°A N N E°
Pagkababa ko ng gym ay tumambad agad saakin ang makakalaban ko. Hindi siya babae, hindi siya lalake. Isa siyang tomboy. Boy cut hair, pero bumagay sakaniya at bilugang mga mata na lalong nakapag paguwapo sakaniya.
Kung lalake lang to, ako na mismo ang manliligaw dito. Ang guwapo niya bish😍. Kaso lang di kami talo eh. Sayang. "Hello Maxine. Good luck saatin pareho" nakangiting sabi ko.
Lumukot naman ang kaniyang mukha. "Not Maxine it's too girly call me Xander much better. And yeah good luck" nakangising sabi niya. Pati boses niya panglalaki. Kung hindi lang halata yung boobs niya mapagkakamalan ko siyang lalaki.
"Ow okay. Let's be friends after this ahh?" Tanong ko. Umiling naman siya ay bawas fogi points bish, hindi siya friendly. "I don't want you to be my friend, i want you to be my girl" deritsahang sabi niya.
Muntik na akong masamid sa sarili kung laway. "Ahh hehehe ano kasi. Hindi tayo talo. Okay na tayo sa friends friends okay?" Sabi ko. Lumungkot naman ang kaniyang mga mata pero ngumiti parin siya ng pilit.
"Go Anne kaya mo yan hoooo!" Sigaw nanaman ni Bea, kanina pa yan sumisigaw buti nalang at di napapaos. "Let's start" sabi ko. Tumango naman siya. Mukhang katana battle ang magaganap. Pareho kaming katana ang weapon.
"You first" nakangiting sabi niya. Tumango nalang ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking dalang katana. At nagsimula nang umatake. Nagpalitan kami ng atake. Pareho kaming pawisan, sugatan at pagod pero wala paring sumusuko. Akmang aatake na ulit ako pero bigla nalang nagsalita ang mc na ikinatigil ng lahat.
"ANNOUNCEMENT FROM OUR HEAD MASTER. ANG ATING LEGENDARY PRINCESS AY MULING BIBISITA SA ATING AKADEMYA. AT NAIS IPAG BIGAY ALAM NG ATING MAHAL NA HEAD MASTER NA MAGKAKAROON NANG MALAKING SALO SALO." malakas na hiyawan ang tanging naririnig ko ngayon. Halatang masayang masaya ang lahat sa pagbabalik ng tinatawag nilang Legendary Princess.
~•~
Ipinakansila nila ang klase buong linggo para mapag handaan ang pagbabalik ng prinsesa. Nasasabik na akong makita siya. Lol ang lalim ng mga salitang 'yun ahh hinugot ko pa yun mula sa kasuluksulukan ng mundo ng majika.
Nandito kami ngayon sa aming klase dahil nagpatawag sila ng meeting kasali ang mga studyante ng MA.
"Siguro naman nabalitaan niyo na muling bibisita ang ating prinsesa dito sa Mystica Academy?" Tanong ng aming adviser na si Miss Carra.
"Yes mam!" Sabay sabay na sagot namin. "Ngayon gusto kung bumuo kayo ng isang grupo. Ang gagawin niyo mag peperform kayo sa Arena ng isng kanta, kumabag isang banda na may limang miyembro." Paliwanag ni Miss Carra na ikinapintig ng tenga ko malamang ganon din ang mga kasama ko.
"Eh mam wala po kasing magaling kumanta at tumugtog ng mga music instruments dito at takot po kaming kalabanin ang Kings" anang isang babae. Nagkatinginan kaming lima at sabay sabay na ngumisi at tumayo.
Namiss kung tumugtog ng instrumento at sumayaw. "Yes?" Tanong ni Miss Carra. "Kami na po ang mag peperform" nakangising sabi ni Kyla.
"Are you sure?" Gulat na tanong ni mam. Sabay sabay naman kaming tumango. "Okay its settled kayo na ang mag peperform good luck" nakangiting sabi ni Miss Carra.
"Ayos namiss ko nang tumugtug ng pyesa!" Ngiting ngiting sabi ni Bea haang kumakain nanaman ng ice cream. "Ako din miss ko na ang gitara ko!" Sabi naman ni Kyla.
"Namiss ko nang kumanta na kaduet si Lex!" Nakangiting sabi ni Amber at nagkatinginan sila ni Alexis. Ngumiti lang ng tipid si Alexis at nagpatuloy na sa pagkain.
"Eh ikaw Anne hindi mo ba na miss tumog tog?" Tanong ni Kyla. Nginisian ko naman siya. "Syempre na miss ko noh! Pati yung pagsayaw nating tatlo!" Nakangiting sabi ko saka tinignan si Kyla at Bea na nakangisi.
"Pagkatapos nito punta tayo ng music room at dun tayo mag practice" nakangiting sabi ni Amber na sinangayunan naming lahat.
"Aahmm excuse me pwede ba kaming makisalo?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Fiona pala ang nakalaban mi Kyla, kasama niya ang kaibigan niya siguro. Kasama niya rin si Maxine--este Xander na nakalaban ko, at Laura na nakalaban ni Bea tapos yung masungit na si April na nakalaban ni Amber at may isa pa silang kasamang lalake.
"Sige sige hindi naman namin ito pag aari" nakangiting sabi ni Amber, nakita ko namang umirap si April, napakasama talaga ng budhi ng isang to.
"Hi Laura gusto mo ice cream o cake?" Tanong agad ni Bea. "Ahh hindi, may pagkain din ako" nakangiting sagot naman ni Laura.
"Ay ganun sino pala yang pogi na kasama niyo?" Tanong niya. "Ayy gurllalu im not pogi im pretty okay pretty much!" Nakangiting sabi nung lalake este bakla pala. "Ako si Arman Chin, but don't you dare call me Arman it's so disgusting! You better call me Armanda or Amanda" maarteng sabi niya.
Napatango tango nalang kami. "Ako sana yung last na lalaban ang kalaban ko si Alexis Lopez kaso hindi natuloy kasi may biglaang announcement"kwento ni bakla.
"Ahay so ikaw pala ang makakalaban niya" tumatango tangong sabi ni Kyla habang nakaturo kay Alexis. "Ay ikaw ba yun girl, maganda ka pala just like me mukhang magkakasundo tayo!" Nakangiting sabi niya. Tumango nalang si Alexis at tipid na ngumiti.
Nangunot naman ang noo ko, "ah so ganun, ibig mong sabihin kami hindi maganda?" Nagngangalaiti kung tanong. Napaatras naman siya kaya muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya.
"Nakaagulat ka naman gurl, what i mean is medyo magkahawig kami right?" Nakangiting tanong niya saka lumapit kay Alexis at pinag tabi ang mukha nila.
"Gaga! Mas maganda ako noh!" Mataray na sabi ni April at umirap ng pagkatalim talim. "Woooossshh ang hangin!" Sabat ni Fiona at kunwaring matutumba.
Sinipa naman ni Xander ang upuan ni Fiona kaya tuluyan na siyang natumba. "Bwisit! Mamatay na ang sumipa sa upuan ko!" Inis na sigaw niya. Napahalakhak lang si Xander.
"Ikaw gago you talaga!" Inis na sabi ni Fiona at lumapit kay Xander saka niya ito sinbunutan. Kaya ang ending nagsabunutan silang dalawa.
"Hoy tama na yan! tama na yan!" Awat ni Laura na kanina pa nananahimik.
Nakipag chismisan lang kami ng nakipag chismisan sa kanila. Masaya naman silang kasama maliban kay April na akala mo mag memenopause na.
**********
Sorry po for the late update, babawi po ako pramis! Sembreak na eh😂
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasyAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...