Chapter 20

25.9K 605 6
                                    

Dahan-dahang nagmulat siya ng kanyang mga mata para lamang mapatda sa isang pares ng mata na matiim kung makatitig sa kanya. Napakurap-kurap at namumulang inayos niya ang pagkakapulupot ng kumot sa katawan niya.

"You don't need to play conservative in front of me,baby. I own you anyway." Nakangising naglakad ito patungo sa kanya at agad nitong ipinulupot ang mga braso sa katawan niya. She shivered at the touch of their skin. Tiningala niya ito para lamang mapalunok sa gahiblang pagitan ng mga mukha nila.

"You're gorgeous even without make-up, huh? No wonder almost all guys in the world like you. Too bad you're mine already. " He hissed as he kissed the base of her ear before he dropped a soft kiss on her lips. "Dress up, baby. I'll see you in a bit." Anito at agad na lumabas ng kwarto. Naiwan siyang tulala habang nakahawak sa kanyang dibdib. Pinakikinggan ang malakas na tunog niyon. She heaved a deep sigh. Ito lang talaga ang nakakapagbilis ng tibok ng puso niya.

Dali-daling naligo lang siya at nagsuot ng isang halter blue dress. Inilugay niya lang ang medyo basang buhok at naglagay ng isang light make-up sa kanyang mukha. Nang makontento sa kanyang hitsura ay agad niyang dinampot ang kanyang bag at cellphone na  nakapatong sa isang mesita.

Nadatnan niya si Blake na nakatayo malapit sa pintuan habang kunot na kunot ang noo na nakatitig sa kawalan. Napatikhim siya para makuha ang atensyon nito. Agad siyang naglakad patungo dito at hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. His stare was so intense and dark that she couldn't help but feel uncomfortable.

"Your dress is too short and revealing,baby. It will attract too much boys." Anito bago siya hinapit at binigyan ng isang makapugtong-hiningang halik habang naglalakbay ang kamay sa kanyang katawan. Napakagat-labi siya nang bitawan siya nito pagkatapos ng halik na kanilang pinagsaluhan.


"You'll be fine as long as you stay beside me. Huwag kang pasaway, okay?" Hinigit siya nito palabas pagkatapos nitong sarhan ang pinto. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang beywang habang pababa sila sa groundfloor. Nakadikit lang siya dito lalo na ng dumami ang tao sa loob ng elevator. Nasa bandang likod na sila at feeling niya ay masusuffocate na siya. Ang ingay-ingay pa ng mga tao na nasa harapan nila.

At halos itago na niya ang sarili sa likod ni Blake nang makilala siya ng kakapasok lang na tao sa loob ng elevator.

"Oh my God! Si Bleau! Andito si Miss Bleau!" Sigaw ng isang babae at nagsimula nang magkuha ang mga ito ng larawan. Pilit naman siyang tinatabunan ni Blake habang nakaigting ang bagang na sinasaway ang mga tao sa pagkuha ng larawan niya.

"Damn it! Fuvk off, people! You're crowding her!" Galit na sigaw ni Blake na nakapagpaatras sa mga ito. At halos mapasigaw siya sa tuwa nang magbukas na ang elevator sa groundfloor. Hinigit siya nito palapit at iginiya palabas habang agad naman silang sinalubong ng mga guwardiya para protektahan sa mga tao.

"Damn it! Fuck!" Nangangalaiting sigaw nito nang makapasok sila sa sasakyan nito. Nakaigting -bagang at madilim ang mukha na nagdial ito at saglit na kinausap ang nasa kabilang linya bago siya binalingan ng tingin.

"Are you hurt, baby?"

"I'm fine, Blake. I was just shocked because of what had happened." Kiming nginitian niya ito bago inayos ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt. Saglit na ipinikit niya ang kanyang mga mata at kinalma ang sarili. Naririnig niya pa ang pagmumura nito ngunit hinayaan niya nalang ito.

Isang mahinang tapik ang nagpagising sa kanya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. His dark eyes caught hers. She smiled at the sight of his handsome face.

"Hi!"

"Hi, baby! You're still sleepy?" Anito at inayos ang nagulo niyang buhok. Napailing siya at inayos ang kanyang pagkakaupo.

"We're here already?"

"Yes,baby. Are you already hungry?" Anito na tinanguan lang niya. Saglit na binistahan niya ang mukha sa kanyang salamin at inayos ang sarili. Nauna na itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Isinuot niya ang shades at bumaba na ng sasakyan nito. Kunot-noong ibinaling niya ang tingin sa nobyo nang biglang pinalibutan sila ng ilang kalalakihan.

"Who are they?"

"Don't mind them, baby. Come on." Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya siya papasok sa isang kilalang restaurant. Inayos niya ang pagkakatayo nang bumaling ang lahat ng tingin sa kanilang dalawa pagkapasok nila. Tss.
Pinili nilang pumwesto sa medyo tagong parte ng restaurant. Inalis niya ang shades at inilapag iyon sa mesa.

" I'll have grilled boneless bangus, chicken ala king and a glass of fresh orange juice,please?" Aniya sa nakaantabay na waiter. Binalingan naman nito si Blake na kasalukuyang madilim na naman ang mukha. Ewan niya lang kung bakit. She checked her phone and log into her account. Her browse suddenly creased upon reading the headline of the news.

Bleau Robert and boyfriend Blake Bryan, Living in together?

Napailing nalang siya dahil sa nabasa. Inisa-isa niyang basahin ang ibang komento na halos lahat ay negatibo.

Hah! Ang landi naman pala!

Hindi sila bagay! Kami ang bagay ni Blake! #breaknayan

Maldita na! Malandi pa! Pwe!

Hindi na virgin! Hahaha

Napangisi siya sa huling komento. Totoo naman kasi.

"What are you busy of, baby? Are you texting someone?" May inis sa boses na saad ni Blake kaya napaangat ang tingin niya dito.

"I just checked my social media accounts, Blake." Mahinahon ang boses na sagot niya. Ayaw niyang sagarin ang pasensya nito dahil baka maheadline na naman silang dalawa. Nakakasawang makita ang pagmumukha niya na laman ng balita.

Agad niyang nilantakan ang nakahaing pagkain sa harapan niya at binalewala ang nakakapaso nitong mga tingin sa kanya.

"You won't eat?" Aniya nang hindi parin ito kumain samantalang papatapos na siya.

"I'm not hungry, Bleau. Finish your food. May pupuntahan pa tayo." Walang kangiti-ngiting sagot nito habang nakahalukipkip pa sa harapan niya. Kibit-balikat na ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain at pinabayaan nalang ito sa paninitig na ginagawa nito sa kanya.




"Why are we here?" Naguguluhang saad niya nang pumarada ang sasakyan nito sa harap ng malaking building. Tiningala niya iyon at halos mapamura siya nang mabasa ang pangalan niyon.

BB Conglomerates

Siya ba ang nagmamay-ari ng kompanyang ito? Fck! He really is a freaking billionaire.

"I have to attend a board meeting, baby. I need you there with me."

"What?!" Hindi makapaniwalang sigaw niya at agad sumunod sa pagbaba nito ng sasakyan. "Bakit naman kailangan ako doon?"

He just shrugged his shoulders as he grabbed her hand and together they walked towards the entrance of the tall building.

" You don't need me there, Blake. Uuwi nalang ako sa bahay. Or I could just unwind somewhere else or.. "Natigil ang pagsasalita niya nang titigan na naman siya nito ng masama. Nakaigting ang bagang nito at kunot na kunot ang noo na nakatitig sa kanya.

"I told you already that I need you there. You have nothing to do but sit beside me for a couple of hours. Don't argue,baby. I don't wanna be mad at you again. You know what I do when I'm mad,right?" He ranted and she almost rolled her eyes at him. Gago nito! Tinatakot pa talaga siya. Napailing na napatango nalang siya nang mapansin niyang nasa kanila na naman ang tingin ng lahat ng empleyado. She had enough for a day. Ayaw na niyang dagdagan pa.







~~

A/N: Tiis-ganda. Hindi tuloy ako makalakad ngayon. 😢😭😭

Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon