Nakasimangot na pabalik-balik ang kanyang tingin sa mga dumadaang staff at ibang modelo sa kanyang harapan. Kanina pa siya nakaupo doon at kanina pa siya nahihilo sa kakapanood sa mga ito. They're busy preparing for the upcoming fashion show. It's a dream come true for her. Ito kasi ang pinakamalaking Fashion show na sasalihan niya.
"Bleau! Are you ready?" Malakas na tawag ng organizer sa kanya. She just gave her a thumbs up as she walked towards the backstage. Inayos niya ang suot na hapit na jeans at isang white na tank top. Nginitian niya ang mga kasamahang modelo na nasa likuran niya. She'll be opening the show. Kinakabahan siya but she's also excited.
Pagkarinig sa signal ng babaeng organizer ay agad siyang lumabas. She walked tall and proud. Nasa kalagitnaang bahagi na siya ng runway nang makaramdam siya ng pagkahilo. Her steps almost faltered but she tried to hold unto her stance. Poker-faced, she continued walking despite the dizziness she felt. She smiled triumphantly when she reached the end of the runway. Napakapit siya sa gilid ng pader para kalmahin ang kanyang sarili. She breathe deeply. Unti-unting nawala ang pagkahilo na kanyang nararamdaman.
"Are you okay, Bleau? You looked pale." Anang isang modelo na nilapitan pa talaga siya. Worry crossed her beautiful face.
"I'm fine,Aimee.I think I just lack some sleep." Nginitian niya ito bago tinungo ang isang bakanteng upuan. She grabbed a bottle of water and drank from it. She then spotted their organizer walking towards her. Napailing nalang siya. Mukha lang naman itong mangangain ng tao sa hilatsa ng mukha nito.
"What just happened out there,Bleau?!" She shrieked like a freaking banshee.
"I'm sorry,okay? It won't happen again." Napahilot na tuloy siya sa kanyang sentido dahil nagsimulang sumakit na naman ang kanyang ulo. Ang sakit sa ulo naman kasi ng boses nito. Ang tinis kaya nakakainis.
"Of course! It won't! We have less than a month for the fashion show. I want it perfect, Bleau!"
Tahimik na tumango siya para hindi na humaba ang panenermom nito sa kanya. Padabog na umalis naman ito agad sa harapan niya. Napapikit siya nang lalong sumakit ang ulo niya. Wala pa naman siyang dalang gamot para sa sakit ng ulo. She tried to calm her nerves. Tumayo siya at nagpaalam sa kanilang organizer. Tinitigan siya nito ng masakit. She has no time for arguments. Gusto niya nalang na ipikit ang kanyang mga mata at humilata sa kama. Wala din naman itong nagawa sa pagpupumilit niya.
Pagkarating sa hotel na kanyang tinutuluyan ay agad siyang nagpalit ng damit at humilata. She tried to dial her bestfriend's number but it was unattended. She closed her eyes but she heard a loud knock on her door. Tinatamad na tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon. It was Blake looking so handsome as ever. Nakasimpleng white t-shirt lang ito at hapit na pantalong maong. Napaiwas siya ng tingin nang tumagal ang kanyang titig sa gitnang bahagi ng pantalon nitong bumubukol. She cleared her throat and walked away first.Isinara naman agad nito ang pinto at sumunod na sa kanya.
"Kakauwi mo lang, baby?"Masuyong hinapit siya nito sa beywang at kinandong patagilid.
Namumula ang mukha at kagat-labing tumango lang siya dito. She can feel the fast beating of his heart in sync with hers. Iniangat nito ang mukha niya at dinampian siya ng masuyong halik sa labi. He gave her a sweet smile making her blushed profusely. Hindi niya alam but he still has that effect on her. Kinikilig parin talaga siya kapag ito ang kaharap niya.
"Are you hungry already?" Anito at hinigpitan ang pagkakahapit sa katawan niya.
"Hindi pa,baby. But I'm not feeling well. Kanina pa kasi ako nahihilo."
"What?!" Iniangat nito ang mukha niya at tinitigan siya ng mariin. May pag-aalala sa mukha nito habang nakatitig sa kanya.
"Do you wanna go to the doctor, baby?"
BINABASA MO ANG
Bittersweet Revenge
RomansTwo persons with different reasons. She came back with a revenge.. He came back for a friend. Bleau and Blake's story!