Ang akmang paglabas niya ay naantala nang mapatingin siya sa nakaupong pigura ng tao sa labas ng kanyang pinto. Napabuntong-hininga siya ng malalim bago ito tinapik ng may kalakasan sa balikat. Pupungas-pungas na nagmulat ito ng mga mata at napatingala sa kanya. She grimaced upon seeing his face. He really looked wasted.
"What are you still doing here, Blake?Go home now." Aniya habang nakakuros ang dalawang braso sa harapan niya. She then covered her nose to prevent herself from smelling him. He reeked of alcohol that she wanna puke.
"Baby." Anito at dahan-dahang tumayo kaya hindi niya tuloy maiwasang mapaatras dahil sa amoy nito.
"Don't!"Nanlalaki ang matang pigil niya nang akmang lalapitan siya nito. "Don't you dare come near me, Blake! Ang baho mo! Can you just please go home?"
Kunot-noong inamoy nga nito ang sarili habang napapailing. Malungkot ang matang napatitig ito sa kanya bago tumango.
"I'll be back, baby. Sandali lang ako." Anito at dali-daling umalis na parang hinahabol ng sampung demonyo. Naiwan siyang nakasimangot bago bumalik sa loob ng kanyang condo. Nagdesisyon siyang maligo ulit dahil parang dumikit sa kanya ang mabahong amoy nito. Nakakasuka talaga. Lalo tuloy sumama ang pakiramdam niya.
Taas-noong naglakad siya papasok sa isang restaurant at hindi alintana ang mga tingin at usap-usapan ng mga tao sa paligid niya. Dumiretso siya sa isang sulok at prenteng naupo bago nagtawag ng waiter at nag-order. She's really famished. Hindi kasi siya nakapagbreakfast kanina sa sobrang pagmamadali na baka maabutan pa siya ni Blake sa condo niya.
She's already in the middle of her lunch when she felt someone took the seat in front of her. Napatingala siya mula sa pagkakayuko at kunot-noong tiningnan ang taong nasa harapan niya. Her nose flared up upon seeing him again.
"What are you doing here?"Aniya habang pigil-pigil ang sariling sigawan ito. They're in public and she's very much aware that almost all the people's stares are directed to them.
"I told you that I'll be back, baby. Sandali lang akong umalis at bumalik din agad ngunit wala kana sa condo mo. I want us to talk, please?" Puno ng pagsusumamong saad nito at inabot ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa.Tinitigan niya ito ng masakit bago hinablot ang kamay mula sa pagkakahawak nito.
"I don't want to talk to you, Blake. We're done. And please stop following me." Puno ng pagkairitang naglapag siya ng pera sa ibabaw ng mesa bago dinampot ang bag at walang pag-aatubiling iniwan ito.
Abala siya sa kakapili ng bibilhing cake nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Her nose wrinkled at the familiar scent. Napatitig siya sa lalaking katabi niya.
"Aren't you going to stop following me, Blake?"
"I won't, baby. I want us to talk. Please?" Puno ng pagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "I want us back."
"Back your ass, asshole!" She spatted. Inirapan niya pa ito at ibinalik ang pokus sa isang chocolate cake na nasa estante. She really loved chocolates and she's craving for it. Tinuro niya iyon at kiming nginitian ang babaeng nasa harap.
"I want this one, please? Make it two."
"Two slice,ma'am?"
"No. I want a two whole chocolate cake."
"You're gonna eat that all, baby?" Anang bwisit na lalaking katabi parin niya. She just rolled her eyes and pretended that she didn't hear a thing.
Agad na inabot niya ang inorder na cake at binayaran iyon. Dire-diretso lang siya sa pinto nang bigla siyang mapatigil dahil sa binitiwan nitong mga salita kasabay ng pagsinghapan ng mga tao sa loob ng cafe.She just stood there on her own feet dumbfounded. Awang ang labi na nilingon niya ito. He has this serious expression on his face as he walked closer towards her.
"What did you just say?"Aniya sa mahinang boses. Her breath hitched as he closed the distance between them. Napatingala siya sa gwapong mukha nito.
"I love you, baby. I really do."
"No! You're just joking,right?"Natatawa at hindi makapaniwalang saad niya. "Or am I just hearing things?"
Napailing ito at puno ng pagsuyong hinaplos ang pisngi niya. She bit her lower lip to prevent herself from shedding a tear.
"I'm so sorry for hurting you so bad, baby. I don't want to hurt you but I'm being my asshole self again. Please take me back, please?"
"I-I don't know what to say." Napailing-iling siya at humakbang paatras. Napahigpit ang pagkakakapit niya sa hawak na cake. At bago pa ito makalapit sa kanya ay dali-daling lumabas siya ng cafe ng hindi ito nililingon. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang makapasok siya sa kanyang sasakyan. She's still shocked from his confession. Parang kahapon lang ng sinaktan siya nito at pagkatapos aamin itong mahal siya nito? Is he for real?
Dagling pinatay niya ang cellphone nang makita ang pangalan nitong nakarehistro sa screen. She's not yet ready to face him again. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Lalo lang tuloy sumama ang pakiramdam niya dahil sa inamin nito.
Naiwan siyang bagsak ang balikat at nanlulumo sa loob ng cafe. He doesn't care about the pity that he has seen from the eyes of the people inside the establishment. He only cares about her baby. Kung paano na naman siya nito tatanggapin pabalik sa buhay nito. He heaved a deep sigh as he walked towards the exit of the cafe. His phone rung. Walang ganang pinatay niya ang kanyang cellphone bago tinungo ang kanyang sasakyan sa parking lot. He won't give up on her this time. Sisiguraduhin niyang sa kanya parin ang bagsak nito. At sisiguraduhin niya rin na sa simbahan na ang tuloy nilang dalawa.
"What?!He what?!"
Nakangiwing inilayo niya ang cellphone sa kanyang tenga dahil sa sobrang lakas ng boses ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya. Mabibingi pa ata siya.
"Can you just tone down your voice, Britt? Hindi naman kasi ako bingi."
"Fine. But what? Did you just say that he confessed?In a freaking public place,Bleau?"
"Yes, he did."
"And what you did is run away?" Natatawang saad nito. "Aren't you being a coward that time?"
"I was shocked that time, Britt. You don't expect me to believe him on that moment, right?"
"You should let him speak first or explain before you run for your life, Bleau."
"I don't know what to do, Britt. Yes, I was happy that he's in love with me but I was too afraid to believe it. Pinaniwala niya akong may gusto din siya sa akin. Tapos malalaman kong laro lang pala para sa kanya iyon? What if he's just toying with my feelings again? Saan na ako pupulutin? Sa mental hospital? Dahil mababaliw na talaga ako kapag niloko na naman niya ako, Brittany." Mahabang litanya niya na parang nasa harapan niya lang ang kaibigan at nakikinig sa kanya.
"I get it that you're afraid to accept the fact that he's in love with you. But you are a brave lady, Bleau. I think running away is not the best escape."
"I'm not running away, Britt." Aniya na ikinaingos nito mula sa kabilang linya. She pouted. Hindi talaga ito naniniwala sa kanya. "Fine. I am running away this time. I'm just using the fashion show as an excuse." She finally admitted. Hindi naman kasi siya makakapagsinungaling sa kaibigan niya.
"So, when are you coming back here, Bleau?"
"Bukas. I really need to go back there. He's being pesky and I hate it. Naiirita na ako sa pagmumukha niya, Britt."
"Really? Parang nung isang araw lang sinabi mo sa aking gusto mo siyang palaging nakikita." Natatawang saad nito na ikinasimangot niya. Bakit? Wala ba siyang karapatang magbago ng nararamdaman at isip?
"Whatever, Britt." Aniya at pinutol na ang tawag. Pinatay niya ang cellphone at nahiga sa kanyang kama. She has decided. Aalis siya at gagawin niya ang lahat para makalimutan ang nararamdaman niya para rito. He's not the only guy in the world anyway. And she's still young. Makakahanap rin siya ng lalaking hindi paglalaruan ang feelings niya. Hindi gaya ng ginawa ng lalaking unang minahal niya.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Revenge
RomanceTwo persons with different reasons. She came back with a revenge.. He came back for a friend. Bleau and Blake's story!