°A T E M°
"Ano kamusta ang paghahanap nyo?"tanong ng Head master sa limang lalake na kadarating lang galing sa paghahanap.
"Haay ganun parin po wala parin kaming makuhang impormasyon o hint man lang" walang ganang sabi ng isang binata na si Sean ang water guardian.
"Wag kayong mawawalan ng pag asa mga bata mahahanap nyo din sila sa tamang panahon"sabi ni Head master.
"Wew ang corny ng banat mo HM!"natatawang sabi ni Grey ang air guardian "Manahimik ka na nga lang dyan, mabuti pa kumain na tayo!"aya ni Jerson ang Earth guardian.
"Tara na gutom na rin ako eh"sang ayon ni Macky ang Ice guardian. Nauna nang tumayo at lumabas ng Head Master's office si Zach ang fire guardian. Na still poker face parin.
Lahat ng madaanan nilang babae ay halos maglupasay na sa kilig. Malibis na kumalat ang chismis hanggang sa makarating ito sa mga tinatawag nilang Queens.
"Hello Kings!"bati ni Shanell na abot langit ang ngiti. Kumawit pa ito sa braso ni Zach pero wala namang naging reaksyon si Zach. Si Shanell ang nagsisilbing leader ng Queens. At sya ang pinakabully, maarte, bith, slut, etc. Charot okay na yan nasubrahan na.
Kanya kanyang kawit din sa braso ang apat pang tinaguriang Queens. Ito pakilala ko muna silang lahat oara magkaliwanagan tayo.
Shanell Gutierrez- ang leader ng grupo, ang pinaka bully at pinaka maarte. Obsessed na obsessed sya kay Zach. Na halos lahat na ng babaeng lumapit kay Zach ay bubullyhin nya. Kaya wala nang nagtangkang lumapit pa kay Zach.
Irine Baruela- ang conyo sa kanilang grupo, masungit pagdating sa iba pero pag kay Jerson taob na taob sya. Kasi nga obsessed din sya kay Jerson. Lahat naman ng Queens obsessed sa mga Kings.
Tracy Estrada- bully din at obsessed din kay Sean. Todo bantay nga sya kay Sean eh. Bawat minuto kailangan nakikita nya si Sean kundi mababaliw sya jk.
Ellaika Ferrer- isang magaling na actress demonyo yan pag wala ang mga Kings pero pag nanjan akala mo kung sinong Anghel. Obsessed naman sya kay Macky.
Pamela Tiu- ang o so slut din. Pag wala si Grey ibat ibang lalake kasama nyan. Kumabaga makina sya ng mga lalake. At ang bahay kalakal nila kung saan saan na. Pero wala namang output na nabubuo. Maiintindihan mo yan sa tamang panahon. Pero sa mga nakakaalam ede congrats at wag ipagkalat. Yung mga kaklase kung nagbabasa nito. Alam ko, alam na alam nyo to!
So ladies and gentlemens sila po ang tinaguriang Kings and Queens.
°A L E X I S°
Habang kumakain kami ay may panibagong chismis nanaman. Tungkol nanaman sa mga Kings. Nandito na daw ang mga Kings. At lahat sila halos nakatingin saamin. Eh hindi naman kami ang Kings.
"Guys i swear kinikilabutan ako sa mga tingin nila"sabi ni Kyla at bahagyang inakap ang kanyang braso. Kumbaga nagcross arms.
"Hindi lang ikaw noh! Yung iba nga kakainin tayo ng buhay tapos yung iba naman parang pinaglalaruan tayo sa isip nila"sabi naman ni Anne.
"Hayaan nyo nalang sila mga wala lang magawa sa buhay nila yang mga yan"sabi ni Amber habang nagbabasa nanaman ng libro. Hanggang dito dala nya ang libro nya.
Paano ba naman nung time na naggagala kami sa gubat bago kami mapunta dito ay puro libro ang laman ng bag nya. "Wow talagang nag iimprove ka na Amber."nakangiting sabi ni Anne. Napatawa nalang ng mahina si Amber at nagbasa na ulit.
Maya maya pay nakarinig kami ng mga impit na sigaw. Yung mga babae pibipigilan nilang tumili dahil sa kilig. Napatingin kaming lahat sa pinto ng Cafeteria dahil duon lahat sila nakatingin.
May limang babae at limang lalake ang papalapit kung saan kami nakapwesto. Iba iba sila ng kulay ng buhok. Kung ano ang kulay ng buhok ng mga lalake ganun din sa mga babaeng partner nila. Pssshh mga mag jojowa siguro tong mga to.
"Excuse me? Hindi yata kayo na inform na bawak umupo dyan?"mataray na tanong ni red haired girl.
"Eh excuse me din ate huh wala naman po kasing nakapagsabi saamin na bawa umupo dito"sabi ni Kyla. Nasa taray mode sya ngayon.
"Abat sumasagot sagot ka huh kilala mo ba kami?!!"medyo inis na tanong ni red haired girl. Ngumisi naman si Kyla at tumayo saka ng cross arms. At hindi inalintana ang mga matang nakatingin sakanya.
"Hindi ko kayo kilala at wala kaming balak na killanin kayo!"madiin na sabi nito na ikinagalit pa lalo ni Red haired girl.
"That's enough Shanell transfery sila kaya hindi nila alam palampasin mo nalang. Ahmmn pwede ba kayong umalis na dyan? Kasi upuan namin yan eh you know VIP"Nakangiting sabi ni White haired girl. Pero halatang plastic naman ang naka plaster na ngiti nya.
"Ah cge pasensya na tara na guys alis na tayo bago pa tayo mahawaan ng you know?"sarcastic na sabi ni Kyla saka nauna nang umalis. Kaya sumunod nalang kami dito.
----
"Ggrrrrr nakakainis yung limang yun ah! Pati ba naman dito meron ding ganun nakakainis naman aarrrgghhh!" Hanggang ngayon ay inis na inis parin si Kyla sa limang babae na yun. Nasa classroom na kami at inaantay ang next prof namin.
"Haaay yaan mo na yun Kyla. Oh eto ice cream!"alok ni Bea kaa kuminang naman ang mga mata ni Kyla at tinanggap ang alok ni Bea. Taob talaga to si Kyla pagdating sa ice cream. Remember yung napa away sya dahil sa natapon nyang ice cream?
"Pero hindi nyo ba napansin? Nakakakilabot yung limang lalake. At makatitig saatin wagas eh!",sabi ni Anne. Yup napansin ko din yun. Makatitig sila tagos talaga sa kaluluwa.
"Baka naman na gagandahan sa atin you know---ay letche nahawaan na ata ako dun sa great pretender white haired girl na yun sa kaka you know nya"sabi ni Bea.
"Hahaha angcute ng pangalan ah"natatawang sabi ni Anne. "Syempre cute yung nagpangalan eh. Kaso yung may ari ng pangalan nakaktacute"nakangiwing sabi ni Bea kaya nagtawanan silang tatlo maliban saaming dalawa ni Amber. Nagbabasa nanaman kasi si Amber ng libro. Ako hindi ko talaga feel na tumawa.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating nadin ang prof namin sa history.
**********
Pag masaya ako seryoso akong magsulat ng story. Pero bakit pag malungkot ako puro kacornyhan at katatawanan ang mga nasusulat ko? Bakit baliktad? Haaays angulo. Heehhe. Dont mind this nalang.
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasyAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...