°A L E X I S°
Isang lingo na ang nakalipas simula nung mag simula ang pasukan. At ang masasabi ko lang ay masaya naman. Kahit na wala pa kaming masyadong nagiging ka close sa section namin.
Hindi kasi kami basta basta nakikipagkaibigan. Saka nalang pag nagsilabasan na yung tunay nilang anyo. Dun mo lang makikita kung mabait nga ba o hindi. Mahirap na ngayon ang makahanap ng tunay na kaibigan puro lumulutang na kasi yung mga tao ngayon. You know what i mean.
Sa ngayon nandito kami sa Cafeteria at nagmimiryenda. "Hey may Gig daw tayo mamaya tinext saakin ni Manager!" Masayang anunsyo ni Kyla habang kumakain ng binili nyang fries.
"Hmp nanaman kainiz naman sabi nya walang gig pag may pasok. Tsk kalbuhin ko yung baklang yun eh" gigil na sabi ni Bea
"Ano ka ba! Ang sama mo talaga kay Manager!" Puna ni Anne habang kumakain ng donuts. "Oo nga" sang ayon ni Kyla.
"Eh ikaw Alex may idadagdag ka pa ba?" Inis na tanong ni Bea tinawanan ko nalang sya at nailing. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko nang siomai.
"Ikaw Amber baka may idadagdag ka? Ay halata namang wala!" Baling naman nito kay Amber na as usual nag babasa nanaman ng mga libro. Minsan nakakapagtaka din itong si Amber sobrang tahimik mapagkakamalan mo na syang pipi.
"Sandali lang ah bibili lang ulit ako ng ice cream!" Paalam ni Kyla. Walang pimagbago matakaw parin. Pero hindi naman tumataba.
Ilang minuto na ay hindi parin bumabalik si Kyla hanggang sa umingay ang loob ng Cafeteria may nag aaway ata? Sana naman hindi si Kyla yun nakooo.
°K Y L A°
Babalik na sana ako sa table namin ng biglang nabangga ako sa isang babae. At ang ending natapon lahat ng binili kung ice cream. Abat ang g@g@ hindi man lang nag sorry kapal din ng pagmumukha nito ah! Kasing kapal ng make up nya.
At kasing ikli lang ng palda nya ang pasensya ko pagdating sa pagkain kaya hinablot ko ang braso nya at hinawakan sya ng mahigpit.
"How dare you!!!"inis na sabi nito sasampalin na sana nya ako kaya lang naunahan ko sya. "How dare you mukha mo! Hindi ka man lang marunong magsorry tignan mo oh!"inis na sabi ko habang nakaturo sa ice cream na natapon.
"Paki ko kung natapon ang ice cream mo! Gusto mo ede isaksak mo lahat ng ice cream sa baga mo ako na magbabayad"mapanuyang sabi nito na lalong iki nainit ng ulo ko.
"Hindi ko kailangan ng kapalit gusto ko ang sorry mo!"gigil na sabi ko. Iiiiih kunting kunti nalang at tatanggalan ko ng buhok ang isang to! Angsarap ding igasgas ang mukha nya sa simento para mabura yung pintura nya sa mukha.
"Hahahahaa your so funny. Ako mag sosorry kilala mo ba ako?"natatawang tanong nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. At bahagyang tumingala para mapantayan ang mukha nya. Eh mas matangkad sya ng konte saakin eh konte lang naman dahil nakasuot sya ng hills.
"Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ang tulad mong CLOWN!!"sigaw ko. Kitang kita ko kung paano pumula ang mukha nya. Magsasalita pa sana sya pero biglang may humila saakin.
"And what are you doing huh Kyla girl?"tanong ni Bea habang hatak hatak ako sa braso. Nakasunod naman sila Alexis, Anne at Amber.
"Eh nakaka inis kasi yung Clown na yun eh natapon yung ice cream ko ng dahil sakanya tapos hindi man lang nag sorry!" Inis na sabi ko.
"Tsk! Bakit mo pa kasi pinatulan malay mo may sira yun sa pag iisip?"sabi ni Anne. Napa isip naman ako. Siguro baka hindi nag fufunction ng maayos tung utak nya. Kung meron nga ba sya nun?
Bumili nalang ulit ako ng ice cream at kumain buti nalang at wala pa kaming klase. Tsk! Nakakainis talaga yung babae na yun sarap ihambalos yung pagmumukha nyang puno ng make up sa simento.
"Oy tunaw na yung ice cream mo o ano pang tinatanga tanga mo dyan?"sita ni Anne na nagpabalik saakin sa ulirat. Umiling nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain.
"Wait lang huh CR lang ako"paalam ko. Tumango lang sila kaya naglakad na ako papuntang CR.
Pagkatapos kung gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako. Pero bago paman ako makalabas ay bigla nalang may nagtulak saakin papasok ulit sa cr kaya napaupo ako.
"Akala mo ba papalampasin ko yung ginawa mo?"nakangising sabi nung babaeng nakabungo ko kanina sa Cafeteria. Tumayo naman ako at hinarap sya. Kahit wala akong hinaharap.
"Bakit may sinasabi ba ako?"pabalang ma sagot ko. Nakakapang init ng ulo tong bubitang to huh nakooooo! Grrr naiinis na talaga ako.
"Abat sumasagot ka pa huh!"nagngangalaiting sabi nya saka sinabunutan ako. Ang hapdi na ng anit ko huh. Ramdam ko din na parang may lumalabas na init sa katawan ko.
"Aaaarrrrghhh! You freak!"galit na galit na sabi nya habang hawak ang kamay nya na tila napaso.
"Ha-halimaw ka!" Nanginginig pa sabi nito. Ngumisi naman ako dahilan para matakot pa sya lalo. "Don't mess with me dear"nakangising sabi ko saka iniwan na sya sa loob na nakanganga.
Inayos ko muna ang sarili ko bago maglakad papuntang Cafeteria. With breast out and stomach in payan huh.
"Natagalan ka yata?" Kunot noong tanong ni Alexis. Gustong gusto ko talagang titigan yung mga mata nya napaka inosente. Parang anghel.
"Aay may nasalubong lang akong bubita dun eh."medyo inis na sabi ko. Lalo namang kumunot ang noo nito. "Ah alam ko na. Nasalubong mo nanaman yung bruhildang nakasagupaan mo kanina noh?"natatawang tanong ni Anne. Napatango naman ako.
"Hay tama na nga yan ito o pagkain"alok ni Bea kaya nagsitahimik na kami at kumain nanaman heheheheh sarap kain tayo guys!
°S O M E O N E°
"Sa tingin nyo nandito kaya sila?"
"Wala, wala sila dito"
"Sana maganda sila noh?"
"Kahit hindi gaanong maganda basta mabait"
"Tss"
**********
Happy BER months guys!!Hohohohoho🎅🎆🎉🎁
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...