Chapter©1

4.5K 90 3
                                    

°A L E X I S°

Bagong silang na sanggol. Yan ang maiihalintulad ko saaking sarili. Ni sarili kung pangalan, tirahan at iba pa wala akong maalala.

Natagpuan lang ako ng apat na babaeng sina Kyla, Amber, Bea at Anne sa silong ng isang puno noong sila'y nagkacamping sa may gubat.

Ang sabi nila noong dinala nila ako dito isang lingo pa ang lumipas bago ako nagising. Sobrang laki ng utang na loob ko sakanila. Siguro pag hindi nila ako nakita baka pinagpyestahan na ako ng mga hayop sa gubat.

Pinatira din nila ako sa sarili nilang bahay. Silang apat din ang nagpatayo nito sariling pera nila ang ginastos nila para lang maitayo ang bahay na ito.

May banda kasi sila. Tuwing lingo at sabado ang schedule nila alas otso hanggang alas dyes ng gabi ang schedule nila. Dahil wala akong trabaho isinama nila ako bilang lead vocalist ng banda. Ang pangalan ng aming grupo ay 'BLACK BUTTERFLY'

"Alex! Nagsesente ka nanaman dyan. Halika na kain na tayo." Untag saakin ni Anne. May pagkamahinhin si Anne. Mabait din ito at talagang mahaba ang kanyang pasensya since hindi sya pwedeng magalit ng husto. Hindi din sya pwedeng magpagod ng sobra dahil may asthma sya.

Tumango nalamang ako at tumayo na saka sumunod sakanya. "Ano palang ulam??" Tanong ko. "Hmmm nagluto si Amber ng sinigang. Kaya wag ka nang mgsente dyan. Mas masarap ang sinigang pag mainit" saad nya saka nauna nang maglakad.

Pagkrating ko sa kusina ay nadatnan ko silang kumakain na. Kaya naupo na din ako at kumain na. "Sya nga pala may gig tayo mamaya huh kaya pagkatapos natin dito mag ready na kayo" anunsyo ni Kyla. "What? Diba pasukan na bukas bakit may gig pa??!!!" Kontra ni Bea.

"Aba malay ko tanong mo kay boss" sagot ni Kyla saka nagkibit balikat at nagpatuloy na sakanyang pagkain. "Haaayyyssst kaasar naman si Boss!!!!😵" Inis na sabi ni Bea saka nagpapadyak.

"Wag ka nang magdabog wala ka namang magagawa bilisan mo nalang kumain" seryosong sabi ni Amber. Sa grupo sya ang pinaka tahimik. Pero hindi naman sya yung cold tahimik lang talaga. Kabaliktaran nya naman ang pinsan nyang si Bea sya ang pinaka makulit at maingay sa grupo.

"Oo nga sarap ng ulam eh" sabi ni Anne sabay subo ng kanin.

-
Pagkatapos naming magready ay sumakay na kami sa kotse na kami mismo ang bumili oo kasama na ako kasi bagong kotse lang ito yung isa naman silang apat ang bumili.

Nakasuot kami ng cocktail dress. May kulay itim na lining ang akin tapos tube at red ang kulay. Nagsuot muna ako ng blazer. Si Bea naman kulay pink tapos may black na lining sa dulo pareparehas pala kaming may itim na lining sa dulo. Kulay lime green naman kay Amber at white kay Kyla.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bistro pagtapak na pagtapak palang namin sa entrance ay malakas na sigawan na ang bumungad saamin.

Sinalubong naman kami ni Lloyd A. K. A Jasmine. Sya ang owner ng bistrong pinag tatrabahuan namin kaedad lang naman namin sya. Pero dahil masipag sya katulad namin *ehem* eh nakapagpatayo din sya ng sarili nyang negosyo.

"Good evening girls!!!" Masiglang bati nya at nakamarka sakanyang mukha ang mapalad nyang ngiti. "Good evening din boss!!" Balik bati namin maliban kay Bea na nkabusangot at nakacross pa ang mga braso nito sakanyang dibdib na tila nagtatampo.

"Oh? What happen to your face little Bea??" Malambing na tanong ni Boss. "Tss what happen your face!" Bulong ni Bea pero narinig ko parin dahil katabi nya ako kaya siniko ko sya. Nakatanggap lang ako ng matalim na irap.

"Hindi daw kasi mabubuo ang beauty rest nya. Since may gig daw. Nagreready kasi sya para bukas" sagot ni Anne. "Ooohhh im sorry my dear pero last naman na ito eh request lng ng isang suking costumer ko" mahinanhong sabi ni Boss saka nag puppy eyes pa. Tss

"Fine pero pede ba kaming umuwi ng maaga aaahmmm hangang alas nuwebe lang kami pwede baa plss" pagmamakaawa ni Bea saka nag puppy eyes din.

"Okie okie fine magstart na kayo!" Sabi nya saka iginaya kami papuntang backstage sumunod naman kami. Una ay by partner kaming nagperform tapos sumunod ay isaisa tapos ang last ay buong grupo na.

Hanggang sa sumapit ang alas nuwebe ng gabi kaya nagpaalam na kami at umuwi na. Naupo muna kami sa sala at nagpahinga ng konte bago maisipang matulog na.....

-----END

1st chapter short ud im sorry ngayon lang nakapag-ud tapos short pa i hope you'll understand po kung may nagbabasa man. 😊✌

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon