°A L E X I S°
"Malapit na akong magsawa sa mukha mo" nangunot ang noo ko at otomatikong nag init ang dugo ko.
"Ede wag mong tignan" pagtataray ko. Tsk paliguan kita ng fire distinguisher eh nang malaman mong apoy ka.
Hindi ko nalang s'ya pinansin at pumunta na ako sa usual spot ko. "Alex" napalingon naman ako at napangiti nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Oy Jr!" Masyang bati ko sakanya. Lumapit naman s'ya sa tabi ko at naupo. "Magkasing laki na tayo ah.... pag nakaupo" natatawang sabi ko.
"Pupunta na ba tayo sa tirahan namin?" Sabik na tanong n'ya. Napaisip naman ako wala naman akong gagawin ngayon, wala din namang pasok kasi sabado. Kaya "Sige ba saan ba?" Tanong ko.
"Talaga?! Tara sumunod ka saakin." Sabi n'ya kaya tumayo naman ako at pinagpag ang puwetan ng pantalon.
"Were are you going?" Tanong ni apoy. "Sa tirahan daw nila sama ka?" Tanong ko. Tumango lang s'ya at nagalakad sa tabi ko.
"Nakapunta ka na ba don?" Tanong ko. Ang tahimik kasi nabibingi ako. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pag hum ni Jr ng isang kanta at panigurado akong ako lang ang nakakarinig nun.
"Yep" maikli n'yang sagot habang nakapamulsa. Pansin kung puro puno ang nadadaanan namin. Saan ba kasi yun? Tsk! Pag naligaw kami may gyerang magaganap.
"Maganda ba dun?" Tanong ko ulit. "Very beautiful" sagot n'ya saka tumingin saakin. Ahe wag kang tumingin ng ganyan nakaka fall eh. Joke tumawa kayo please like malaking hahaaha.
"Nakakasabik naman" nakangiti kung sabi. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakataas ang isa n'yang kilay. Mukha s'yang bading hahahah
"Saan mo nahugot yang salita mong nakakasabik naman" tanong n'ya at ginaya pa ang pagkakasabi ko nang salita.
"Sa mortal world" sagot ko. Speaking of mortal world, na miss ko na yun sobra kahit polluted ang hangin.
"So kamusta ang buhay sa Mortal world?"curios na tanong n'ya. Napabuntong hininga naman ako.
"Ayun, marumi na ang hangin dahil sa mga usok ng sasakyan, factory ng kung ano ano at kung ano anong sinusunog ng tao. Ang tubig nagiging madumi narin dahil sa mga basurang nagkalat at itinatapon nila sa mga ilog" malungkot na litanya ko.
"Tapos marami nang lumalaganap na sakit dahil sa mga naiimbento ng mga tao na pinagmumulan din lang nga mga kakaibang sakit na walang lunas." Dagdag ko pa.
"Here" sabi n'ya sabay abot ng panyo. Napa "huh" naman ako at kinapa ang pisnge ko. Umiiyak na pala ako. Kahit kasi polluted ang hangin naging masaya parin ako. At isa iyon sa magagandang creation ni god.
"Wag mo silang iyakan kasalanan nila yun at hindi nila inaalagaan ang bigay ng panginoon nila. Okay lang naman a mag imbento pero wag naman dapat yung sobra kasi nakakasama." Ayan na ang word of wisdom n'ya.
Kinuha ko nalang yung panyo at pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge ko. Nu bayan ang arte ko naman este ng mga mata ko pala may paiyak iyak pang nalalaman.
"Teka lang nasan na ba tayo?" Tanong ko. "Jr malayo pa ba?" Tanong ko. Lumingon naman s'ya at ngumiti. "We're already here" sabi naman ng katabi ko.
Tumingin naman ako sa harap at inilibot ang aking tingin. "Woah" ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Angganda sobra. Kung maganda na ako mas maganda pa ito.
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...