Chapter 34

28K 655 6
                                    

Philippines

Nakangusong nakaharap siya sa kanyang mga magulang habang sinsermunan siya ng mga ito ukol sa kanyang pagbubuntis. Ang sakit na nga ng tenga niya sa sobrang pakikinig sa mga hinaing ng mga ito. Inayos niya ang pagkakaupo nang titigan siya ng masakit ng kanyang mommy.

"Ilang buwan na ang dinadala mo, Bleau?" Masungit na saad nito habang nakakapit sa braso ng daddy niya.

"Mahigit dalawang buwan na mommy." Aniya sa mahinang boses. She then touched her baby bump and smiled. Hindi niya tuloy maiwasang maexcite sa pagbubuntis niya.

"So, anong plano niyong dalawa ni Blake?" Her dad interjected. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
Napalunok siya at napangiwi.

"I- We haven't talk yet about that, daddy. Masyado pa po kasi siyang busy sa trabaho."

"At kailan siya hindi magiging busy?Kapag malaki na ang tiyan mo?" Walang kangiti-ngiti paring saad nito.

"Hindi naman po siguro ganun,daddy." Anas niya sa mahinang boses.

Napailing lang ito at agad ring tumayo bago sinundan ng kanyang mommy. Napangiti nalang siya ng mapait. Alam naman niyang disappointed ang mga ito sa kanya dahil nabuntis siyang hindi pa kasal. She heaved a deep sigh as she checked her phone. Wala man lang text galing kay Blake. Malungkot na tinungo niya ang kusina at binistahan ang kanilang refrigerator. Agad niyang kinuha ang pancakes at ininit. Sarap na sarap na siya sa kanyang kinakain nang tumunog ang kanyang cellphone.

Blake calling

Ibinaba niya ang kinakaing pancake at nakangiting sinagot ang tawag.

"Hi baby!" She cheerfully greeted her boyfriend.

Hi! How's your day, baby? Have you eaten already? Came his baritone voice she loves to hear.

"Yes, Blake. Actually I'm eating pancakes now." Aniya habang tumatango-tango pa na parang nasa harap lang niya ang kanyang kausap.

Good. I'll see you later at seven, okay?I'll pick you up, baby. I love you! Bye!

"Okay. I love you too, baby."

Nakangising inubos niya ang natirang pancakes at agad na tinungo ang kanyang kwarto. She's excited for their date later. Minsan lang naman kasi itong mag-aya ng date. He's not the sweetest boyfriend but it doesn't really matter. What's important is they are both in love with each other.




"Hi!" Nakangiting bati niya sa kanyang nobyo nang mapagbuksan niya ito ng pinto. He looked so sleek wearing just a simple white button down shirt paired with maong pants. Parang overdressed nga siya. Napatingin siya sa kanyang suot na damit.Her red dress flowed freely on her body.

"Hi baby!" He grinned as he inched closer and dropped a soft kiss on her lips. "You looked beautiful!"

She rolled her eyes at him.

"I know right." Aniya at agad kumapit sa kaliwang braso nito. Napailing nalang ito at nagsimula naring maglakad patungong kotse nito na nakaparada sa harapan ng bahay nila. He opened the car door and guide her inside.Agad din itong nagmaneho paalis.Panaka-nakang tumatango lang ito habang walang tigil siya sa pagkukuwento ng mga pinagdaanan niya bago pa siya maging modelo. Napasimangot nalang tuloy siya at tumahimik nalang. He seemed uninterested anyway. Sayang lang ang laway niya.

"Why did you stop talking, baby?" Anito bago siya saglit na binalingan ng tingin.

"You're not listening anyway." Nakangusong saad niya habang nilalaro ang cellphone niya.

"I am,baby. Continue talking, please? I love hearing your sweet voice."

"Tss. Huwag na nga. Just continue driving, baby. Tinatamad narin naman akong magsalita." Aniya at inihilig ng mabuti ang sarili sa sandalan.






Kunot-noong napakapit siya ng mahigpit sa braso nito nang makarating sila sa restaurant. Tinitigan niya si Blake nang mapansin ang pamamawis sa noo nito. He looked pale. Is he sick?

"Are you okay, baby?"

"Huh?"

"Ang sabi ko okay kalang ba? You look pale." Binitiwan niya ang braso nito bago taas-kilay itong hinarap.

"I'm fine, baby. Medyo naiinitan lang." Nakangiwing saad nito bago siya hinawakan at iginiya patungong gilid na bahagi kung saan kita ang magandang pagkakadisenyo ng buong bahagi ng restaurant. Kahit nakaupo ay pinagmamasdan niya parin ito dahil lalo lang ata itong pinagpawisan. Hindi naman mainit. Gosh! Don't tell me he's suffering from stomach pain.That would be so gross. Napangiwi siya habang nakatitig dito.

"We can cancel this if you're not feeling well, baby."

Napailing lang ito bago nagtawag ng waiter. He tried to smile but it turned out sour. Kibit-balikat na nag-order nalang din siya dahil nagsisimula ng magreklamo ang tiyan niya.Bawal pa naman siyang magutom. Ilang minuto lang ay nakanganga na siya habang nakatitig sa masasarap na pagkain sa kanyang harapan. And before she knew it, she's already pigging out.

"Dahan-dahan, baby." Puna nito sa pagkain niya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglamon. Kung makikita lang siguro siya ng bestfriend niya, siguradong pagtatawanan siya nito. Wala na siyang ka finesse- finesse. Ang importante sa kanya ay healthy ang magiging baby nila ni Blake.

"I'll just go the restroom, baby." Anito maya-maya sa kanya.

"Okay." Aniya at inubos nalang ang natirang pagkain sa plato niya. Konti nalang naman kasi. Sayang naman kung hindi niya uubusin. Pinunasan niya ang kanyang labi at inayos ang kanyang sarili. Napanguso siya habang hinihintay si Blake. Ang tagal ata nitong bumalik. Akmang tatayo na siya nang marinig niyang tumugtog ang kantang sobrang pamilyar sa kanya. Ang theme song ng Princess Hours na nakahiligan niyang panuorin habang nagsesenti siya. She's humming to the song when she spotted Blake from the crowd holding a bouquet of her favorite flowers. Napakurap siya habang nakatanaw sa mabagal nitong paglalakad patungo sa kanya. Her heart started beating erratically as she stared at his handsome face.

"You don't have to search no more coz I am someone who will love you for sure......" He continued singing as he inched closer. He still looked pale but there's determination masked on his face now.
Nakangiting inabot niya ang bouquet ng bulaklak na ibinigay nito.

"You know I'm not sweet,baby.I'm trying ngunit ito lang talaga ang nakayanan ko.Pagpasensyahan mo na." Nahihiyang napakamot pa ito sa batok na ikinatawa niya. Napatikhim ito at seryosong tinitigan siya. His dark eyes bored into her.

"I've been a total jerk to you baby. I know I don't deserve you. But I just can't imagine life without you. I'm ready to be a husband and a father now, baby. Will you stay with me for always? Will you marry me?"

Her throat constricted when he kneeled down in front of her holding a beautiful ring. She heard the gasps and ohs of the people inside the resto but she was too shocked and happy to mind them. Napatango siya habang naiiyak na sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.

"Yes! Yes, baby. I'll definitely marry you."

Napamura ito ng malakas bago isinuot ang singsing sa daliri niya. He then kissed her hard not minding the happy chants and applause of the people around them. She smiled as she kissed him back. Who cares about having a scandal? She's marrying this man anyway.

Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon