Chapter 31

27.2K 725 14
                                    

"What did you just say, Doc?" Gulat ang mukha at hindi makapaniwalang napatitig siya sa doktor na sumuri sa kanya. Isang linggo narin kasi siyang nakakaramdam ng pagkahilo kung kaya't minabuti na niyang magpakonsulta sa doktor. Hindi rin kasi siya makapagrampa ng maayos dahil palagi siyang nahihilo.Palagi pa siyang sinisinghalan ng lady organizer. Parang himala nga na hindi niya ito inaway pabalik.

"You're nine weeks on the way, Miss Bleau. Congratulations!"

Biglang nabingi siya dahil sa sinabi ng doktora. Bumilis rin ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.Siya? Nine weeks? Ganoon na katagal ang ipinagbubuntis niya? Napakurap siya para pigilan ang sariling maiyak. Realizations always came in late. It explains her eating habit, her being so moody all the time, the dizziness she felt and  her being sexually frustrated.

"You told me you always feel dizzy, right?" Anang doktora na tinanguan lang niya. Her mind is busy wandering. Yes, she's really pregnant. Matatanggap kaya ito ng nobyo niya? Paano kung hindi? Kasalanan din naman kasi nito. Bakit kasi hindi ito gumagamit ng kapote kapag nagtatalik sila?

"You have to take care of yourself, Miss Bleau. Are you feeling a lot of stress lately?"

"Kinda.I'll be on a fashion show so we're kind of busy, doc. Is that a bad thing?" She asked worried for her baby's welfare.

"Yes, it is. You have to avoid stress. It will really affect your baby. It can result to bleeding. You're on your first trimester so you have to be very careful." May inabot itong reseta na tinanggap naman niya. Napahaplos siya sa kanyang maliit pang tiyan. So, her baby is the reason why she's eating too much. She bit her lower lip to prevent herself from crying. Magkakaanak na talaga siya. Magiging mommy na talaga siya. And she just did what she really needed to do. She called her manager and told her that she doesn't want to be part of the fashion show anymore. Ilang mura pa ang natanggap niya galing dito but it doesn't matter to her anymore. Naiintindihan naman niya ito. It's one of the biggest fashion show in the world and it's her dream also to be a part of it. It's a big opportunity for her. But the welfare of her still unborn child is much more important. Mas mahal niya ito kaysa sa pangarap niya.




Bitbit ang plastik na may lamang vitamins ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang hotel room. Maingat na inilapag niya iyon sa mesita bago tinungo ang kanyang kama. Nahiga siya at napatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Pagbalik nalang siguro ni Blake niya sasabihin ang pagbubuntis niya. Bumalik kasi ito ng Pilipinas isang linggo na ang nakakalipas dahil may negosyo itong dapat ayusin at may importanteng tao daw itong kailangang kausapin. Huwag niya lang malalaman na babae ang kinausap nito dahil siguradong malilintikan ito sa kanya. Ganitong magkakaanak na sila ay hindi na talaga siya makakapayag na masulot pa ito ng mga mahaharot na babae. Agad niyang tinungo ang pinto nang makarinig ng malakas na pagkatok. Iniluwa niyon ang bestfriend niyang nakasimangot ang buong mukha. Itinulak niya ito papasok nang hindi man lang ito gumalaw.

"Why did you pushed me?"

"Kasi nakaharang ka sa pinto at sayang ang air-con noh!" Ismid niya at agad kinuha ang pinabili niyang chocolates dito. Napasalampak siya ng upo at binuksan ang telebisyon. Ang bilis talaga ng balita.Sikat na naman tuloy siya. Nakabalandra lang naman ang mukha niya sa TV at naglabasan na ang mga spekulasyon ukol sa ginawa niyang pag-alis sa gaganaping Fashion show.

"Is the news true, Bleau?"

She just shrugged her shoulders and smiled at her bestfriend.






Naputol ang kanyang paghakbang nang marinig ang pangalan ng nobya niya sa grupo ng mga empleyado niyang nagkukuwentuhan ata sa gilid. It's break time so they can do whatever they want as long as it doesn't harm others or the company itself. Napaayos ang mga ito sa pagkakatayo nang mamataan siyang papalapit. Some paled while others just gave him a small smile. Tinanguan niya lang ang pagbati na ginawa ng mga ito.

"Did I just heard Bleau's name?" Kunot-noong saad niya sa mga ito. There are five of them standing in front of him. Two guys and three ladies.

"Pasensya na po boss. Nabasa lang kasi namin sa news na hindi na daw po sasali si Miss Bleau sa gaganaping fashion show sa Paris." A guy named Peter based on his nameplate spoke.

"Is that recent?"

"Yes po, boss. Kakalabas lang po ng balita. Yung manager niya po ang nagconfirm."

He just nodded and say his thanks to them before he left. Naguguluhan siya. Why did she quit? Alam niya kung gaano nito kagusto ang maging bahagi ng ganoon kalaking fashion show. She's always telling him that it's one of her biggest dream. And modelling is her first love. Mahirap talunin ang first love.Kahit ayaw niyang magpakita ito ng balat sa publiko ay wala siyang magawa. Susuportahan naman niya ito. He'll be her number one fan. Ganyan niya ito kamahal.




Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad niyang binuksan ang kanyang cellphone. Agad naglabasan ang mga balita tungkol dito. And he couldn't help but cursed out loud when he read the headline of the news.

Bleau Robert quit upcoming Paris Fashion Show, Pregnant?

George, Bleau's manager just confirmed earlier this morning that the supermodel doesn't want to be a part of the fashion show anymore. Rumors are circulating that she could be pregnant. Some models who are part of the said fashion show have witnessed her dizziness all the time. A source also says that she was spotted going out from a clinic...

Hindi na niya pinatapos ang pagbabasa at agad tinawagan ang kanyang sekretarya para ayusin ang kanyang paglipad pabalik ng Amerika. Pregnant or not, he really needed to talk to his girlfriend. And besides, he already missed her too much. It's just a week but it felt like how many years had gone already. He missed her kisses, warm embrace, and everything about her. Even her rants and their small banters.

"Ayos na po ang lahat, boss. Your flight will be at one in the afternoon." Agad na salubong ng kanyang sekretarya pagkalabas niya ng kanyang opisina. He gave her some instructions before he left his company. Dumaan lang siya sa kanyang condo unit at kumuha ng ilang mahahalagang gamit bago dumiretso sa airport. His teeth gritted when cameras came flashing right before his eyes. Mabilis naman siyang pinalibutan ng kanyang mga bodyguard. The reporters flocked around him and asked him questions that he just ignored. Wala naman kasi siyang isasagot dahil wala naman talaga siyang alam.


Mr. Bryan, is it true that Bleau is pregnant?

Blake! Blake! Here! Just one question, please?

Buntis daw po ang girlfriend niyo. Ano pong masasabi niyo tungkol doon?

Engage na po ba kayong dalawa? Kailan po ang kasal niyo?

He hissed as he walked faster totally ignoring the cameras and their annoying voices. Noise pollution is just so stressful in this country. Sumasakit na ang ulo niya sa sobrang ingay na naririnig niya. Wala pa naman siyang gaanong pahinga dahil sunod-sunod ang meeting na dinaluhan niya. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makalayo na siya sa mga reporters. He heaved a deep sigh as he checked his phone. She doesn't even inform him about her quitting the said fashion show.

He dialled his mom's phone number as he walked towards the boarding area. She finally answered after a couple of rings.

"I want you to find me a wedding planner, mom. Now. I love you. Bye." Aniya at hindi na hinayaang makapagsalita pa ang mommy niya. Ibinaba niya agad ang tawag at pinatay ang kanyang cellphone. A sinister smile formed on his lips. He had been waiting for this moment and this moment should be fucking perfect.





~~

Perfection is just your imagination. Lulubog-lilitaw, parang ikaw. Lels. 🙋😹

Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon