°A L E X I S°
Bakit kaya ang lamig? Naka on na ang heater pero ang lamig parin. Parang ayokong bumangon dahil sa lamig.
Pero no choice may pasok eh. Sa mundo ng mga mortal holiday don it's Christmas day. Dito parang wala naman akong nabalitaan na suspended ang klase.
*Ding dong*
Pilit naman akong bumangon sa kama dahil may nag doorbell. Ako lang naman mag isa sa dorm kaya talagang ako lang ang magbubukas ng pinto haay.
Pinulupot ko ang makapal na kumot ko sa buong katawan. Brrrr ang lamig talaga. Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang isang lalaki na may suot na isang coat. Mainipis lang s'ya at sigurado ako wala itong magagawa para masangga ang lamig ng panahon ngayon.
"Coat po ma'am. Isuot n'yo po ang coat na yan para hindi n'yo maramdaman ang lamig ng panahon." Sabi n'ya sabay abot ng isang box na coat kapareho nung sakanya.
Now i know kaya pala hindi s'ya tinatablahan ng lamig. Pero ano ba ang dahilan ng biglaang paglamig ng panahon. Kahapon lang mainit pa eh.
Nanliit naman ang mga mata ko dahil sa mga puting nasa ibabaw ng buhok ni kuya. Tinaas ko ang kamay ko para sana alisin yun kaso nung mahawakan ko napagtanto kung nyebe ito.
"Nyebe?" Takang sambit ko. "Yes ma'am tuwing Christmas day dito umuulan ng nyebe. At kanselado ang klase. Panigurado akong lalabas kayo ma'am dahil may Christmas party mamaya. Sige ma'am mauna na po ako. Merry Christmas!" Masayang bati nito.
Tulala lamang ako sa kinatatayuan ko. Wow. Wow talaga umuulan ng nyebe?. Lumabas naman ako ng pinto at lumapit sa railings. Umuulan nga ng nyebe. First time kung makaranas ng ganito.
Sinalo ko ang mga nyebeng bumabagsak gamit ang palad ko. Napatakbo tuloy ako papasok ng maramdaman ko ang ginaw.
"Ang lamig!!!!!" Sigaw ko nang pumatak saaking katawan ang tubig na galing sa shower. Sana pala nag init muna ako ng tubig.
Pagkatapos kung maligo at magbihis isinuot ko na yung binigay ni kuya na coat. Nung ma isuot ko yun ay guminhawa ang katawan ko. Hindi na ako nakakaramdam ng lamig.
Nung lumabas ako ng dorm ay namangha ako sa nakita. Isang napakalaking Christmas tree ang nasa gitna ng wide space. Angganda. Tapos sa ibaba nito punong puno ng regalo.
"Merry Christmas Alexis!!" Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko sila Fiona.
"Merry Christmas din" nakangiting sabi ko. "Handa ka na ba mamaya?" Tanong n'ya. Napakunot naman ako ng noo.
"Para saan?" Takang tanong ko. Napapilantik naman si Armanda at sumingit sa usapan.
"Para sa party! Kailangan mamaya presentable ka dahil parang prom ang magaganap." Sabi nito. Huh ganon.
"So kailangan mag dress may dress ka na ba?" Tanong ni Fiona. Umiing naman ako. "Gora papahiramin kita ako na din ang mag aayos sayo ahiii yung slight na ayos lang dahil maganda ka naman na" ngiting ngiting sabi ni Armanda.
"Kailangan may ganon?" Tanong ko. "Of course hindi ka pa siguro nakakapunta sa isang party poor you" singit n April sungit talaga nito kahit kailan.
"Tsk! Don't mind her. Si miss araw araw may dalaw. Halika pasyal pasyal muna tayo gusto mo sumama Alexis?" Tanong ni Xander.
"Ah hindi kayo nalang" sabi ko. Tumango naman sila at umalis na. Naupo nalng ako sa isa sa mga benches na katabi lang ng puno.
Napaigtad nalang ako nang may naramdaman akong tumama sa ulo ko. At base sa pagkakabato nito para sa taas galing, kaya naman napatingin ako sa taas at may nakita akong isang apoy na nag aala ungoy sa taas ng puno.
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...