Chapter©27

1.6K 59 4
                                    

°A L E X I S°

Lumipas ang isang buwan at patuloy parin kaming pinag iinitan ng King at Queen. Mag ka kuntyaba sila sa lahat ng bagay.

Inaapi nila kami, pinapahiya sa harap ng maraming charmers. Minsan ginagamitan nila kami ng majika. Kinausap kami ni HM sabi niya umiwas nalang daw kami.

Ayaw naman nilang sermunan ang mga iyon dahil baka daw sumama ang loob at kumampi sa mga kalaban. Kaya pag pasesyahan at iwasan nalang namin sila.

Ginagawa namin ang lahat para lang maiwasan sila pero sila itong pilit na lumalapit sa amin kaya wala nalang kaming magagawa kundi mag pa api sa kanila.

Sa nakaraang buwan mas lalong nagiging weird ang kinikilos ni Kyla, Amber at Anne. Nagtataka na kami ni Bea.

Lagi silang wala na tatlo at katulad ng dati kani-kaniyang palusot nanaman. Pero ngayon alam kung may inililihim na sila at ayaw nilang sabihin sa amin 'yun ni Bea.

"Lex! Bihis ka na ba?" Tanong ni Amber sa kabilang pinto. Muli akong humarap sa salamin para tignan kung ayos na ba ang itsura ko.

Nang masatisfie na ako ay lumabas na ako ng pinto. "Tara na!" Excited na aya ni Bea at nauna nang lumabas.

Kaarawan na niya bukas at ngayon na niya naisipang mag celebrate. Ewan ko may kakaiba din sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Sumasama na din siya paminsan minsan kela Kyla.

At syempre sa huli ako ang mag-isang naiiwan tuwing walang pasok. Minsan tinanong ko sila kung pwede ba akong sumama sa lakad nila pero wala silang naisagit kaya sa huli ako na ang humindi.

Nakakatampo na rin sila pero ininntidi ko nalang.

"Advance happy birthday Bea!" Salubong ni Laura.

"AHBD girlalu!" Bati naman ni Armanda daw.

"Heto regalo ko Bea, happy birthday!" Nakangiting bati ni Fiona sabay abot ng regalo.

"Yay! Salamat!" Nakangiti namang tinanggap ni Bea ang regalo at agad itong binuksan. Isang manika ang laman ng kahon. Nagtatalon sa tuwa ang isip batang si Bea.

"Ay oo nga eto o regalo ko din para kumpleto!" Aniya naman ni Laura sabay hugot ng regalo sa bag niya.

"Waaah salamat! Salamat!" Tuwang tuwang sabi ni Bea at agad na binuksan sang regalo ni Laura. Puro's gamit ng Barbie ang naroroon may kumpketong set ng damit, sapatos at iba pang gamit.

"Syempre girl hindi 'yan makukumpleto kung wala to!" Halos pasigaw na sabi ni Armanda. Hinugot niya naman mula sa bag niya ang isang lalaking manika. Wala na itong balot malamang pinag-pantasyahan na niya 'yun.

"'Yung regalo ko mamaya na, ipapadala ko nalang sa dorm niyo" nakangiting sabi ni Maxine este Xander.

"Yay excited na ako! Tara na tara na! Let's Picinic with tea party!" Malakas niyang sigaw at nauna nang maglakad.

"Ano namang naisipan ng babaitang 'yun at ngayon niya cinelebrate ang birthday niya? Pwede naman bukas?" Takang tanong ni Armanda. Nagkibit balikat nalang ako.

Wala din naman akong ideya kung bakit siya maagang nag silibra ng kaarawan niya. Siguro masyado lang siyang excited at hindi na siya makapag antay.

"Wow! Angganda" manghang sabi ni Bea. Kung pwede lang maging heart ang mata niya kanina pa iyon nangyari.

"Wow! First time kung makakasakay dyan!" Sabi naman ni Kyla na manghang mangha din na nakatingin sa mga Pegasus na naka hilera sa mga kuwadra.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon