41

10.8K 193 1
                                        

Its been an hours mula nang makaalis ako sa office ni manager anne. Nagpahatid ako kay andru dito sa condo ni fergus, Kaya naman ay inimbitahan ko syang pumasok. Nandito ako  ngayon sa sala,kakatapos  ko lang magluto, Samantalang sya naman ay nagmamasid masid sa paligid. Hinayaan ko lang dahil mukhang manghang mangha sya sa mga nakikita. Akala mo ngayon lang nakapasok ng mamahaling condo ang bakla.

Gusto ko kasing may kasama ngayon lalo na't walang fergus ang dadating mamaya dahil nasa korea ito ngayon. Nalulungkot lang ako sa tuwing iniisip na hindi ko sya makakatabing matulog mamaya, kahit walang nangyayari samin netong buong linggo ay tinatabihan naman ako neto. Baka bukas pa ito makakabalik. Kahit wala itong sinasabi sakin na hindi ito makakauwi mamaya, kaya naman ay nag isip ako ng positibo.

Iniisip ko nalang dahil sa pagod ay nakalimutan nya itong sabihin sakin.

"Wow, Grabe ang ganda naman ng view dito, bakla!"napabaling ako sa kanya na nakatingin sa papalubog na araw. May hawak itong cellphone at nagseselfie. Napailing ako .Isa rin tong OA.

Well maganda talaga ang nakuhang pwesto ni fergus. May sliding door  sa gilid ng sala at pag binuksan mo iyon ay bubungad sayo ang mini garden na ginawa ko. May dalawang klase ng rosas ang nakapaligid doon, nakalagay ito sa paso. Puti at pula. Mabuti nalang at hindi namatay. Kaya naman ay palagi kong binubuksan ang slidding door sa t'wing nasa sala ako. Umaalingasaw kasi ang amoy neto na nagpapakalma sakin. At makikita mo rin  ang papalubog na araw.

Dito ko nalang kaya sya patutulugin ngayon? Tutal wala akong kasama mamaya, walang fergus..matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko nang biglang pumasok sa isip ko iyon.

"Dito ka-"

"Namimiss na siguro ako ni manager anne, pinapabalik na ako eh."Pagpuputol nya sa sasabihin ko saka sya malanding tumawa. Nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko pa nga nasasabi ang gusto kong sabihin ay wala na agad akong pagasa."May sinabi ka ba?" pagpapatuloy nya.

"Sabihin mo nga sakin, Nagpapanggap ka lang bang bading ha? At lalaki ka talaga?"i said while glaring at him or her.

"Wag ka ngang magmura dyan"nandidiring sabi nya.

Napatawa ako, sa t'wing sinasabi ko kasi na lalaki sya ay kaagad nyang sinasabi ay wag daw akong magmura.

"O, Sya. Maka alis na nga..Pinapagalitan na ako ng manager mo..btw, wag mong kakalimutan ang binilin ng doctor sayo, bakla."pagpapaalala nya.

Ipinatawag ni manager anne ang doctor ko para raw macheck up ako at si baby. May mga ibinilin ito para maging healthy si baby ko.

"Ofcourse, thanks for coming."panunukso ko habang hinahatid sya papuntang elevator. Tinarayan nya ako saka bumulong nang salitang 'nakakakilabot talaga ang bagong almira ngayon.'

Napatawa ako saka muling pumasok sa condo. Kahit papano ay nawala ang lungkot na nararamdamnan ko. Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock.5:40 Pm na, kadalasan ay nandito na sya t'wing ganitong oras.

Mabibigat ang bawat paghakbang na ginawa ko habang papunta sa kwarto namin ni fergus. Dumaretsu ako sa banyo para muling maligo. Ilang minuto lang ang tinagal ko don saka muling lumabas ng banyo para makapagpalit na.

Ngunit halos mapatalon ako sa gulat ng may pamilyar na bulto akong nakita. Naka upo ito sa gilid ng kama paharap sa pinto ng banyo. Magulo ang buho neto at may namumungay na kulay abong matang nakatingin sakin.

Unti unting bumilis ang pagtibok ng puso ko, kasabay ng pagwawala ng sistema ko.

"Im sorry im late."malambing na sabi nya.

Napaawang ang bibig ko at mabilis na nilakad ang distansyang natitira at mahigpit na niyakap sya. Naramdaman ko ang bahagyang pagpulupot ng kamay nya sa bewang ko para mas mapalapit ako sa kanya. Rinig na rinig ko ang malalakas na pagpintig nang puso ko.

FERGUS HYE : INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon