Nakangusong pilit na nakinig siya sa mga pinag-uusapan ng mga ito habang nakasandal sa upuan katabi ni Blake. Kaya lang kahit anong gawin niya ay wala naman siyang maintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Wala naman kasi talaga siyang balak maging businesswoman noh. Napatitig nalang tuloy siya sa kanyang katabi na halatang seryoso habang nakikinig. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang nakatitig dito. He looked hot. Sinfully hot with those eyeglasses on his pretty dark eyes.
"Staring is rude, baby. Don't you know that?" Nakangising bulong nito sa kanyang punong tenga. Namumulang nag-iwas siya ng tingin dito para lamang magulat na nakatingin na pala lahat ng board members sa kanilang dalawa. Nanunudyo ang mga tingin na iginagawad ng mga ito sa kanila at hindi niya maiwasang mapairap dahil sa kahihiyan.
"Continue, gentlemen. Don't mind us here." Anang Blake sa malakas na boses. Ipinulupot pa nito ang kamay sa kanyang beywang na ikinapitlag niya.
"Alisin mo nga yang kamay mo, Blake. Focus on the meeting, will you?" Aniya sa mahinang boses. Ngunit imbes na sundin ang sinabi niya ay lalong hinigpitan lang nito iyon at isinandal pa ang ulo sa braso niya. Napatakip nalang siya ng kamay sa kanyang mukha. Bakit ba ang hilig nitong mag PDA? Nakakahiya na talaga. Lalo na nung halikan siya nito bigla at wala siyang nagawa kundi halikan din ito pabalik.
"What can you say, Mr. Bryan?" Anang presentor sabay baling ng tingin sa kanila. Halos sabay-sabay pa ang mga itong napatingin sa gawi nila kaya wala na siyang nagawa kundi magkunwaring wala siyang pakialam kung nakita ng mga ito ang paghahalikan nilang dalawa.
"It's good. Just give that to me later and I'll see what I can do." Anang Blake na halatang wala ding pakialam kahit nadatnan sila sa di kaaya-ayang sitwasyon. "Meeting adjourned." Anito at sabay-sabay na napatayo ang mga board members at agad ding lumabas pagkatapos makapagpaalam sa kanila. Naiwan tuloy silang dalawa doon sa loob.
"Ang harot mo." Hindi mapigilang saad niya dito na nakangising nilapitan lang siya. Tinaasan niya ito ng kilay nang agad itong yumakap at ibinaon ang mukha sa balikat niya.
"I'm sleepy, baby."
"It's your fault anyway. Ang landi mo kasi." Aniya habang iniirapan ito.
"Sayo lang naman ako malandi, baby."
"Whatever."
"You don't believe me?"
"I don't even know your past relationship. Malay ko ba kung ganyan kadin kalandi pagdating sa kanila." Nakaismid na humiwalay siya sa pagkakayakap nito bago tumayo may kalayuan sa pwesto nito. Mahirap na at baka landiin na naman siya nito. Mahina pa naman siya pagdating dito.
"I don't do relationships before,baby. Only with you." Seryosong saad nito bago naglakad palapit sa kanya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at dinampian ng halik ang labi niya. "Let's go home?"
"Wala ka nang trabaho?"
"I'm sleepy, baby. And I'm the boss. I don't need to report to work always. The company will live kahit hindi ako papasok." Napatango nalang siya at tahimik na nagpaakay dito palabas ng conference room. Saglit na may ibinilin lang ito sa sekretarya nito na kanina pa niya napapansing nakatitig sa kanya.
"Do you need anything,miss?"Aniya sa malamig na boses. Nanlalaki ang matang napailing ito sabay baling kay Blake na nakatingin nadin sa kanila.
"What is it, baby? Is there any problem here?"
"Wala naman, baby. Kanina pa kasi siya nakatingin sa akin that's why I ask her."
Agad namang binalingan ng tingin ni Blake ang namumutla nitong sektetarya.
