Chapter 18

23.2K 627 5
                                    

Ilang minuto na siyang nakatitig sa sarili niya sa salamin. She's weighing her decision. Kung dadalo siya sa isang party o mananatili nalang sa kanyang kwarto at matulog. She was invited on a birthday party by one of her friend on the modelling industry. Ang problema niya lang ay kabilin-bilinan ng demonyo na hindi siya pwedeng lumabas mag-isa lalo na pag gabi. She wanted to go and meet her friends. She missed them already. But she doesn't want to add fuel to his anger. Nagkasagutan kasi sila bago pa ito umalis patungong ibang bansa for a business conference. Hindi lang siya sure kung kailan ito babalik. She heaved a deep sigh. Bahala na nga.




A loud booming music welcomed her when she walked inside the club. All eyes are on her but it doesn't matter. Taas-noong naglakad siya patungo sa tagong bahagi ng club. Venice's big smile welcomed her sight. Agad siya nitong nilapitan at mahigpit na niyakap. Tinanguan niya lang ang boyfriend nitong nasa likuran nito.

"Happy Birthday,Venice girl!" Nakangiting bati niya dito." I'll just send you my gift."

"It doesn't matter." Agap nito. "Come here. I'll introduce you to my friends." Hinila siya nito patungo sa mga magkakaparehang masayang nagkukuwentuhan. She clapped her hands to catch their attention. Hindi niya tuloy maiwasang mapangisi. She really has her way on the crowd.

"Hello guys!" Bati nito sa malakas na boses."I want you to meet Bleau. She's my friend."

"Hi everyone! Fancy meeting you all!" Pakilala niya habang inisa-isang pilit na tinandaan ang mga pangalan ng mga ito.

"Ang swerte naman namin para makilala ang isang Cyler Bleau Robert. Ang napakaganda at napakaseksing si Bleau. Naghimala ata!"Nakangising saad ng isang lalaki na ikinataas ng kilay niya. Puno ng pagkasuya ang boses nito na ikinairita niya. Is he picking a fight with her? With a lady? What a douche!

"Watch your words, Allen! You don't want me to throw you out in my party, right?" Sabat ng kaibigan niya na matalim na nakatitig na sa Allen guy na iyon.

Natatawang nagtaas ito ng kamay sa ere bago siya pinasadahan ng malisyosong tingin. Nagtagal pa nga ang mga mata nito sa nakalitaw na bahagi ng dibdib niya.Agad na naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig dito.

"Do you have a problem with me? I don't even know you."

"I don't have a problem with you, Bleau. Just calm your tits. I mean no harm." Natatawang saad nito at halos manlaki ang mga mata niya nang biglang lumagapak ang pisngi nito at natumba ito bigla sa sahig.

"Watch your words,asshole! You don't know who you're messing to." Came a baritone voice she perfectly knew. Gulat at nanlalaki ang matang nilingon niya ang lalaking nasa likurang bahagi niya. Madilim na madilim ang mukha nito habang nakatitig sa lalaking pilit itinatayo na ng mga kaibigan nito.

"What's your problem, Blake?!" Nangangalaiting sigaw ni Allen na may dugo na sa gilid ng bibig nito.

"You're harassing my girl, Santainez! Matuto kang lumugar kung ayaw mong mabaon sa hukay ng maaga!" Dumadagundong ang boses na sigaw nito na ikinataranta niya. Nahihiyang tumingin siya sa kanyang kaibigan na hindi makapaniwalang nakatingin lang sa dalawang lalaking nagkakasagutan.

"Aba gago ka pala eh! Bakit? Sino kaba sa tingin mo, Blake?! Hindi mo pag-aari ang mundo! Gago!" Malulutong na mura ang pinakawalan ng dalawang lalaki bago pa ang mga ito nagsimulang magsuntukan na naman. Napaatras siya sa sobrang takot na kanyang nararamdaman.

Oh God! Feeling niya kasalanan niya kung bakit nangyayari ang mga ito. Kung hindi nalang sana siya umalis. Kung hindi nalang sana niya pinairal ang tigas ng kanyang ulo.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang nagsidatingan ang mga bouncers ng club at pinatigil ang gulo. Napapitlag siya nang may humawak ng mahigpit sa kanyang kamay. Napangiwi siya sa higpit niyon. Nakaigting ang bagang nito habang masakit parin na nakatitig sa nagwawalang lalaki.

"Siya ang nauna! Why are you throwing me out?!" Anang Allen sa malakas na boses.

"I want him out of my sight. Now!" Balik-sigaw ng katabi niya na ikinapikit niya. He's one hell of a scary man. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan para sa sarili niya.

Kinaladkad na nga ng mga bouncers ang lalaki na nagpupumilit paring kumawala. Nagsisisigaw pa ito habang binabantaan sila. Bigla tuloy siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan.

"Home. Now!" He barked at her making her jumped on her feet. Hindi makapaniwalang napatitig siya dito. His face now screamed with danger and she couldn't help but paled. Kagat -labing pinilit niyang salubungin ang nagbabaga nitong mga tingin.

"I-I just wanna say-say goodbye to my friend." Aniya sa mahinang boses bago naglakad patungo sa hindi parin makapaniwalang si Venice. Humingi siya dito ng tawad dahil sa pagkakasira ng birthday party nito. Nakokonsensiya parin siya kahit sinabi nitong hindi niya kasalanan. Nakayukong naglakad siya palapit kay Blake na walang kangiti-ngiti ang buong mukha. Napailing ito at agad naglakad ng mabilis palabas ng club. She tried to match with his stride but she can't. Sadyang mahaba ang mga biyas nito at nakatakong paman din siya. Nahihirapan siya tuloy na maglakad ng mabilis.

"Bilisan mo,Cyler Bleau!" He shouted at her. Napairap siya sa hangin dahil sa ugaling ipinapakita nito. Kaya sa sobrang inis na nararamdaman niya. Imbes na maglakad ng mabilis ay lalong binagalan lang niya ang kanyang paglalakad.

"Cyler Bleau!" Sigaw nito na nagpapitlag sa kanya. Nagmartsa ito palapit sa kanya na ikinataranta niya. Kagat-labing binilisan niya ang paglalakad at agad umiwas sa gawi nito. Ni hindi niya pinansin ang pagsigid ng kirot sa kanyang mga paa.

Damn! Siguradong paltos ang inabot niya.

"Fuck it, Bleau! You're really testing my patience,huh?" At halos mapasigaw siya nang bigla siya nitong isinukbit sa balikat nito patungong parking space. She shouted horrified.

"Oh no! Put me down, Blake! Makikitaan ako!"

Tinampal nito ang pwet niya na ikinatahimik niya. Namumula ang mukhang napatakip siya sa kanyang hitsura. Damn! Wala na siyang mukhang ihaharap sa madla. Nakakahiya! This is the most embarrassing moment of her life.

Pabagsak na inilagak siya nito sa sasakyan nito bago siya kinuyumos ng nagbabagang halik. Hindi niya maiwasang mapanganga dahil sa gulat kaya naipasok nito ang dila at ginalugad ang loob ng bibig niya. He's kissing and touching her in a not so gentle manner. Hindi niya tuloy maiwasang mapaungol dahil sa magkahalong sakit at sarap na nararamdaman niya.

"Fuck you, baby! Galit na galit ako sayo!
Galit na galit! "

"I-I'm sorry. I won't do it again. I promise!"Parang batang nanumpa pa siya sa harapan nito pagkatapos ng kanilang halikan. She's still gasping for air but he needs to hear her explanation.
Baka sakaling mapatawad siya nito.

"Do you want my forgiveness, baby?" His face dark as he played with the loose strands of her hair.

"Yes." Aniya sa mahinang boses.

"Are you really sure with that?" He hissed as he inched closer. Her heart started to beat erratically.She closed her eyes. Napatango siya dito.

"Let's get you home,baby and I'll show you." Nagbabaga ang matang anas nito bago pinaharurot ang sasakyan palayo doon. Napakapit siya sa gilid na bahagi ng sasakyan. Kinakabahan sa maaaring kahihinatnan ng paghingi niya ng kapatawaran.

Damn! He just wants his forgiveness. Hindi naman siguro siya nito sasaktan.

Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon