°S E A N°
Napakamot ulit ako ng ulo, nung makarating kami sa mall ay agad siyang dumiretso sa Barbie house kung saan lahat ng tinitinda ay may kinalaman kay Barbie.
"Oy kuya anong mas maganda eto o eto?" Masiglang tanong niya habang hawak ang dalawang manika, yung isa may kulay asul na gown at yung isa naman kulay pink.
Inirapan ko lang siya at tinalikuran. "Hmp antipatiko!" Inis na bulong niya pero narinig ko parin.
"Ikaw nalang kuya ang tatanungin ko hah, alin mas maganda eto o eto?" Napapihit naman ako at tumingin sa kanila. Napakuyom ako ng kamao dahil kung makatingin ang lalaking kaharap niya eh hinuhubaran na siya sa makitid niyang utak. Tanggalan ko siya ng tubig sa katawan eh.
Agad agad ko namang hinila ang isip bata, para ilayo sa kapahamakan. Aba baka pag may nangyaring masama dito kargo de konsensiya ko pa.
"Aray ko naman kuya, ang sakit ahh nag tatanong ako dun sa tao eh......ay este charmer" nakabusangot na sabi niya.
"Maganda yan pareho kaya ayan na ang bilihin mo!" Inis na sabi ko. "Makasigaw ka naman, napakamainitin ng ulo mo, hala nagkakameron na kayong mga lalake?" Gulat na tanong niya.
"Manahimik ka nalang" mahinahong sabi ko. Tumango tango nalang si....teka ano nga bang pangalan nito?
"Anong pangalan mo?" Tanong ko habang binabayaran ang binili niyang laruan. "Ako? Ako si Bea" nakangiting sabi niya habang nag tataas baba ang kilay. "At ikaw si?" Tanong niya habang nakaturo ang isa niyang hintuturo saakin.
"Sean" maikling sabi ko. Ngumiti naman siya ng pagkalawaklawak, yung nakakahawang ngiti kaya napangiti nalang din ako.
"Nagugutom na ako, kain muna tayo please" sabi niya habang nakasaklop ang dalawang palad na tila nagdarasal.
"Wala ka bang pera diyan?" Tanong ko. Umiling iling naman ito. Muli akong napakamot ng ulo. Kaasar mukhang mauubos yata ang laman ng card ko sa babaeng to.
Nagpunta kami sa red ribbon dahil dun niya ako hinila. Pagkarating namin dun nag order siya agad. At pagkarating niya sa mesa limang flavor ng cake ang lama ng tray niya. Ang takaw kaasar.
"Mauubos mo lahat yan?" Takang tanong ko. "Hindi sayo tong isa" nakangiting sabi niya sabay abot ng vanilla flavor. Napalunok naman ako, kung hindi niyo natatanong paburito ko ang vanilla.
Minsan lang akong makakain nito. Minsan patago pa dahil baka kantyawan ako ng mga kasama ko. Nakakabakla ba.
Liningon ko siya pero busy na siya sa pag lamon kaya agad kung nilantakan ang vanilla cake. "Ang takaw mo din pala, at mukhang kulang mo pa yata, order ka pa dun para may kasama pa akong kumain" nakangiting sabi niya at inginuso ang mga cake na naka display.
Walang sabi sabing umalis ako sa harapan niya at umorder din ng apat pa na vanilla ice cream cake. "Amp! Sayang dapat ice cream cake din ang binili ko!" Nakabusangot na sabi niya.
"Here, tikman mo" sabi ko. Ngumanga naman siya kaya isinubo ko sakaniya yung cake na inislice ko. "Masarap?" Tanong ko. Tumango tango naman ito at nag thumbs up tapos kumain na ulit.
Nilibot namin ang buong mall hanggang magsawa kami at mapagod. Masaya siyang kasama dahil hindi siya nauubusan ng kwento. Sobrang daldal akala mo makina ang bunganga. Pero lagi niya naman akong napapatawa.
°A L E X I S°
Hapon na nang umuwi si Bea sa dorm ng may malawak na ngiti sa labi. May bit bit din itong dalawang bag na may lamang barbie yung isa at yung isa naman Ice cream cake.
"Hoy Bea, sabihin mo nga, saan ka nanggaling?" Kunot noong tanong ni Anne at pinanliitan ng mata si Bea.
"Haha, nag shopping shopping kasama si Sean!" Ngiting ngiting sagot niya. Lalo namang lumiit ang mata ni Anne.
"At sino naman si Sean aber?" Mapanuyang tanong ni Kyla habang nakaduro ang hawak niyang tinidor kay Bea.
"Don't tell me yung iniwan namin kasama mo sa Music room kanina?" Tanong ni Anne.
"Exactly! Ang saya niya kaya kasama, tapo libre niya pa lahat at may pa take home pa!" Ngiting ngiting sabi niya.
"Aba! Aba! Ang isip bata kumekerengkeng na" kantyaw ni Anne na ikinapula ng mukha ni Bea.
"Aba't marunong narin siyang mag blush! Wow lumelevel up ang isip bata!" Gatol pa ni Kyla. Napayuko nalang si Bea na pulang pula na ang buong mukha.
"T...tse tumigil nga kayo, mga malisyosa to!" Utal utal na sabi niya. Nagsitawanan nalang kami.
"Pero change topic muna, payag na ba kayo sa deal ng mga kings?" Tanong bigla ni Amber na ikinatahimik namin.
"A...ano ba kayo! Wag nga kayong nega! Kaya natin yan tayo pa! Nabansagan pa tayong Black Butterfly para sa wala! Syempre lalaban tayo!" Sabi ni Kyla.
"Oo nga wag tayong matatakot dun sa mga yun! Sus kakayanin natin yan!" Singit naman ni Anne
"Tama! Ang Black Butterfly, Maganda at cute!" Ngiting ngiting sabi ni Bea at inilahad ang kamay sa gitna ng mesa.
"Uhhuum ang Black Butterfly hindi umuorong sa ano mang hamon!" Sabi ni Anne sabay patong ng kamay niya sa nakalahad na kamay ni Bea.
"Ang Black Butterfly, walang kinakatakutan at laging handa!" Sabi naman ni Kyla at ipinatong rin ang kaniyang kamay.
"Ang Black Butterfly, walang kinakatakutan!" Sabi naman ni Amber at ipinatong din ang kamay niya. Napabaling naman ang tingin nila saakin at binigyan ako nang ikaw-na-look.
Napa iling iling nalang ako at napangiti. "Ang Black Butterfly, laging sama sama at handang sumabak sa kahit saan pang gyera!" Nakngiting sabi ko at ipinatong din ang kamay. Ko.
"Ang Black Butterfly, ay handa na! Matalo man o matalo! The best parin kami!" Sabay sabay naming sigaw at pagkatapos ay nagtawanan.
I guess handa na kami para sa party.
"O siya mag shopping pa tayo para sa mga damit natin, dapat perfectly beautiful tayo sa party para nga ngabels ang mga manunuood!" Sigaw ni Kyla.
"Sige magsiligo muna tayo!" Sabi naman ni Amber. Nagsipunta kami sa kaniya kniya naming kuwarto at nag handa.
Pagkatapos ng mga ilang minuto ay sabay sabay kaming lumabas ng dorm. May mga studyante paring nag gagagala sa kung saan saan. Medyo may kadiliman narin at may ilan nang mga bituin.
Sana hanggang sa huli magkakasama parin talaga kami, sana kaya naming lampasan ang mga pagsubok ng sabay sabay.
**********
"Walk on Memories"
By:CUTECHAMMIE25
Please read her story"HELPING HER TO MOVE ON"
By: Kylalang19
Please read her story also.
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasyAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...