14

15K 301 3
                                    

Ilang sandali pa ang lumipas habang nakayakap kami sa isat isa, ramdam ko ang hininga nitong tumatama sa leeg ko na nagbibigay kiliti sa aking katawan. Hanggang sa may naalala ako.

"Bibisitahin ko nga pala si sean ngayon-"hindi ko natapos ang sasabihin nang Mahina akong napadaing nang bigla nya akong kagatin sa leeg. Napakapit ako sa suot nyang coat nang gawin nya yon, wala nang pakialam kong magusot ko ito.

"F-fergus.."Tawag ko sa pangalan nya nang mas idiin nya pa ang ngipin nya sa leeg ko.

Ang sakit!

"Hindi ka pupunta, Almira. Hindi ka pwedeng makipag usap sa ibang lalake, Bukod sakin. Kung maaari lang isama muna ang mga babae."Saad nya ng pakawalan nya ang leeg ko.

Napamaang ako sa sinabi nya. Pero agad ding napapikit nang maramdaman ko ang dila nya sa parte ng kinagatan nya ngayon.

Shit!Parang may kuryenteng dumaloy sa parteng yon at bumaba papunta sa tyan ko.

"P-pero-"

Napadaing ulit ako ng ulitin nya ang ginawa nyang pagkagat.

"No buts, Almira. Girls is enough. And boys is too much."Saad nya at humarap sakin.

Anong ibig nyang sabihin don?Na babae lang ang pwede kung kausapin?

"Ipapakilala kita kay Mom, Ngayon."Saad nya at hindi na nya ako pinasagot at hinila ako papunta sa isang kotseng kulay itim.

"Pero Fergus, Im-"

"No. That's final."Maotoridad na sabi nya at pinagbuksan ako nang pinto. Hindi nya ako hinintay na makapagsalita pang muli, mahina nya akong itinulak papasok kaya nagpadala nalang ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa leeg kong kinagatan nya, ramdam ko parin hanggang ngayon ang ngipin nya don. Kanina, parang hindi sya ang fergus na nakilala ko. Parang may sumapi sa kanya! Nakakakaba at nakakatakot!

 Ipinaghawak nya ang pareho naming kamay at ang isa naman nyang kamay ay nakahawak sa manubela. 

Si Sean nga hindi pa ako pinapakilala sa magulang nya kahit matagal na kami. Pero si fergus, Hindi pa kami umaabot ng isang buwan ay ipapakilala na nya ako.

"I-Im sorry .."

Napalingon ako sa kanya ng bigla syang nagsalita.

"Para san?"Takang tanong ko.

Narinig ko syang tumikhim at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"F-for..Amm.."Sabi nya at itinuro ang sariling leeg.

Napanguso akong nag iwas ng tingin. Ano sya bampira? Kagatin ba naman ang leeg ko.

"Its my  punishment for making me jealous."Pagpapatuloy nya habang hindi nakatingin sakin.

Jealous?Saan?

"Were here."Saad nya kaya nabalik ako sa katinuan.

Napatingin ako sa labas ng kotse. Sakto namang Pinagbuksan kami ng dalawang guard. Gate pa lang ang laki na! 

Huminga ako ng maluwag. Sana magustuhan ako ng parents nya. Bumaba sya ng kotse pero agad akong bumaba bago pa nya ako pagbuksan. Automatic na hinawakan nya ang kamay ko.

"Hijo, My Darling..Mabuti naman at naisipan mong dalawin ako. "Saad ng isang malamyos na tinig babae.

Sabay kaming napalingon sa parteng yon. Isa lang ang masasabi ko.

Beautiful..

Lumapit ang babae at hinalikan sa pisngi si Fergus. Eto na ba yong Mom nya?Mukhang wala pa syang 50 years old.

"I am here because i want you to meet my girl, mom ."Saad nya at lumingon sakin.

Kaya naman ay napabaling ang malamig na tingin ng ginang sakin, Napayuko ako ng makita ko kung pano nya ako pinagtaasan ng kilay.

"Good afternoon po, I am Almira ,Madame."Pagpapakilala ko.

"Oh? Halika Hijo, Doon tayo sa loob."Sabi ng ginang at naunang pumasok sa mansyon.

"Lets go?"Saad ng katabi ko.Ngiti lang ang iginanti ko at tuluyan ng naglakad papasok sa loob.

----

Nandito na ako sa kwarto at nagpapractice mag kanta habang nag gigitara.

Malungkot akong napangiti. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala Sa nangyari kanina.

Sa likod ng maamo nyang mukha ay nagtatago doon ang isang demonyo.

She slapped me! At hindi lang iyon kundi binuhusan pa ng juice ang mukha ko.

At Hindi yon alam ni fergus.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon