dont want to. "

Tumahimik ang paligid,  tila naguluhan sa sinabi ko. Nang walang magsalita ay naglakad ako sa dereksyon niya.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon