Chapter©33

1.5K 57 4
                                    

°A L E X I S°

Guess it's true, I'm not good
At a one night stand
But i still need love 'cause I'm just a man
These night ever seem to go to plan
I don't want you to leave,
Will you hold my hand?

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all i need
This ain't love, it's clear to see
But, darling, stay with me

Why am I so emotional
No, it's not a good look,
Gain some self-control
And deep down i know this never works
But you can lay with me so it doesn't hurt

[Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But, darling stay with me] ×3

Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Tuwing naaalala ko yung kanina nagkakagulo ang sistema ko.

Anggaling n'yang kumanta. Nagulat na nga lang ako kasi bigla s'yang kumanta sa harap ko. Ano bayan! Tapos yung puso ko ano to ang lakas ng kabog.

*Booghs!*

"A-aray" ang sakit ng balakang ko.

"Anong nangyari sayo?" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Apoy.

"Nahulog ako sa kama akala ko kasi maluwang" sabi ko habang hinihimas ang balakang ko. "Tsk! Matulog ka na nga lang" asik nito pagkatapos ay lumabas na.

Nahiga nalang ulit ako at pinikit ang mga mata para makatulog na.

~*~

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa maganda kung mukha choss!

Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko naman si Apoy na nagkakape. Tanong ko lang inaapoy din kaya s'ya nang lagnat?

"Good morning!" Bati ko nalang. Tinanguan n'ya lang ako at inalok ng kape.

"Hindi ako nagkakape. Bili lang ako sa cafeteria." Paalam ko. Tumango lang s'ya ulit kaya umalis na ako. Sarap n'yang tanggalan ng ulo tignan natin kung makatango pa s'ya.

Habang naglalakad ako kakaiba ang tingin ng mga studyante saakin. Para akong isang kriminal sa titig nila. Yun bang gusto nila akong ilibing ng buhay lalo na yung kababaihan. Yung mga lalaki naman parang wala lang. Hay nako ano kayang problema.

"Hello dear!" Bigla namang sumulpot ang tatlong beki sa aking harapan. Mahaba ang buhok ng mga ito kumapara kay Armanda. Tapos itong mga to grabe kung makapaglagay ng kolorete sa mukha at katawan.

At talagang nakapambabae sila ng suot. "An...anong kailangan nila?" Magalang na tanong ko.

"Well well well papel. Nabalitaan kasi naming may malanding linta kagabi na kasama si Prince Zach" mataray na sabi nito sabay taas ng isang kilay. Kaya naitaas ko din yung isa kung kilay.

"Ako? Malandi? Ako? Linta? Eh kayo anong tawag sa inyo?" Pagmamataray ko din. Aba ayoko nang magseryoso sa life o kaya naman maging kaawa-awa at target ng mga bully.

"Aba't sumasagot ka huh!" Inis na sabi ng baklang nasa kanan. Inirapan ko lang s'ya. "Paano ba kayo rumarami?" Kunot noong tanong ko.

Magsasalita sana yung isa kaso pinigilan ko s'ya sa pamamagitan ng pagtaas ko ng kamay. "May virus ba kayo? Hmm Juding Virus?" Tanong ko.

Halata namang nainis sila sa sinabi ko kaya bago pa nila ako sugurin ay umalis na ako sa harapan nila.

"Hoy! Babae ka wag kang umalis chaka doll ka!" Sigaw ng isa pang bakla.

Hindi ko lang sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. "Grrrr hindi ka namin uurungan!" Tili nila at sinabunutan ako.

Hindi ako makapalag dahil tatlo sila at mag isa ako plus mas malaki sila sakin. Napatumba nalang ako sa sahig at feeling ko nadurog ang buto ko dahil sa pagkakadagan nila saakin.

"Ayan bagay sayo yang chaka doll ka. Kaimbyerna ang daldal mo pero mahina ka naman pala!" Sigaw ng baklangg leader nila.

Ayoko ng sinasabihan akong mahina kaya pilit kung tumatayo pero hindi ko magawa. "Ano lalaban ka pa?! Gusto mo paghiwahiwalayin namin yang parte ng katawan mo o tusukan ka namin ng libo libong karayom na parang pangkulam?" Masungit na tanong nung baklang leader.

Tinignan ko lang sila ng masama dahil yun lang ang tangi kung magagawa. Inisip ko nalang na maulanan sila ng palaka.

Hanggang sa magdilim na ang paningin ko. Ang huli kung narinig ay tilian nilang tatlo at bulung bulungan ng mga nakiki isyoso saamin.

° Z A C H °

Tss ang tagal naman ng babaeng yun. Akala ko ba bibili lang. Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa cafeteria para bumili din ng makakain. Ubos na kasi ng stock dito.

Pagkalabas ko ng Mystique Garden rinig na rinig ko na ang maingay na tilian nila na parang may kung anong nagaganap kaya dali dali akong nagpunta sa wide space.

At duon nakita ko ang kumapulan ng mga studyante kaya nakisingit ako. Nakita ko sa gitna yung tatlong baklang tumatalon talon at tinatanggal nila yung mga nakasabit sakanilang palaka.

Tapos isang babaeng nakahandusay.......


Sh!t si Alexis yun ah. Tsk! Ano nanaman kayang ginawa ng babaeng ito. Agad agad ko s'yang pinuntahan at binuhat yung parang sa newly Wed.

"Z-zach aarrrghhh! Yang babaeng yan ang may gawa saamin nito" tili ng isang bakla habang tumatalon.

"Oo Zach angsama n'ya sinugod n'ya kami bigla tapos sinabihan ng masasakit na salita arrghhh!" Tili pa ng isa.

Hindi ko nalang sila pinansin at umalis na duon. Dinala ko nalang s'ya sa may Mystique Garden. Tumawag ako ng isang Nurse fairy para gamutin yung mga galos n'ya.

...

Maghahapon na pero hindi pa s'ya gising. Magaling naman na yung mga galos n'ya dahil ginamot na yun ng Nurse Fairy.

"Aiiisshh" napatingin naman ko sakan'ya dahil gising na s'ya malamang dumaing na eh.

"Anong nangyari?" Tanong nito. Tsk! "Nagkaroon ka ba ng Amnesia at hindi mo maalala ang nangyari sayo?" Masungit na tanong ko.

"Ah oo nga pala. Paano mo nalaman na binugbog ako ng tatlong gay na yun?" Kunot noong tanong n'ya.

"Napadaan lang tapos nakita ko na nakahiga ka sa lapag habang yung tatlong beki ay naligo sa palaka" sabi ko na ikinalaki ng mata n'ya. Damn she's so cu---- nevermind ang cute ko.

"Na-naliligo sa mga palaka?!" Gulat n'yang tanong tumango naman ako. "Impossible" rinig kung bulong n'ya.

"Oh kumain ka na. Hapon na oh" sabi ko sabay lapag ng pagkain sa harap n'ya. "Hapon na?!" Gulat na sigaw n'ya.

"Aiishh hindi mo kailangang sumigaw oo hapon na!" Inis na sabi ko at iniwan s'ya dun. Aiiish ang sakit n'ya sa tenga.

Dati naman tahimik s'ya eh.

"Salamat pala hah!" Sigaw n'ya ulit napailing nalang ako at sumalampak sa kama ko. Walang pasok hanggang sa bagong taon. Pahinga na rin yun tapos pagkatapos ng bagong taon magaganap na ang pinakahinihintay ko. Ang survival game.

Kung saan weapons at physical strength lang ang puwede mong gamitin. Ang first round lahat ng studyante sasabak pagkatapos yung sampung matirira maglalaban laban ulit. Tapos yung last two na matirira magiging magkakampe sila at may bubuuin silang puzzle.

Basta ieexplain naman nila yan bago maganap ang survival game. I'm so excited!😀

**********

Yey ako din excited!!😀

Happy new year!! 🎆

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon