°3RD PERSON°
*CLANG CLANG CLANG!*
(✌ Tunog ng takip ng caldero yan)"Arrrrghhh ang ingay" daing ni Kyla sabay takip ng unan sa ulo n'ya. "Ang aga pa" bangag na bulong ni Bea sabay talukbong ng kumot.
*Boogggshhh*
"Peste naman sino kasi 'yan!" Inis na sabi ni Anne sabay himas ng balakang n'ya. Nalaglag kasi s'ya sa kama.
Samantalang si Amber naman ay napabangon bigla dahil sa gulat. "Kayo pala, ano bang ginagawa n'yo dito ang aga aga pa *yawn*" inaantok na sabi ni Amber.
"Pfftt nakakatawa mga reaksyon n'yo" natatawang sabi ni Macky habang nakatingin kay Kyla.
"Nagsasanay pa tayo! Gumising gising na kayo!" Sigaw ni Sean saka hinila si Bea para makabangon na. "Waaaah ibaba mo ako!!!" Tili ni Bea habang pinapalopalo ang likod ni Sean.
"Ayos ka lang Anne?" Nag aalalang tanong ni Jerson sabay alalay kay Anne para makatayo. "Sa tingin mo?" Inis na sabi ni Anne kaya naman napakamot nalang si Jerson sa batok.
"Walang hiya ka talaga Grey pwede mo naman kaming gisingin ng maayos hindi mo kailangan n'yang takip ng kaldero!" Sermon ni Amber.
"Grrrrrr lumabas labas nga kayo mga istorbo shoooooo" gigil na sabi ni Kyla. "Dalian n'yo na d'yan mga babae talaga ang daming satsat mag eensayo pa tayo!" Bulyaw naman ni Macky.
"Para saan naman?!" Nakapamewang na tanong ni Kyla. "Ayan nanaman sila" bulong ni Anne habang nakatingin sa dalawa. "Hayaan mo na sila magkakasundo din mga 'yan" nakangiting sabi ni Jerson. Inirapan lang s'ya ni Anne at nagpunta na ng banyo.
"Bakit tayo mag eensayo para saan?" Tanong ni Amber habang nag aayos ng pinaghigaan n'ya. "Para sa survival game" nakangising sagot ni Grey.
"Survival game?!" Sigaw ng mga babae kasama na si Bea at Anne na naliligo sa loob ng banyo. "Yes. Dalian n'yo na ipapaliwanag namin sa inyo mamaya" mahinahong sabi ni Sean at lumabas na nang kuwarto.
--
"Ang survival game ay isang laro para s'yang battle dahil bawat is ay magkakalaban. Dito sa larong ito bawal gumamit ng majika. Weapons lang at physical strength" panimula ni Macky.
"At sa first game lahat ng studyante beginners man o elite ay sasabak. Ang gagawin sa first game kailangan mo lang manitiling buhay sa buong first game at kapag nakapatay ka ng charmers madadagdagan ang health points (HP) mo. " Segunda naman ni Jerson.
"At sa Second game yung matitirang sampu maglalaban laban ulit. Pero this time by partner na. Papasok sila sa isang forest maze may hahanapin silang isang bagay." Si Sean naman yun.
"At pag nahanap nila ang bagay na yum automatic na sila ang magkasama sa last game. Kung saan papasok sila sa isang maze ulit pero ibang maze naman dahil para s'yang puzzle pag nasagot o nabuo mo o na solve mo yung kailangang isolve duon makikita mo ang daan at makakalabas ka" paliwanag ni Grey.
"Wow exciting!" Gigil na sabi ni Bea. "Exciting ka dyan malay mo naman mamatay ka doon" kinakabahang sabi ni Anne na sinang ayunan nila Kyla at Amber.
"Don't worry babe, walang mamamatay dun nasusugatan pwede pa" nakangising sabi ni Jerson at umakbay kay Anne. "Hoy tumigil tigil ka susungalngalin na kita" gigil na sabi ni Anne sabay amba ng suntok kay Jerson.
"So tara na mag ensayo na tayo para lalo pa tayong maging malakas" nakangiting sabi ni Macky habang nagtataas baba ang kilay.
Panatag na ang kalooban ng lahat. Alam nilang itinadhana sila sa isa't isa. Maraming nagbago sa nagdaang panahon. Noong malaman ng mga baae na meron nang itinadhana sa kanila ay hindi nila agad pinaniwalaan yun. Pero unti unti na rin nilang natanggap yun sa mga nagdaang panahon.
°A L E X I S°
Kinakabahan ako sa sinabi ni Zach. Yung magkakaroon ng survival game. At magandang balita duon hindi kailangan ng majika kundi pisikal na lakas at mga sandata.
Marunong naman ako sa mga karate etc. Marunong din akong gumamit ng sandata pero kinakabahan parin ako. Paano kung makita ko duon yung mga dati kung kaibigan? Hindi ko alam kung anong gagawin ko, lalabanan sila o magpapatalo na?
"Dalian mo na dyan magsasanay na tayo!" Sigaw ni Zach mula sa baba ng tree house kaya naman kinuha ko na yung silver sword ko.
"Nice sword huh" puna n'ya. Tango lang ang isinagot ko dahil kinakabahan talaga ako. Sa makalawa na yun gaganapin eh at ka aanusnyo lang din kanina ni HM.
"Siguro naman alam mo nang gamitin ang sandata mo?" Paninigurado ni Zach tumango lang ako. "Alam mo rin siguro ang mga karate, judo etc.?" Tanong n'ya tumango ulit ako.
"Okay then, let's fight" nakangising sabi n'ya. Imbes na mawala ang kaba ko lalo pang nadagdagan. Ako? Laban sakan'ya mabuti nalang nagbigti ako.
"Dalian mo na pumwesto ka na. Weapons to weapons muna" sabi n'ya at pumosisyon na. Kaya pumwesto na rin ako. Fire swerd ang sakanya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi natutunaw ang ispada ko.
"Weird right?" Kunot noong tanong n'ya. Siguro napansin n'yang nagtataka din ako. "Oo diba dapat isang lapat lang ng ispada mo sa ispada ko tunaw na?" Tanong tumango tango lng ito at kinuha ang isapada mula sa mga kamay ko.
"Hindi ka rin ba napaso?" Tanong n'ya. Umiling iling lang ako. "Impossible umuusok oh" sabi n'ya sabay pakita nung handle ng ispadang gamit ko. At oo nga umuusok pero yung kamay ko hindi manlang namula o napaso. Ni hindi nga ako nakaramdam ng init.
"Okay martial arts naman" sabi n'ya. Ilapag namin ang mga sandata namin sa lapag at pumosisyon na. Sipa duon sipa dito, suntok duon suntok dito, iwas duon iwas dito, talon duon talon dito. Hanggang sa pareho kaming napagod kaya nagpahinga muna kami.
Napaiwas nalang ako nang tingin ng maghubad s'ya ng damit sabay talon sa sapa kung saan ako madalas magtambay. Umakyat muna ako sa tree haouse para kumuha ng mamemeryenda.
Ang ganda ng katawan n'ya noh.
Pisting utak kung ano anong iniisip. Pero kinakabahan talaga ako eh. Pero gusto mo s'ya. Paano kung makita ko sila dun. Sana naman hindi. Dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.
Pero paano kaya nangyaring hindi ako napaso at hindi natunaw yung silver sword? May majika din kaya yun? Ang galing ko namang pumili kung ganon.
-----
Gusto ko nang matapos to andami kung gustong gawin na story! Pero di ko kayang pagsabay sabayin. I pafast forward ko nalang ha wag kayo magalit. 😭😭😭 Donna what to do Donna what to say!!😭😭✌😂
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasiAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...