Chapter©39

1.6K 56 8
                                    

°A L E X I S°

"T.... Teka ano naman ang mangyayari saamin kapag hindi namin nasagot ang tanong na ibibigay mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Simple lang, kayo ang maghahanap ng daan palabas" sagot n'ya.

Napalagok naman ako ng laway. Bumara yata sa lalamunan ko dahil sa sobrang kaba.

"Magsimula ka na" seryosong wika ni Zach. Tumango naman si Penumbra at ikinumapas ang kan'yang mga kamay.

Umilaw ito ng kulay lila at may lumabas na kulay lilang libro.

"If you have me, you want to share me.
If you share me, you haven't got me." Sambit ni Penumbra.

Nalukot naman ang mukha ni Zach pagkatapos marinig ang katanungan. Katanungan nga ba?

"Riddles" bulong ko.

"Tsk! Mahina ako dyan" inis na bulong ni Zach.

"It's a secret!" Agad na sagot ko.

Tumango lang ito at muling bumaling sa libro.

"What gets broken without being held?"

"Promise" agad na sagot ni Zach at nakangising tumingin saakin. Marunong din naman pala s'ya.

"What is always coming nut never arrives"

"Hmmmmmm..... tomorrow?" hindi siguradong sagot ko.

Tumango tango lang ulit s'ya. Yes tatlong puntos na.

"We hurt without moving. We poison without touching. We bear the truth and lies. We are not to be judge by our size. What are we?"

Medyo kumplikado ang tanong. Pero keribels. Words ang unang pumasok sa isip ko. Kaya yun ang isasagot ko.

"Words"  sagot ko.

"Magaling" sambit n'ya. Kaya napapalakpak ako ng wala sa oras. Sabi nila lagi daw nating susundin kung ano ang unang sagot na naisip natin. Dahil yun daw ang na process ng utak natin.

"It cannot be seen, cannot be felt,
Cannot be heard, cannot be smelt. It lies behind star's and under hills, and empty holes it fills. It come out first and follows after. End life kills laugher"

Nabasa ko na ang isang to.

"Dark" sagot ko. Tumango naman s'ya at inilipat ang pahina ng librong hawak n'ya.

May nakita din akong maliit na liwanag na sumibol sa kan'yang likuran.

"Kings and Queens may cling to power and jesters got his call. But as you may discover, the common one out ranks them all."

Kumirot ang ulo ko matapos matinig ang riddles na yun. Nabasa ko na din yan eh. Piniga ko na ang utak ko pero hindi ko talaga maalala.

"Ace?" Hindi siguradong sagot ni Zach kaya napapikit ako. Sana tama....

"The more there is, the less you see. What is it?"

Yes! Tama oh my ghod thank you lord.

The more there is the less you see?

"Ahh.... Darkness!" Sagot ko

"What begins and has no end? What is the ending of all that begins?"

Ano daw ang simula na hindi natatapos at ano ang katapusan ng mga nagsimula?

"Death?" Hindi siguradong tanong ko.

Itiniklop n'ya naman ang libro. Napatingin ako sa hour glass na nasa itaas. Kunting kunti nalang ang natitira. Parang ang bilis ng isang oras.

"Ito ang katanungan para sayo....Zach. At hindi mo ito pwedeng sagutin......Ak.....Alexis." babala ni Penumbra.

Tumango lang si Zach.

"Ano ang gagawin mo....kung nagmahal ka ng iba ngunit iba ang nakatakda sayo. Iaalay mo ba ang buhay mo para sa minahal mo o mabubuhay ka nang walang hanggan kasama ang nakatakda para sayo?" Tanong n'ya.

Napasulyap naman ako kay Zach. Napabuntong hininga lamang s'ya.

"Mas pipiliin kung ialay ang buhay ko sa taong mahal ko. Eh ano naman kung mabuhay ako nang walang hanggan kung yung mahal ko naman ay hindi ko kasama. Ang sabi nila hindi kumpleto ang buhay mo kapag wala ang taong mahal mo. " Maikli ngunit napakagnda ng kan'yang sagot.

Napansin kung lalong lumaki ang liwanag sakan'yang likuran.

"Para sayo naman Alexis ang katanungang ito. Ano ang kaibigan para sayo?" Maikli pero parang ang hirap sagutin.

Para talaga saakin yung tanong. Mukha sinadya ah.

"Kaibigan? Sila yung taong lagi mong kasama. Yung nagpapasaya sayo. Sila yung mapagsasabihan mo ng mga sikreto mo. At sila yung dadamay sayo kapag may problema ka kung hindi ka kayang damayan ng magulang mo. Pero may mga kaibigan na imbes na pasayahin ka binibigyan ka lang nila ng problema. Kaya in the end sarili mo parin ang kasama. Me, myself and I. " Sagot ko.

"Maaari na kayong lumabas. Mag iingat kayo" paalam n'ya at bigla nalang naglaho.

Yung puting liwanag kanina sakan'yang likuran ay isa palang portal. Hinila ako ni Zach papasok duon.

Parang pinagbalibaliktad ang sikmura ko at parang inaalis ang kaluluwa ko sa aking katawang lupa ang sakit.

Bumagsak kami sa harapan ng Woods. Nasa harap namin ang mga studyante. Mukha lang silang normal at hindi sumabak sa ano mang laro.

"We have our winners! Let's give them a warm of applause!" Sigaw ng mc. Sobrang tahimik. Maya't maya pay nagsipalakpak din sila.

Siguro hindi sila makapaniwala na isang beginner ang nanalo sa laro at isang kings.

"At dahil d'yan may prize kayo" bibong sabi ng Mc.

"Magkakaroon kayo ng trip sa mortal world sa Subic!" Sigaw ng Mc na ikinagulat ko. Kan'ya kan'yang kumento naman ang mga istudyante.

"Oh mga studyante mag sibalik na kayo sa mga dorms nyo!" Pagbubugaw ng Mc kaya nagsisunuram naman sila.

"Haaaaaay nakakapagod" bulong ko sabay unat at hikab.

"Tara na mag iimpake pa tayo" aya n'ya na ikinagulat ko.

"Iimpake?" Kunot noong tanong ko.

"Yes bukas na ang alid natin" walang ganang sabi n'ya kaya napatalon ako sa tuwa.

For real makakabalik na ako sa mortal world! Thanks lord worth it naman pala ang survival game na yun eh. Yuhoooo.

"Mag papaiwan ka na ba dyan. Bahala ka madaming ligaw na bad creatures dyan." pananakot n'ya.

"Sandaliiii antayin mo akooo!" Sigaw ko at patakbong sumunod sakan'ya.

Tsk bipolar. Parang weather lang hindi maintidihan. Pssshh.

Pagkapasok ko sa dorm ay tumalon ako kaagad sa kama. Nakakpagod. Pero uwaaaah pupunta kaming mortal world. Ano na kayang itsura nun?

Na miss kung kumain ng mga street foods. Pagdating namin duon yun agad ang pupunteryahin ko. Aja fighting.

ZzzzZzzzZzzz........

**********

Short update. Harhar.
Next update will be their travele on the Mortal world!!


Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon