16

13.7K 263 0
                                        


Nanghihina akong napaupo sa sofang malapit sakin at hiningal na napayuko.

"Ang kapal nang pagmumukha mong sabihin iyan sa Anak ko?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Baka nakalimutan mong nasa loob ka ng pamamahay ko!"

Napatingin ako sa biglang sumigaw. Ang totoo kong mama..

Halata sa itsura ni Madame hye na mukha syang gulat na gulat ng makita si mama.

"Lumayas ka ngayon din!"Pagpapatuloy nya at ibinuhos ang basong may lamang malamig na tubig na nakalagay sa bitbit na tray na dala ni mama. Bakas rin ang gulat sa mukha nya ng makita ang ginawa ng totoo kong mama.

"M-ma.."Saad ko para na awatin sya. Pilit akong tumayo pero hindi ko kinaya at napaluhod nalang ako sa sahig habang habol ang hininga.

Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha at halos hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi ni mama kay madame hye.

"T-tama na.."Ang huli kong nasabi bago ako lamunin ng dilim.

-----

Nananatiling nakapikit ang mata ko at pinapakiramdaman ang sarili. Nakakarinig ako ng makina. Pamilyar yon sakin. Isa iyong makinang ginagamit para makahinga ang isang tao.

Meron akong naririnig na nag uusap pero hindi ko maintindihan. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at sumalubong sakin ang puting kisame.Iginala ko ang paningin sa buong paligid at nakita ko mga pamilyar na mga mukha. Mga pamilya ko.

Lumapit sakin si mama at bumubuka ang bibig nya pero wala akong marinig. Iginala ko ang paningin at hinanap ng mata ko si fergus, pero wala sya.

Kumikirot kirot ang puso ko tuwing naiisip ko sya.

Gusto ko syang makita..

May naramdaman akong likidong dumaloy sa magkabila kong pisngi at Kasabay non an paglakas ng tunog ng makina.

Fergus...

Meron akong nakitang doktor na lumapit sakin at inilawan ang isa kung mata.Meron syang sinasabi pero wala talaga akong naririnig kundi ang tunog ng makina kasabay ng malakas na pintig ng puso ko.

Fergus...

Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko at pagsakit ng puso ko.

Fergus...Gusto kitang makita..

Wala akong paki alam kung hindi ako gusto ng Magulang mo. Basta kaya mo akong ipaglaban, Ipaglalaban kita hanggang sa kaya ko pa.

Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko at ang paglamon muli ng dilim sakin.

Ilang araw akong nanatili sa Hospital. Pero walang dumating na fergus.

Nasan kana ba?

Wala akong kahit na anong balita sa kanya. Malungkot akong bumangon sa pagkakahiga at tumingin sa bintana. I miss him..

Alam nya kayang nasa hospital ako?

Gusto ko sana syang maka usap bago ako sumama sa pamilya ko na bumalik ng Paris. Doon daw nila ako ipapagamot.

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon. Pero agad na bumagsak ang balikat ko ng hindi sya ang pumasok kundi si Mama.

"Anak, Bat ka bumangon? Pano kung mabinat ka?"Nag aalalang tanong nya at inilagay ang hawak na tray na may pagkain.

"Im fine... Ma, Gusto ko syang makita.."Mahinang sabi ko.

Ilang sigundo syang hindi nagsalita at maya maya pa ay umupo sa gilid ng kama.

Noong una akala ko hindi nya ako papayagan dahil sa kalagayan ko.

"Sige. Pero ito na ang huli at magpaalam kana dahil inayos ko na ang mga dapat gawin para makaalis na tayo bukas."

Napaangat ang ulo ko. Tumango lang ako at ngumiti.

Gusto ko na talaga syang makita sa huling pagkakataon.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon