18

15.1K 329 1
                                    


Naiiritang napatingin ako sa suot kung relo. Its already 5:30! He's already late! Nagpalinga linga ako sa paligid. Meron akong nakitang isang black ferrari na kotseng huminto mismo sa harapan ko. Nakakakuha iyon ng atensyon sa mga taonng pumapasok at lumalabas ng airport.

Napataas ang kilay ko dahil sa pagkairita. Sa harap ko pa talaga naisipang mag park.

Umiwas ako at lumipat ng pwesto para hindi ako matabunan ng kotse.

Naiiritang tumitig ako sa salamin ng kotse kahit na hindi ko nakikita ang loob dahil tented ang bintana non, ng umatras iyon at humarang nanaman sa harapan ko. Kasunod noon ang paulit ulit na pagbusina.

Napatingin ako sa phone na hawak ko ng magvibrate iyon. Isa lang naman iyong message ng isang unregistered number.

'Hopped in, Almira.'

Kasunod noon ang pagbukas ng pinto ng kotseng nasa harapan ko.

Hinubad ko ang suot kung sunglasses at titignan sana ang driver kung si honey na ba iyon.

"Si miss Almira ba yon?"

"Kyaa! Miss almira pa picture!"

Napalingon sa gawi ko ang ilang mga nakakarinig. Agad akong pumasok sa loob ng kotse sa takot na madaganan ako at magkapasa pa. No way, hindi ko pa naman dala ang bodyguard ko para magbantay sakin.

"Woah! Muntikan na yon ah! Hoy !Bat ang tagal mo?-"Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong sino sya.

F-fergus?

Napaawang ang bibig ko sa gulat.

"A-ah..I think, Nagkamali ako nang sinakyan.."Mahinang saad ko at bubuksan sana ang pinto ng makarinig ako ng 'Click'Tanda ng inilock nya ang pinto.

"Its been awhile, Almira.."Malamig na sabi nya at binuksan ang makina. Napatingin ako sa kanya. Nananatili ang tingin nya sa daan. He's wearing business suit.

He matured..

Bakit sya nandito? Pano nya nalamang nasa airport ako? Nagkataon lang ba?

"Ibalik mo ako don."Utos ko at nag iwas ng tingin.

"Why would i do that?"Matigas na sabi nya at pinaharurot ang kotse.

Shit! mabilis akong napakapit sa gilid ng inuupuan ko dahil sa takot na madisgrasya kami sa bilis nya magpatakbo.

"Stop it, Mr Hye! May susundo sakin at hindi yon ikaw!"Sigaw ko.

Napatili ako ng bigla nyang ipreno ang sasakyan kaya naman nauntog ako sa dashboard.

Nahihilong napahawak ako sa noo ko. Ang sakit...

"What the fuck is your-"Hindi ko natapos ang sasabihin ng tinakpan nya ang labi ko gamit ang labi nya. Marahas na halos malasahan ko ang sariling dugo.

Napadaing ako ng kagatin nya ang ibaba kung labi.

"Call me by my name, baby.."madiing wika nya, Ilang segundo akong Napatitig sa kanya at nang hindi ko kinaya ay ako na mismo ang unang nag iwas ng tingin.

"Why would i do that? "pangagaya ko sa sinabi nya kanina.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa balikat at pagkatapos ay sapilitang iniharap sa kanya.

"How dare you, Almira. Call me fergus and not Mr.Hye! "Sigaw nya sa pagmumuka ko.

Napalunok ako...He changed.

Hindi nya ako pinagtataasan ng boses noon. Tinanggal ko ang kamay nyang nasa panga ko at masama syang tinignan.

"Oh, baby..I love the way you glare at me.."Nakangising sabi nya at umayos sa pagkakaupo at pina andar muli ang kotse.

"This is kidnapping!"natatarantang sabi ko. Nilingon nya lang ako at ngumisi ng nakakaloko. kahit na malamig kong makatingin ito sakin.

Napatingin ako sa hawak kong phone ng tumunog yon. Its Honey.

Agad ko yong sinagot.

'Where are you? Im waiting here. 'Wika nya sa kabilang linya.

"Go home now, Hon. P-"Nanlalaking mata akong napatingin sa kanya ng bigla nya yong hinablot sa kamay ko at inihagis sa labas ng kotse.

"What?! Are you Insane?! Why did you do that!"Sigaw ko.

"You're not allowed to talk to anyone when you're with me."may pagbabantang sabi nya.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon