Chapter 32

28.4K 686 3
                                    

Pupungas-pungas na bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga nang makarinig siya ng malakas na katok sa kanyang pintuan. Nakangusong inayos niya ang kanyang sarili bago iyon tinungo. Her mouth gaped wide open when she saw Blake standing on her doorway.

"Baby?"She squeaked as she hugged him tight. Namiss niya talaga ito. Isang linggo lang itong nawala but it seemed like forever.

He chuckled as he closed the door and carried her inside. Kinandong siya nito at pinatakan ng halik ang kanyang nakaawang na labi. She closed it upon remembering that she just woke up.

"I'm sorry I just woke up. I think I smell and look awful, baby."

He grinned at her.

"I still love you though."

Namumula ang mukhang kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at pabirong tinampal ang dibdib nito.

"So you mean mabaho talaga ako ngayon at pangit?"

Umiling ito at ibinaon ang mukha sa leeg niya. Napaupo siya ng tuwid habang pinapakiramdaman ang mahinang paghinga nito sa kanyang leeg.

"I'm so tired, baby. I've been so busy this week. But I miss you that I had to go back here."

"Really, Blake? O gusto mo lang talagang malaman kung bakit umalis ako sa fashion show?" Taas-kilay na saad niya habang nangingiti.

Inalis nito ang pagkakabaon ng mukha sa leeg niya.Umangat ang tingin nito sa kanya.

"And that too, baby. You haven't mention it to me anyway. Bakit ka nga ba umalis? Is the rumors true then, baby?" Kunot-noong tanong nito.

Umalis siya mula sa pagkakandong dito at tinungo ang kanyang kwarto. Nakasunod lang ito sa likod niya. Binuksan niya ang drawer sa sidetable at kinuha ang isang bagay at agad inabot dito. Napakurap ito at nakaawang ang labi habang nakatitig sa inabot niyang pregnancy test result.

"Damn! So, you're really pregnant, baby?" He muttered teary-eyed. Inabot nito ang pisngi niya at dinampian siya ng masuyong halik sa labi.

Mangiyak-ngiyak na tumango siya at niyakap ito ng mahigpit. Nakangusong inangat niya ang tingin dito.

"Sinadya mong buntisin ako noh?"

Natatawang hinalikan nito ang kanyang nakangusong labi.

"I am that desperate, baby. I'm not sorry too.I don't wanna see you on runway wearing flimsy clothes."

"Sana naghanap ka ng hindi modelo!" Aniya habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon nito.

His side lips quirked up.

"I can't. My heart already found you, baby. Might as well do something to stop you from showing your body in public." Nakangising saad nito at pinangko siya paupo sa kanyang kama. Napailing nalang siya habang pigil-pigil ang kilig dahil sa isinagot nito.

"Aren't you hungry, baby?" Anito habang inaayos ang nagulo niyang buhok. She smiled as she listened to the fast beating of their hearts. "Do you want me to cook for you?"

"Yes,please?"

"What do you want for dinner then?" Inayos nito ang pagkakapangko sa kanya at binuhat siya palabas ng kanyang kwarto. Maingat na inilapag siya nito sa high chair bago inayos ang mga gagamitin nito sa pagluluto.

"I want pancakes, baby."

His browse creased as he looked at her. Napailing ito na ikinasimangot niya.

"You're asking me what I want,right? Gusto ko nga ng pancakes,baby."

"For dinner, baby. You can eat pancakes tomorrow or later after dinner."

"But I really want pancakes now!" Naiinis na sigaw niya.

"Fine. Fine. You don't have to shout you know." Anito na halatang pinipigilan lamang ang inis para sa kanya.Nakaismid na pinagmasdan niya lang ito habang gumagawa ng pancakes na gusto niya.

"Add more syrup, okay?"

Tumango lang ito at seryosong ipinagpatuloy ang ginagawa. As if ang hirap-hirap gumawa ng pancake. Ilang minuto lang ang lumipas ay tapos na ito sa ginagawa nito. Nakapagsaing narin ito at nakapagprito ng manok. Yun lang naman kasi ang available sa ref niya. Hindi pa kasi siya nakakapag grocery dahil tinatamad siyang lumabas at iniiwasan niya ring makasalamuha ang media. Baka mapano pa sila ng baby niya.

Takam na takam siya sa kanyang kinakain at hindi pinansin ang pagsulyap-sulyap nito sa kanya. Pinipilit din siya nitong kumain ng kanin ngunit ayaw niya lang talaga. Busog narin naman siya sa ilang piraso ng pancakes na nasa harapan niya.

"I'm going to buy food stocks tomorrow, baby. Sasama kaba?" Anito mayamaya pagkatapos ligpitin ang kalat nila. She wanted to do the dishes but he insisted. Ayaw niya namang makipag-away pa dito. And besides, tinatamad talaga siyang gumalaw-galaw ngayon. All she wanted to do was curled up to bed and eat what she wants to eat.

Tumango lang siya at nagpaalam ng mauuna siya sa kanyang kwarto. She'll just brush her teeth and wash herself. Inaantok na naman kasi siya.




She's just wearing a black halter dress and flat shoes. Her face is bare. Hindi na kasi siya naglagay ng make-up dahil kinatamaran narin niya. She's still pretty anyway. She doesn't need make-up to be called pretty. Dinampot na niya ang kanyang bag at sumunod na kay Blake na kasalukuyang nakatayo malapit sa pinto. She raked his body appreciatively. Napangisi siya. Ang ganda lang talaga ng katawan nito.Ang gwapo-gwapo pa. Sana lang magmana ang anak nila dito.

Ikinawit niya ang kanyang kamay sa kaliwang braso nito habang naglalakad sila patungong elevator. Mga limang tao pa ang nakasabay nila sa loob ng elevator na pawang alam niya na nakatitig sa kanilang dalawa. Napakibit-balikat lang siya nang marinig niyang pinag-uusapan sila ng mga ito. Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ni Blake na ikinangisi nito. Hinapit siya nito palapit at dinampian siya ng masuyong halik sa labi.

Kahit na nung nasa supermarket sila ay todo-bantay parin ito sa kanya. Aside from their bodyguards na alam niyang nasa paligid lang nila. Kunot-noong dinampot niya ang ilang karton ng ready to made pancakes at agad iyong inilagay sa cart na kasalukuyang tulak-tulak naman nito.

"Pancakes again, baby?"

"I'm craving for it, Blake." Aniya at dumiretso sa estante ng mga chocolates. Her comfort food. May nakasalubong pa siyang dalawang teenagers na napatunganga nalang sa harapan niya. Nagtutulakan pa ang mga ito na ikinataas ng kilay niya.

"Ah-ahm Miss Bleau! We're bestfriends and we are one of your fans.Can we have a picture with you?" Halatang kinakabahan pa ito habang mahigpit na nakahawak sa bestfriend nito.

"What's wrong,baby? Is there any problem?" Anang Blake na sumulpot sa likuran niya. Napangisi nalang siya nang makita ang lalong pagkatulala ng dalawa nang makita ang nobyo niya.

"Nothing, baby. They just want to have a picture with me."

He just nodded as he stared at the two teenagers in front of her. Nahihiyang nagbaba ng tingin ang dalawa. Kinuha nito ang cellphone ng dalawa at taas-kilay na sinenyasan para tumabi sa kanya.

"Just hurry up. We don't want to create a scene."

Dali-daling tumabi naman ang dalawa sa kanya at ngiting-ngiti habang kinukunan sila ng picture ni Blake. Napangisi nalang siya habang nakatitig sa nakasimangot nitong mukha. He's really not fond of taking pictures.

"Thank you so much! You look good together." Nagniningning ang matang saad ng isa. Blake's sidelips quirked up. Halatang nagustuhan ang sinabi ng teenager. Napatango lang ito at agad siyang hinawakan paalis. Kumaway lang siya sa dalawa na siyang-siya na kumaway pabalik.

"Are you done,baby?Or you have anything else to buy?" Hawak-hawak siya nito sa beywang habang inaalalayan siya. He's extra sweet and caring. Maybe it's because she's pregnant. But she won't deny that she's loving this side of him.

Tinanguan niya ito at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. She smiled at him.

"Let's go home, baby."

He smiled back and nodded.



Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon