°A L E X I S°
Kagaya ulit ng kinagawian sabay sabay ulit kaming pumasok. Pagkadating namin sa University ay nagtaka kami dahil----
"Bakit parang ang high yata ng studyante ngayon dito?"takang tanong ni Kyla. "Malay mo Kyla naka drugs sila, diba karamihan sa mga naka drugs high?"pabulong na tanong ni Bea sapat lang para kami ang makarinig.
Binatukan tuloy ni Anne si Bea. "Kung ano ano nanaman yang iniisip mo."sermon ni Anne kay Bea na nakanguso lang habang hawak ang batok nya.
"Napakasadista mo talaga Anne bakit hindi mo gayahin si Amber at Alexis napakatahimik at mahinhin pssshh"nakabusangot na sabi ni Bea. "Aba't manahimik ka nalang!"sigaw ni Anne kaya yung mga malapit saaming studyante ay napapatingin.
"Ssshhhh tama nayan baka kung saan pa mapunta yan!"saway ni Kyla. "Mapupunta ang saan?"inosenteng tanong ni Bea. "Tss slowpoke"rinig kung bulong ni Amber.
"Wow narinig nyo yun guys nagsalita si Amber for the first time! Ilalagay ko yan sa diary ko. Ngayon ang kagulatgulat na araw dahil nagsalita si Amber!"tuwang tuwang sabi ni Bea. Napailing nalang kami dahil talagang makulit si Bea.
Nung makarating kami sa room namin ay sobrang ingay na akala mo may party. "Wow may party pala dito bakit di tayo na inform?"sarcastic na sabi ni Anne habang pinagmamasdan ang mga kaklase namin na ani moy naka hithit ng kung ano.
"Anong party ka dyan wala namang tugtug at pagkain mukha bang party to? Mas mukhang palengke ito eh!"sumbat ni Kyla. "Tsk! Wag nga kayong KJ tayo na't mag PARTY PARTY WOOOHOOOO COME ON GUYS LETS DANCE TO THE LEFT YEAH TO THE RIGHT WOOHOOOO!!!" Exaggerated na sigaw ni Bea habang sumasayaw sayaw pa.
Napatingin tuloy lahat ng kaklase namin sakanya maging ang advisor namin na si sir Makulangan ay napatingin sakanya. "Ay hehehe kala ko may party. Hehehe meeting pala sorry sir, sorry po"nakayukong sabi nito. Namumula din ang buong mukha nito dahil sa hiya.
"It's okay Bea. Sya nga pala magkakaroon ng Camping trip kaya nagkakagulo ang studyante ngayon. Walang party huh"paliwanag ni sir na ikinatawa ng mga kaklase namin. Kami ay nakatunganga lang dahil sa sinabi ni sir. Kaya pala mukhang angsaya ng mga studyante dahil may camping pala.
Pero mukhang hindi naman kasiyasiya yun kinakabahan nga ako eh. Dahil first time ko lang na makaranas ng ganun. Dapat maging masaya ako pero kinakabahan talaga ako.
"Totoo sir?"di makapaniwalang tanong nung tatlo. "Yes at bukas na ang alis natin. Mga isang lingo lang naman tayo dun." Nakangiting sagot ni sir. Nagtitili naman ang tatlo sa sobrang saya.
"Hoy kayong dalawa dyan ang k-kj nyo talaga hindi ba kayo masaya?"tanong ni Anne habang tumatalon pa silang tatlo. Tinanguan ko nalang sila at nagpunta sa upuan ko. Ganun din ang ginawa ni Amber.
°A M B E R°
Hi guys! Pansin nyo hindi ako masyadong nagsasalita diba? Ano kasi eh... Nahihiya ako. At natatakot na baka malaman nila ang sikreto ko.
Oo matagal na kaming magkakasama maliban kay Alexis. At kahit matagal na kaming magkakasama nila Anne, Bea at Kyla nahihiya parin ako. Natatakot ako na baka madulas ako at masabi ko ang sikreto ko na dapat hindi nila malaman.
Kasi pag nalaman nila yun malamang ay kmumuhian nila ako, matatakot sila saakin at lalayuan nila ako. Yun ang ayaw kung mangyari. At kaya parati akong may hawak na libro dahil nagbabaka sakali ako na may paraan kung pano pigilan to, kung pano tanggalin ito.
Gusto nyo bang malaman kung anong sikreto ko? Ang sikreto ko ay... Nakakapaglabas ako ng yelo sa mga kamay ko kahit sa paa ko. Akala ko yung Frozen, si Elsa, yung kapangyarihan nya ay kathang isip lamang pero hindi pala. Dahil sa sarili ko mismo napatunayan.
Katulad na katulad nya ako. Lumabas ito ng nag 18 ako. Dati hindi ako palaging tahimik at wala akong hilig sa mga libro. Pero simula nung matuklasan ko itong kakayahan kong ito nagsimula akong magbasa ng libro na may kinalaman sa kakayahan ko.
Napansin kung parang hindi mapakali sa upuan nya si Alexis. Parang may kung anong bumabagabag sakanya. "Ayos ka lang ba Lex?"tanong ko. Lex ang tawag ko sakanya since sya yung parati kung kinakausap. "Aa-ahh o-oo kinakabahan lang ako sa camping. Alam mo na first time ko lang"medyo kabadong sabi nya. Napatango nalng ako at nagpatuloy sa pagbabasa.
Yung tatlo naman ay nakikipag usap sa iba naming kaklase. Kung anong mga dadalhin nila bukas, kung anong susuutin nila haaay, nakakatamad.
°B E A°
Wow hehehe may pov ako😁. Yow guys heheehe happy talaga.😂 Ilalagay ko talaga sa dairy ko ang araw na ito. I mean isusulat ko na talagang kagulatgulat ang araw na ito. 😅
Dahil una nagsalita si Amber pero two words lang😅. Pero atlis nagsalita parin sya😱. Tapos may camping pa kami yohoooo saya talaga ng araw na to hindi ko to makakalimutan. 🙌
"Yohoooo kayong dalawa dyan tara na uwi na tayo para makapaghanda tayo bukas!" Sigaw ni Kyla dun sa dalawa. Nakatunganga lang si Alex habang nagbabasa parin ng libro si Amber.
Ewan ko kay Amber dati hindi naman ganyan yan. Simula nung mag 18 sya tumahimik na sya at nagbabasa na sya ng libro eh book hater yan dati.
Pero sabagay nagbabago naman kasi ang isang tao eh. Wala kasing permanenting bagay. Kaya walang forever tsk! Sa wattpad lang meron mehehehehe!!😂
Tumayo naman yung dalawa. Nauna ng maglakad si Anne, hindi naman siguro sya excited diba? Ay hayaan nyo nayan.
☺☺☺
Pagkarating namin sa apartment namin ay nagpunta ako agad sa kwarto ko. Kinuha ko yung minni maleta ko at inilagay ko dun yung iba kung damit. Yung iba ko ding mga gamit.
Damit?✔
Towels?✔
First aid kit?✔
Extra shoes?✔
Toothbrush?✔
Toothpaste?✔
Headbands?✔
Cologne?✔
Face powder?✔
Lipgloss?✔
Gadgets?✔
Flashlights?✔
Extra Batteries✔
Extra Money?✔Yes im ready na. Meheheheh😂 excited na ako bukas!!! Wooohoooo ay wait lang may nakalimutan ako. Hehehee😂
August **, 2017
Dear Dair,
Dairy! Nakakagulat tong araw na 'to kasi nagsalita si Amber eh bihira lang nyang gawin yun. Tapos may camping trip pa kami yehey ang saya diba dairy? Tapos malapit na ang birth day ni Kyla o diba ang saya?? Bye bye Dairy labyousomuchmuah💋
The super cute and pretty,
Bea cutie😜😘😂**********
Good noon hellowwwiieee paramdam naman kayo oooh. 😂😂😂Labyou sa mga patuloy paring nagbabasa ng story ko! Kayo po ang inspiration ko mahal ko kayo. Saranghae😘
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasyAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...