Prologue

72K 1.1K 9
                                    

New York City

Hindi nag-angat ng tingin mula sa binabasang Vogue magazine si Cyler. Alam naman niya na ang boyfriend niya ang pumasok dahil sa pamilyar na pabango nito.

"Bleau, I want out." Mahina nitong saad at sapat lamang na marinig niya.

Nag-angat siya ng tingin. Tiniklop niya ang binabasang magazine. Dahan- dahan siyang tumayo at nilapitan ito.

"What did you just say? I think I misheard it." She managed to say in a whisper.

He faced her with a serious expression on his face.

"I want out of this relationship, Bleau. I think we're not meant for each other."

Hinamig niya ang sarili bago galit na hinarap ito.

"You don't mean it, Carlsen! Tell me you're joking!" She half- shouted at him.

"I'm sorry, Bleau... But-

Hindi na niya pinatapos ito sa kung anuman ang sasabihin nito. Natulala ito saglit sa lakas ng pagkakasampal niya dito.

"Bleau.."

"You cheated on me, bastard!"

"I didn't Bleau." Anito habang napapailing. "Kasalanan ko bang nawala ang pagmamahal ko sa iyo?"

"So, that's it!! You fell out of love? What a jerk!"

"I'm so sorry, Bleau. Murahin mo man ako at sampalin ng ilang beses ay hindi mababago nito ang katotohanang hindi na kita mahal."

Sinampal niya ito at pinagsusuntok ang mukha at katawan nito. Wala siyang pakialam kung masaktan man niya ito. Bagay lang iyon dito dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Stop it!" Pigil nito at hinawakan ang mga kamay niya.

"Damn you, jerk! Leave!" Nangangalaiting sigaw niya sa boyfriend niya. Nope. Scratch that. Ex-boyfriend na pala.

"Bleau, I'm sorry..I-

"I said, leave!! Go to hell you fucking asshole!" Wala na rin siyang pakialam sa kung anu-anong mga salita na lumalabas sa bibig niya. She's mad as hell. Wala ng pigil-pigil. Sasabihin niya ang kung anuman ang gusto niyang sabihin.

Napayuko ito at tumalikod. Pero bago ito lumabas ay nagsalita ito.

"I'm sorry again, Bleau. Someday you'll understand what I've done. Kung magmamahal ka ay malalaman mo rin ang nararamdaman ko. A relationship without love anymore is nothing. Sayang man ngunit hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon kong ito."


Pagkaalis nito ay napasandal nalang siya sa pader ng kanyang apartment. Nanghihinayang siya sa isang taon na relasyon nila. She thought he's the one for her. Akala lang pala niya. Because she's not the one for him.


You'll pay for this, Carlsen! You and the woman you'll love will surely pay for this ! Pangako niya sa sarili.










**

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon