°A L E X I S°
Sa isang lingong training namin masasabi kung medyo tumaas ang stamina namin. Si Anne hindi na sya mabilis mapagod. Lahat kami nag improve sa isang lingong training na yun. Ginawa daw yun dahil pala sa isang minni battle sa lunes.
At lingo ngayon. Mag tatatlong lingo na pala kami dito sa Mystica Academy. Parang kahapon lang nasa earth pa kami ngayon nandito na kami sa kakaibang mundo. Mundo kung saan ang majika ay totoo.
"Oy guys tingin nyo makakaya ko kayang lumaban ng matagal bukas gamit ang hand to hand o weapon battle?" Alanganing tanong ni Anne. "Ako kinakabahan na ako. Paano kung masugatan ako tapos lumabas dun yung mga kinain ko?😱" Kinakabahang tanong ni Bea.
"Napaka isip bata mo talaga. Talagang masusugatan tayo dun. Lalo na pag yung mga makakasagupa natin ay may majika na, siguradong patay tayo" tulalang sabi ni Kyla.
"Ano ba kayo. Ang papraning nyo. Wag nyo munang isipin yan. Pag inisip nyo yan lalo kayong kakabahan. Tsaka think positive nga!" Sermon ni Amber. Nakakapanibago ang pagiging madaldal nya ngayon. Dati tahimik talaga sya. May nagbago talaga. May nagbago sakanilang dalawa ni Kyla.
"Lex nakakapanibago yung pagiging tahimik mo" puna ni Amber. Kaming dalawa nalang ngayon ang naiwan dahil si Anne ay nagkulong sa kwarto nya. At si Bea at Kyla nagpunta sa mall. Tinignan ko naman sya. "Ikaw, nakakapanibago ka din. Tahimik ka kasi nuon, ngayon medyo dumaldal ka na" Sabi ko.
"Hmmm masaya lang talaga ako. At alam kung dito tayo nababagay at hindi duon. Duon kasi parang......parang hindi ko feel ang atmosphere dun" alanganing sabi nya. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko mapoint out yung ibig nyang sabihin. Napailing nalang ako at tinanguan sya.
°A M B E R°
May kutob ako, may kutob akong nakakahalata na sya. Pero sana naman ay mali itong kutob ko. Dahil hindi pa ako--kami handang sabihin na natuklasan na namin ang majika namin.
Nandito ako ngayon sa garden. Kung saan kami tumabay noon. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito at pangalawang beses kung pumunta dito. Nakaupo ako sa isang bench habang nakatingin sa kalangitan. Magdidilim nadin at bukas na ang minni battle na gaganapin. Kinakabahan ako dahil baka aksidente kung mapalabas ang majika ko hwag naman sana.
"Hihihihi wag kang ganyan kinikilig ako. Pero I'm serious. Kelan mo hihiwalayan yung babaeng Machine na yun?" Napailing ako ng dahil sa narinig kung yun. Nakalimutan kung tambayan pala ito ng mga couple.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gawing kanan ko, at dun ko nakita yung dalawang couple na halos magkalamunan na ng mukha jusko. Hindi naman sa bitter ako eh noh pero kasi bes sobra na eh. Dapat hindi nila dito ginagawa yan eh PDA na yan P-D-D. Teka parang pamilyar yung lalake?
Ah tama sya yung isa sa rainbow 5 guy. Yung sinasabi nilang king. Itong lalakeng nandito na nakikipaglamunan yung lalakeng itsura palang playboy na kaya mahirap lapitan baka pati ikaw mapag laruan.
Bagay na bagay yung king sakanya. King of the jerk/playboy/heartbreaker/badboy. Uwian na may nanalo na. Sakanyang sakanya na yung award. "Hoy babae anong tinitingin tingin mo dyan? Naiinggit kaba??!!"
Napakurap naman ako ng ilang beses. Nakatulala na pala ako sakanilang dalawa jusko buti nalang nakatalikod yung lalake kasi hinahalikan nya yung babae sa leeg. Mukhang masasamid yata ako ng wala sa oras.
"Chilax babe hindi naman kita ipagpapalit eh" sabi nung lalake tsaka humarap saakin. Tinaasan ko naman sya ng isang kilay dahil parang nakatanga sya saakin.
"Hey babe natulala ka na saakin ka lang pwedeng matulala" maktol nung babae saka hinawakan nya yung lalake sa may mukha. Eeeeewwww makaalis na nga. Kadugyutan na yung nakikita ko dito. Kawawa naman yung mata ko. Nakakita ng maduming senaryo.
Hindi nalang ako nagsalita at dali daling nilisan ang lugar na yun habang nagkukusot ng mata. Buti nalang madali akong makalimot. Kumabaga hindi ako nabiyayaan ng retentive memory o photographic memory. Haaaayysss bukas makakalimutan ko din yun.
Pagkarating ko sa dorm ay naabutan kung nagbibake si Alexis nandito na pala sila. Nanggaling kasi sila sa mall eh. "Oy Amber san ka galing?" Tanong ni Kyla habang hawak ang isang magazine? Meron nyan dito?
"A dyan lang nagpahangin wala kasing magawa" sagot ko saka naupo sa tabi nya. Napatingin naman ako kay Alexis dahil naglapag sya ng choco shake. Walang sinuman ang makakatanggi sa choco shake na gawa ni Alexis dahil pag ginawa mo yun. Para kang nagbitaw ng isang malaking halaga sa buhay mo. Masarap gumawa o magtimpla si Alexis ng mga drinks. Sya na ang biniyayaan. Magaling na nga mag bake magaling pang gumawa ng drinks pwede na syang magtay ng bakery with drinks eh.
Pagkatapos nyang ihain ang choco shake ay kinuha naman nya sa kusina ang binake nyang muffins. "Ang sarap mo talagang mag bake Alex" puri ni Bea habang punong puno parin ang bunganga.
"Hindi mo ba alam ang kasabihang don't talk if your mouth is full?" Medyo iritang tanong ni Anne meron siguro to kaya mabilis mairita. "Hehehe sorry" sabi ni Bea saka nag peace sign meron pa syang chocolate sa ngipin nya kaya napatawa si Kyla ng bongang bonga ang cute kasi nitong pinsan kung to ang sarap kurutin ng pisnge nya.
"Anong gusto nyong ulamin mamaya?" Tanong ko. Marunong mag bake si Lex pero hindi aya marunong magluto ng kanin at ulam. Pati rin ang tatlo pa.
"Gusto ko yung specialty mo!" Biglang sigaw ni Bea. "Ah kare-kare? Pero baka mahirapan tayong maghanap ng ingredients dito" sabi ko andami kasing ingredients nang kare kare eh. May dinikdik na mani, puso ng saging, bagoong etc.
"Oo nga yung favourite ko nalang yung chicken curry!" Singit ni Kyla na sinang ayunan namin mas madaling lutuin yun kumpara sa kare-kare.
"Ibigay mo nalang saakin yung listahan ng ingredients Amber ako na ang bibili gusto ko din kasing lumabas para makalanghap din ng sariwang hangin" sabi ni Lex kaya tumango nalang ako at isinulat sa papel yung mga ingredients.
"Sige mauna na ako huh" paalam nya saka hinablot ang sweater nya. Alas sais palang naman kaya medyo maliwaliwanag pa.
**********
ATTENTION!!!
I uunpublish ko po muna yung Phercia(at baka hindi ko na ipublish pa ulit😢) para makapag focus dito at sa iba ko pang ginagawa abangan nyo nalang. Medyo hindi ko na kasi hilig ang fantasy biglang nagbago yung taste ko. Peace po sa mga nakabasa na ng Phercia Magicia Academy. Labyousomuchmuah sa mga nagvovote dito. At nagbabasa kahit silent readers hindi maiiwasan yan. Pero sana po paramdam kayo.
×D
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...