"You have a problem with Bleau, Miss Reyes?""Wa-wala naman boss. Pasensya na po. Nagagandahan po kasi ako kay Miss Bleau. At saka fan po siya ng nakababatang kapatid ko." Nahihiyang nagyuko ito ng ulo na ikinangiti niya.
"You want to have a picture with me then?" Aniya na nagpaangat ng mukha nito.
"Pwede po ba?" Nakangiting tinanguan niya ito at agad kinuha ang cellphone nito at inabot kay Blake.
"Take a picture of us, baby." Nakasimangot na kinuhanan naman sila nito ng picture. Ngiting-ngiti na pinirmahan narin niya ang magazine na dala nito na agad nitong tinago.
"Maraming salamat po talaga, Miss Bleau! Ang bait-bait niyo po!"
"No problem. And say hello to your sister." Aniya at agad nang hinila ang nobyo na hindi na maipinta ang pagmumukha. Kahit ng palabas na sila sa kompanya nito ay nananatili parin ang simangot sa mukha nito.
"You okay there, baby?" Basag niya sa katahimikan nang nasa biyahe na sila.
Napairap nalang siya dahil hindi man lang siya nito sinagot. Napahalukipkip nalang tuloy siya at ipinikit nalang ang kanyang mga mata. Tinatamad siyang makipag-away dito. Puyat at pagod pa naman siya.Naalimpungatan siya nang maramdaman niyang may dumampi sa labi niya. Blake's face welcomed her sight.
"Hi there, baby! Dinner's ready." Nakangiti na ito habang nakatitig sa kanya. Hindi na siguro tinotopak.
"Dinner?Anong oras na ba?" Aniya at naupo ng dahan-dahan. Napatingin siya sa orasan sa itaas ng pader. Pasado alas siyete na pala. Ilang oras din pala siyang nakatulog. "Did you cooked?"
"Yes,baby. Come on. I cooked your favorite food." Inalalayan siya nito patayo at halos mapasigaw siya nang mapansin ang kanyang suot. She's not on her bestida already. Nakat-shirt na siya ngunit panty lamang ang pang-ibaba niya. Namumulang tinitigan niya si Blake na nakangisi lang sa kanya.
"I didn't do anything wrong, baby. Pinalitan ko lang ang damit mo. I don't want you to feel uncomfortable while sleeping."
"Tss. Maniwala akong hindi mo ako minanyak." Nakasimangot na sinuot nalang niya ang kanyang tsinelas at dumiretso na sa dining room. Napangiti siya nang makita ang nakahain doon. Her all time favorite adobong baboy and grilled shrimp. Natatakam na tuloy siya.
"You really cooked this one, baby?" Nagniningning ang matang tinitigan niya pa ang mga iyon. Naupo naman ito sa harap niya at malaki ang ngiti na iginawad sa kanya. Gusto niya tuloy itong paghahalikan dahil sa tuwa. And kissed him she did. Awang ang labi at di makapaniwalang napatitig ito sa kanya.
"Damn, baby! Sana araw-araw nalang kitang ipinagluluto." Nakangising ipinagsandok siya nito ng kanin at ulam na ikinangiti niya ng malaki. Ang sweet pala ng isang Blake Bryan. Ang swerte niya. Agad siyang sumubo niyon at gusto niyang mapapikit dahil sa sobrang sarap niyon.
"Ang sarap nito Blake! Sobra!"
"Talaga?"
"Yhup."
"Mas masarap pa sa akin?" Nakangising tanong nito at halos mabulunan siya dahil sa sinabi nito. Tinitigan niya ito ng masakit na ikinangiti lang nito.
"You're such a pervert, Blake! Pagkain ang pinag-uusapan natin dito!" Namumula at parang mahahighblood na singhal niya dito.
"Pwede din naman akong maging pagkain ah! Kinain mo nga ako eh!" He chuckled making her face flushed.
Oh my God!
How dare him say that she ate him? This is one hella embarrassing!Ang manyak talaga nito!
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Bittersweet Revenge
RomantikTwo persons with different reasons. She came back with a revenge.. He came back for a friend. Bleau and Blake's story!