°A L E X I S°
Maaga kaming nagising at sabay sabay na kumilos. Kumportable naman ang uniform nila. Yun nga lang medyo may kaiklian itong palda. Pero medyo sanay naman na ako since nagsusuot ako ng dress pag may gig kami.
Namimiss ko na ngang kumanta at humawak ng gitara eh. Pagkalabas ko ng pinto ay nadatnan ko silang lahat sa minni sala.
"Tara na para makakain muna tayo bago tayo pumasok" nakangiting sabi ni Kyla. "Basta pag kain talaga" pagpaparinig ni Anne.
"Ke aga-aga kontrabida ka na" nakabusangot na sabi ni Kyla. Umirap lang si Anne. Nauna ng maglakad si Kyla habang nakakawit ang mga kamay sa braso ni Bea na abot langit ang ngiti.
Pagkadating namin sa Cafeteria ay umorder agad kami ng pagkain. Blueberry pancakes and hot choco ang kinuha ko. Samantalang carbonara naman kay Amber, kay Anne ewan diet ata. Vegetables salad kasi ang kinuha at lemonade. Tapos kay Bea as usual cake ang ice cream ang aga aga.
At di papahuli si Kyla. Halos punuin nya ng pagkain ang tray nya. Spaghetti, burger steak, fries, fried chicken, pancakes and melon juice. Buti nga at hindi sya tumataba eh.
"Sa tingin nyo may Normal na subject sila dito!" Tanong ni Bea habang kumakain ng cake. "Oo naman ano namang silbi ng laboratory nila? Ang gym? At itong mga notebooks na binigay nila saatin? Kung majika ang ituturo nila?"sagot ni Kyla na busy din sa pagkain. Nagkibit balikat nalang si Bea at kumain ulit.
Pansin kung medyo nag iba ang Aura ni Amber, kung dati halos wala kang makitang emosyon sa mukha nya, ngayon parang ang sigla nyang tignan. At saakin napunta ang emosyon na meron sya dati.
Ewan ko para kasing may nararamdaman ako sa lugar na to. Parang.....parang nanggaling na ako dito. Basta kaaiba ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Siguro naninibago lang ako sa aura ng lugar.
Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming magpunta na sa classroom. Pagdating namin dun ay mahahalata mong napakaingay sa loob.
"Katok na kayo guys" sabi ni Anne saka nagpunta sa likuran. "Ikaw nalang Bea"sabi naman ni Kyla
"Okie are you readiiii guys?"nakangiting tanong nito. Tumango nalang kami. Nung mabuksan na nya yung pinto ay biglang tumahimik. Na parang may dumaang anghel.
"*Ehem* hello guys! We are your new classmates!"nakangiting sabi ni Bea with matching kaway pa. Wala paring sumagot kaya bigla syang nagtago sa likuran namin.
"Excuse me girls"biglang sabi ng babae sa likuran namin kaya pumagilid naman kami dahil nakagharang kami sa pinto. "Good morning mam"bati nila.
"Good morning class. Ow by the way they are your new classmates. Come on girls introduce yourselves"nakangiting sabi nya. Nagpunta naman kami sa harap.
"Wait by the way I'm your prof in English class. And at the same time your adviser. I'm Carra Mondragon."pagpapakilala ni Ms. Carra. Sa tingin ko ay nasa edad 25+ palang sila.
"Nice to meet you mam, my name is Kyla Lee I'm 17 yrs old . I hope we can be friends"nakangiting pakilala ni Kyla.
"Hi I'm Bea Villanda the prettiest girl in my world, I'm 17 yrs old nice to meet you!"masiglang pakilala ni Bea. Hangin eh.
"H-hello my name is Anne Villafuerte, 17, nice to meet you"medyo alanganing pakilala ni Anne. Sabi ko nga medyo may pagkamahiyain sya sa una.
"My name is Amber Lopez,18 yrs old" maikling pakilala ni Amber. Umabante naman ako dahil turn ko na.
"I'm Alexis Lopez, 17 yrs old"maikling pakilala ko. "Hindi nyo pa ba nadidiscover ang mga majika nyo?"tanong ni Ms. Carra. Sabay sabay naman kaming umiling na ikinatango nya.
"That's okay girls soon you will discover your own majika if you have your proper training, so good luck!"nakangiting sabi ni Ms. Carra.
"Thanks mam!"nakangiting sabi ni Bea. Nagsimula nang magturo si mam. Lahat naman ay nakikinig.
----
Tatlong subject ang natapos at lunch na. Hindi naman pala uso ang break dito. "Tara na guys nagugutom na ako!" Aya ni Kyla haang hinihimas ang tyan nya. "Hindi ka nag iisa noh! Hindi pala uso ang break dito! Baka may forever dito guys!" Ngiting ngiting sabi ni Bea.
"Porket ba hindi uso sakanila ang Break may forever na?"pabalang na tanong ni Anne. "Basta wag ka nang kumontra ta mo pag talagang may forever dito reregaluhan kita ng ipis"nakangising sabi ni Bea.
"Subukan mo! Kukunin ko sayo Barbie"pananakot ni Anne at pinandilatan ng mata si Bea. Na istatwa naman si Bea maya maya pa'y humihikbi na. Basta usapang Barbie talaga tong si Bea tataob na.
"*Hik* ito na-naman j-joke lang naman eh *hik*"humihikbing sabi nya. "Hhoooooy tama na nga yan Bea wag ka nang umiyak nag bibiro lang yan si Anne nandito na tayo sa Cafeteria oh tara order na tayo-----dapak bakit hindi tayo na inform na kailangan palang pumila??"gulat na sabi ni Kyla habang nakatanga sa pagkahaba habang pila.
"Humanap nalang kayo ng bakanteng mesa at kami nalang ni Alexis ang oorder"biglang sabi ni Amber na ikinagulat nung tatlo. "Wow for the first time anghaba nun, 1,2,3---13 words yun Amber nasapian ka ba?"gulat na tanong ni Bea na napatigil sa pag iyak dahil sa biglaang pagsasalita ni Amber. Umiling lang si Amber at ngumiti. "At ngumiti pa! Aba nag iimprove na huh hahahaha tara na nga tingin na tayo ng upuan congrats Amber ipagpatuloy mo lang yan. Good job huh"nakangiting sabi ni Kyla saka hinila na ang dalawa.
Pumila naman na kami ni Amber. Maya maya pay biglang nagkagulo ang Cafeteria, yun pala may nagkasagupaan ng studyante. Nako paano kaya nila maaawat at paano kaya sila nag aaway? Eh may majika ang mga studyante dito?
"Nako naman paniguradong mananagot tayo dito pagbalik ng mga Kings."
"Hala nawala lang ang mga Kings nagkagulo na"
"Sana dumating na ang mga Kings para matigil na yung pambubully ng mga Queens"
"I swear naiinis na ako sa mga Queens"
At dahil nga nakatuon ang pansin nila sa gulo pati ang mga nakapila ay madali kaming naka order. Nagpunta na kami sa mesa na nakita nila Kyla.
Nakakapagtaka lang at pinagtitinginan kami ng mga studyante. At naiiba ang mesa na to kumpara sa iba.
**********
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
خيال (فانتازيا)Ang ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...