°A L E X I S°
Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.
"A....april" utal utal na sabi ko habang gulat na nakatingin sakanya. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay pagkatapos ay inirapan.
"Wag kang mag alala hindi naman kita kakalabanin. Gusto ko lang sanang....." Alinlangang sabi n'ya.
"Gusto mo sanang?" Tanong ko. "Tsk! Amin na yang mga mansanas kung ayaw mong maglaban tayo!" Banta n'ya kaya agad akong bumaba sa puno at ibinigay sakan'ya ang hawak kung mansanas.
Pagkakuha n'ya nito ay inirapan lang ako at nag flip hair pagkatapos ay rumampa na paalis. Ni hindi man lang nag thank you.
Nung mawala na s'ya sa paningin ko ay muli akong umakyat sa puno at muling pumitas ng mga mansanas.
Habang naglalakad ay kumakain ako ng mansanas hangang sa makarinig ako ng kaluskos kaya tumigil muna ako sa paglakad.
Pinakiramdaman ko munang mabuti ang paligid hanggang sa may naramdaman akong papalapit na bagay sa may ulunan ko kaya yumuko ako para maiwasan ito.
Agad agad akong lumingon sa likod at may nakita akong beginner na babae. S'ya yung naghagis ng dagger. Buti nalang mabilis ang reflexes ko kundi nabaon na yung dagger sa ulunan ko.
Unti unti itong lunapit sa kinaroroonan ko kaya umatras naman ako at palihim na hinugot ang isapada ko sa likod.
"YAAAAAAH!" Naalarma ako sa pagsigaw n'ya kaya tinutok ko sakanya ang ispada pero sinalag n'ya naman ito gamit ang dagger.
Halatang bihasa s'ya sa paggamit ng dagger kasi mabilis ang mga kilos n'ya. Kahit maikli lang ito kayang kaya n'yang tapatan ang ispadang hawak ko dahil sa galing at bilis n'ya.
Tumagal ang laban namin hangang sa makahanap ako ng pagkakataon. Agad kung hinawakan ang kamay n'ya at itinarakang hawak n'yang dagger sa hita n'ya.
"AAAAHHHGGG!" Daing n'ya at nabitawan n'ya ang hawak n'yang dagger. Nanatili itong nakabaon sa hita n'ya hanggang sa naglaho s'ya ng parang bula.
Pagtingin ko sa pulsuhan ko 25 points. Kailangan ko pa ng 75 points mukhang matatagalan bago ako makabalik sa puwesto ni Zach.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumakain ng mansanas. Marami rami kasi akong kinuha baka kasi pag nakabalik ako sa puwesto ni Zach ede may pagkian na.
Baka kasi hindi pa s'ya kumakain. Oy concern! Bakit ano namang masama? Aiishh nababaliw na yata ako kinakausap ko na yung sarili ko.
"Hoy!" Napalingon naman ako sa likod. Napaatras aki nang makita ko yung lalak ing elite na boyfriend ata nung babaeng elite din nakalaban ko kanikanina lang.
"Nang dahil sayo hindi na makakapasok sa second game ang girlfriend ko!!" Galit na sigaw n'ya kaya napaatras ako sa gulat.
Halatang galit na galit s'ya dahil parang may itim na aura ang bumabalot sa buong katawan n'ya.
"Hindi ka rin karapat dapat na makapag laro sa second game dahil beginner ka palang!" Sigaw n'ya at sunod sunod na nagbato ng mga blades na gawa sa metal.
Iwas lang ako ng iwas dahil ayokong mabawasan ang HP ko. 25 points palang ang meron ako kaya hanggat maari kailangang 100% parin ang HP ko para kahit papaano naman eh maka 100 points ako.
"Magaking ka huh tignan natin kung magagawa mo pang iwasan to." Nakangising sabi n'ya sabay hagis ng lahat ng blades sa ere at kinontrol ito.
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantezieAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...