Chapter©5

2K 64 0
                                    

°A L E X I S°

*Knock knock*

Napabalikwas ako ng bangon dahil biglang may kumatok sa kwarto ko at bigla bigla nalang bumukas tapos iniluwal nito ang hyper na hyper na sina Kyla, Bea at Anne.

Kapwa nakabihis na ang mga ito. Talagang pinaghandaan nila. Si Anne ay naka off shoulder na dress na kulay peach at may peach ding sombrero. With shades payan parang pupunta ng beach.

Si Bea naman ay nakasuot ng pink na croptop tapos black na palda ng hanggang kalahating legs nya. With matching hairband.

Si Kyla naman ay naka floral dress at may kulay pink na sumbrero. Ede sila na ready. Excited talaga tong mga to. Anong oras naba.

"Good morning Alex! Bumangon ka na jan at magbihis ka na owmyghood alas syete na!"sigaw ni Kyla saka hinila ang kumot ko. Si Anne namn ay nagpunta sa closet ko at nangalkal ng damit.

Hinila naman ako ni Anne papuntang banyo at pinagtulakan pa para lang makapunta sa loob. Hindi na ako umangal pa at naligo na. Kinakabahan talaga ako dito. Parang may kutob ako na may masamang mangyayari.

Pagkatapos kung maligo ay lumabas na ako. May nakahandang damit sa kama at wala na rin yung tatlo malamang nagpunta sila sa kwarto ni Amber at sya naman amg kinulit nila.

Napangiwi nalang ako dahil sa damit na nakita ko. Hindi ako sanay magsuot ng maiikling shorts kaya inilagay ko nalang ulit ito sa closet at naghanap ng jeans. Mas kumportable pa ako dun. Tapos kulay Violet na v-neck shirt.

Pagkatapos ay lumabas na ako dala dala ang maliit na bagahe. Nandun nadin yung apat nakaupo sa sofa. Nakasuot rin si Amber ng jeans at naka sando ng puti with leather jacket. As usual poker face ang ate nyo.

"Tara na guys baka malate tayo."aya ni Kyla sabay tayo. Nagsitayo nadin yung tatlo at kanyakanyang hila ng bagahe.

"Nakakainis ka naman Alexis hindi mo manlang sinuot yung short na pinili ko"maktol ni Anne. "Eh alam mo namng hindi ako nagsusuot ng ganun. Kulang nalang yata makita na dun yung singit ko eh"sabi ko naman. Eh kasi totoo naman eh.

"Hmp. Tara na nga!"nakasimangot na sabi nya saka nauna nang maglakad. Napailing nalang ako at sumunod na sakanila. Si Amber ang pumara ng sasakyan naming taxi. Kasi pag ginamit namin yung sasakyan namin, walang mag uuwi at baka mapaginteresan pa ng mga siraulo.

---

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school dumiretso agad kami sa may field dahil duon daw nakaparada yung mga bus na sasakyan namin.

Pero bago yun ay nagpunta muna kami sa Cafeteria at bumili ng mga makakain habang bumabyahe. Halos hakutin ko na yung tindang mga biscuits dahil sa pabirito ko ang mga iyon.

Nag aral pa nga akong magbake para maipagbake ko yung sarili ko at mga kaibigan ko. Hindi ako marunong magluto ng kanin at ulam pero marunong naman akong magbake. 😅

Pagkatapos naming mamili ay nagpunta na kami sa may field at sumakay sa bus napara sa section namin. Halos kumpleto na kami. Inaantay nalang namin si Sir namin.

Pagkarating na pagkarating ni Sir ay sabay sabay na umalis ang mga bus. Kaming mga Grade 12 tourism lang ang may camping.

Tulog halos lahat ng studyante dito sa bus kaya nagpasak nalang ako ng headphones at nakinig ng Music hanggang makatulog ako.

-(after 2 hours)-

"Lex gising na nandito na daw tayo" nagising ako nang marinig kung ginigising ako ni Amber kaya nagmulat ako ng mata at tumingin sa bintana.

Tirik na tirik na ang araw at pinapalibutan kami ng mga nagtataasang puno. "Nandito na tayo mga bata. I tsek nyong mabuti kung wala kayong naiwan dahil aalis din ang bus agad. Dalian nyo bumaba na kayo!"utos ni sir. Kanya kanya kaming bitbit ng gamit habang pababa ng bus.

"Sir nasan po ang mga tent sabi nyo ready na?"tanong ng isa naming kaklase. "Tsaka po masikip ang lugar na ito"segunda pa ng isa. Napatawa naman ang mga kasama naming guro.

"Wag kayong excited. Maglalakad muna tayo ng ilang metro bago marating yun. Kaya tara na!"aya ng isang professor at nauna na silang maglakad. Nakasunid naman kami. Halos isang daan siguro kami dito.

Yung mga tourism lang naman kasi ang kasama. Kaya medyo kaunti lang kami. Kung isasama mo naman yung buong grade 12 baka hindi na kami magkasya.

Pagkatapos ng ilang metrong paglalakad ay bumungad saamin ang isang wide space. Hindi mo halos makikita ang sinag ng araw dahil sa mga naglalakihang puno. Marami ring nakatayong tent sa paligid at sa gitna ay ang bonfire na wala pang apoy.

"Okay students! Bumuo kayo ng limang grupo at magsipunta na kayo sa mga tent. Bawat tent ay kasya ang limang tao! Go!"sigaw ng isa pang prof.

"Sakto lima na tayo tara na dun!"aya ni Anne saka naunang naglakad papunta sa isang kulay itim na tent. Sumunod naman kami sakanya.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng tent at kumakain ng mga baon naming pagkain kanina na hindi namin nakain sa loob ng bus.

"Kaboring naman dito. Gala muna tayo bukas pa siguro magsisimula ang activity"aya ni Bea habang kumakain ng marshmallow.

"Tara!"sangayon ni Kyla kaya sumunod nalang kami sakanila. Kanya kanya kaming dala ng first aid kit at tig iisang flashlight. "Dala mo ba ang inhaler mo Anne?"tanong ko. Tumango naman ito.

Nagpaalam muna kami kay sir Makulangan na gagala lang kami sandali buti nalang at pinayagan kami since bukas pa naman ang simula ng activities.

Hindi naman na kami lumayo masyado dahil baka maligaw kami. Nakaupo kmi ngayon sa mga sanga ng puno at nagpapahinga. "Wow guys tignan nyo yun oh may blue na kuneho wait lang kukunin ko lang ang cuuuuuteee!!"hiyaw ni Bea saka biglang tumakbo.

"Hoy! Sandali lang Bea wag kang lumayo baka maligaw tayo!"sigaw ni Kyla saka tumakbo na din. Takbo lang kami ng takbo hanggang maabutan namin si Bea nakatingin sa kuneho na nasa may malaking puno.

Para kaming nasa ibang mundo dahil sa lugar na ito. Angganda sobra. Merong puno sa gitna at kumikinang ang mga dahon nito. "Wow para tayong nasa paradise guys angganda!" Tuwang tuwang sabi ni Bea.

"Nawawala tayo"kinakabahang sabi ni Amber saka lumingon sa likod. "Mamaya na muna natin hanapin ang daan magpahinga muna tayo"hinihingal na sabi ni Anne na sinang ayunan namin.

Naupo kami sa magndang puno. Napihayaw kami lahat ng bigla nalang kaming nahulog sa butas at parang may malakas na pwersang umiikot ikot.

Hanggang sa........

**********

Yey wala kaming pasok kaya nakapag update ako hahaha😅😅😂😂😘

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon